Muling pinainit ni KC Concepcion ang Instagram sa bago niyang upload na swimsuit photo ngayong gabi ng Biyernes, August 14.
Makikita sa larawang ipinost ni KC na isang pulang skimpy swimsuit ang suot niya katulad ng kanyang post kahapon, August 13.
Sa pagkakataong ito, nakatalikod ang 35-year-old actress-model na hindi na nakatingin sa camera.
Pero kita pa rin ang matatambok na pisngi ng kanyang puwet.
Nakalagay sa kanyang caption: “Sometimes, I play dress up.”
Muling bumaha ng mensahe ng paghanga mula sa netizens ang post na ito ni KC.
Sabi ng isa, “You are one amazing lady. Strong and independent woman. Very comfortable in your own skin."

Ayon sa isa pang netizen, “Hello Miss KC. isa ako sa taong humahanga sa iyo mula noon hanggang ngayon. stay safe.”

Napahanga rin ang iba sa kakinisan ng kanyang behind:



“LATINA CURVES”
Kahapon, August 13, unang ipinasilip ni KC sa publiko ang kanyang matambok na puwet.
Pinusuan at pinagkaguluhan ito ng netizens.
Inilagay niya sa caption ang talata mula sa sinabi ng American drag queen na si RuPaul: “If you can’t love yourself, how in the hell you gonna love somebody else?”
May isang basher na nagsabing “malaswa” umano ang post ni KC, ngunit kinuyog ito ng supporters ng aktres.
Bago ito, nagkuwento si KC tungkol sa pagkaka-biktima niya sa body-shaming at tungkol sa kanyang "Latina curves."
Nitong dumaranas daw ang mundo ng pandemya, napagtanto niyang dapat i-appreciate ng bawat isa ang sarili.
Hinayaan din daw niyang magdusa ang sarili sa kanyang eating disorder gayo't maaari naman siyang magpapayat sa ibang kaparaanan.
Bahagi pa ng kanyang post, “Celebrate LIFE. Tomorrow is not promised.”
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
