Nanumbalik na ba ang friendship nina Julia Barretto, 23, at Janella Salvador, 22?
Ito ang katanungan ng marami matapos mapansing naka-follow na muli si Julia kay Janella sa Instagram.

Kahit in-unfollow ni Julia si Janella noong January 2020, hindi naman nag-unfollow ang huli sa una.

Matalik na magkaibigan sina Julia at Janella.
January 2020 nang mapansin ng maraming netizens na in-unfollow ni Julia si Janella sa Instagram.
Hindi naman malinaw ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Julia.
Pero nangyari ito matapos magsalita ng ex-boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia na naging mabuting magkaibigan sila ni Janella sa defunct ABS-CBN primetime series na The Killer Bride.
Noong mga panahong yun din ay simula na ng promo nina Julia at Joshua para sa kanilang pelikulang Block Z.
UNFOLLOWING, FOLLOWING EX-BF JOSHUA
Nitong nakaraang August 10, muli namang nag-follow si Julia sa ex-boyfriend niyang si Joshua sa Instagram.
Nangyari ito bago rumolyo ang pagsasamahan nilang digital project na Love Unlock: E-numan para sa Kapamilya Online Live.
Sabi ni Julia, ang mahalaga raw ngayon ay nagbalik na ang dati nilang pagkakaibigan ni Joshua.
"And we're both really at ease with each other.
“And nakakapag-asaran pa kami, like what we're doing right now. It's so nice to have that.
"And I think being good friends and being at peace with each other is the reason why we're in a very good place right now.
"We're really good friends," pahayag ng young actress sa presscon nila ni Joshua para sa kanilang proyekto noong August 11.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
