Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus dispute John Regala's money issues: "Kami ang binaliktad, kami pa ang masama."

by Rachelle Siazon
Aug 28, 2020
Nadia Montenegro (left) and Chuckie Dreyfus (right) open up to PEP.ph about their falling-out with John Regala (center). They also show PEP the breakdown of cash donations and expenses around John's hospital treatment.
PHOTO/S: Instagram

#NadiaChuckieAsterVSJohnRegala

"We don't regret helping him. Pero huwag naman niya kaming palabasin na sinungaling."

Ito ang emosyonal na pahayag ni Nadia Montenegro sa sinapit na kontrobersiya ng pagtulong nila nina Chuckie Dreyfus at Aster Amoyo sa action star na si John Regala.

Kaugnay ito ng reklamo ni John na wala raw siyang napala "ni singkong duling" sa fundraising efforts ng grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster para sa kanya.

Aminadong galit si Chuckie sa paninira ni John sa grupo nila.

"We were leaving a little dignity for John para hindi naman siya awayin, at respetuhin pa rin siya kahit papaano.

"And this is what we get in return? Kami ang binaliktad, kami pa ang masama," sabi ng dating child actor.

Esklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Nadia at Chuckie, sa pamamagitan ng Zoom call, kahapon, August 27.

Kasama rin sa panayam ang asawa ni Chuckie na si Aileen Dreyfus, na siyang keeper ng listahan ng computation ng mga natanggap na cash donations pantustos sa pagpapagamot kay John.

Continue reading below ↓

PAANO NAGSIMULA ANG PAGTULONG

Dito ay inere nina Nadia at Chuckie ang buong detalye—mula sa pagkabuo ng grupo nilang tumutulong kay John hanggang sa tunay na dahilan kung bakit sinukuan nila ang dating action star.

"Alam mo, now that you remind me, ang daming senyales," matalinhagang sabi ni Nadia.

Inamin ni Nadia na umpisa pa lang ay may mga kakilala na siyang nag-alangan kung karapat-dapat tulungan si John.

Tila may kaugnayan ito sa dating nababalitang "bisyo" ni John.

Patuloy ni Nadia, "Hanggang ngayon, tinatandaan ko isa-isa ang mga artistang nagsabi sa akin na tutulong. Lahat sila iniisa-isa ko, nag-apologize ako.

"Kasi tinanong nila ako, e, 'Sigurado ka ba diyan?' Umoo ako, e. I guaranteed it, e."

Singit ni Chuckie, "Ang dami kasing hindi naniniwala, e. Maraming nag-message sa amin, 'Nasunog na ako diyan. Naloko na ako diyan. Kaya hindi na ako tumulong diyan.'"

Pero isinantabi raw ito ni Nadia.

"Kumbaga, whatever his past is, kalimutan na natin yun ngayon. Ganun na lang pakiusap namin sa mga nagdo-donate.

Continue reading below ↓

"Kasi marami nagsasabi na huwag tulungan."

Ang intensiyon lang daw ng grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster ay matulungan si John.

Noong July 27, nag-viral ang litrato ni John na nakaupo sa bangko sa isang lugar sa Pasay City.

Kuha iyon ng isang Grab driver na kusang tumulong kay John, na halatang may sakit at kahabag-habag ang hitsura.

Ayon sa kuwento ng Grab driver sa Cabinet Files column ng PEP.ph, papunta raw sana noon si John para makipagtagpo sa "nurse na nag-i-inject sa kanya ng gamot para sa gout niya."

Si John ay may liver cirrhosis, o sakit sa atay, dahil sa long-term damage rito, at mayroon din siyang gout na isang uri ng rayuma na nagdudulot ng matinding sakit sa kasu-kasuan.

Nang makita ang kalagayan ni John dahil sa viral photos nito, nagpasya ang grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster na tulungan si John.

Sina Nadia, Chuckie, at John ay produkto ng dating youth-oriented show ni German "Kuya Germs" Moreno sa GMA-7, ang That's Entertainment.

Continue reading below ↓

Matagal nang walang komunikasyon si Nadia kay John, pero nagkataong malapit si Aster kay John kaya nakontak nila ang aktor.

Si Aster ay veteran showbiz columnist at talent manager.

Gabi ng July 27, nakumpirma ni Aster na nakauwi si John sa tinutuluyan nitong condominium compound ng Iglesia ni Cristo (INC), ang kongregasyon kunsaan miyembro ang aktor.

Makalipas ang ilang araw, noong July 30, pinilit ni Nadia na personal na kumustahin si John.

"Buwis-buhay, Rachelle, yung ginawa namin, yung ginawa ko to make sure...

"Sabi ko talaga kina Nanay Aster and Chuckie, 'Punta na ako dun. Tingnan ko na kung anong kalagayan ni John.'"

Kasama ni Nadia sina Aster at FDCP Chair Liza Diño na bumisita kay John sa INC compound sa Quezon City.

Ang kuwento raw sa kanila ni John, "six years ago" ay "tinaningan na" umano ng doktor na limang taon na lang ang itatagal niya sa mundo.

Patuloy ni Nadia: "Kasi ang dami niya sinasabi, 'Iniwan ako ng asawa ko...' Wala na raw siya kasama. Wala siyang gamot...

Continue reading below ↓

"Tulungan daw siya makilala ang anak niya... Kaya siguro daw hindi pa siya namamatay... Tuluy-tuloy na."

ANG FUNDRAISING NA ISINAGAWA

Tumugon ang grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster sa paghingi ng saklolo ni John, partikular na sa pagpapagamot nito.

Kuwento ni Nadia, "Hype na hype na kami dun sa excitement kung paano namin siya tutulungan.

Continue reading below ↓

"Kanya-kanyang koneksiyon. Talagang todo, all-out. 'Let's give him the life he deserves.'

"Long-term pa nga inisip namin. We have to get funds for his hospitalization now, to get him to a state wherein he can eat again, kasi two weeks na siyang di kumakain nun. So, pagkain niya, pinagluluto...

"Talagang parang... kung parang last days niya yun, we wanted him to have the best of it.

"Kasi hindi namin alam kung kailan siya mawawala nun, dahil ang sama ng hitsura niya, e."

Si Chuckie ang bumuo ng page sa Gava Gives, isang crowdfunding site para makalikom ng cash donations para kay John.

May standard cross-verification ang site para siguruhing lehitimo ang fundraising drive kaya tatlong araw ang itinagal bago raw na-activate ang page para sa mga nais tumulong kay John.

Kaya nagpasya ang grupo na magbukas sina Nadia at Aster ng joint bank account, kunsaan maaaring magpadala ng cash donations para sa action star.

Continue reading below ↓

Gumamit din sila ng G-cash para mas mapadali sa ibang donors ang pagpapadala ng kanilang tulong pinansiyal.

Nagkakapikunan pa raw sina Nadia, Chuckie, at Aster dahil wala sa kanila ang gustong humawak ng pera.

Pero mabuti na lang daw at naging maingat at masinop silang tatlo pagdating sa transparency ng nalikom na mga donasyon.

Paliwanag ni Nadia: "We wanted to make it the right way.

"That was the reason why we had to open a joint account, para hindi naghahalo yung personal na pera sa pondong ibinibigay ng mga donations.

"Yung parang we were extra, extra careful na.

"Every time we would think of 'Paano yung bank account ni John? Paano yung ganito?' Baka dumating yung puntong, eto na ngang nangyayari na nga..."

Nanindigan sina Nadia at Chuckie na transparent ang lahat ng transaksiyon nila sa banko, pagbayad sa ospital at iba pang medical expenses, at pati ang gastos sa grocery para sa pagkain ni John.

Continue reading below ↓

"All-documented 'yan, naka-update every day sa amin 'yan," diin ni Nadia.

LOOKING FOR A HOSPITAL FOR JOHN

Noong August 4, 2020, isinugod si John sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.

Pero bago iyon ay may apat na araw raw na dinala si John sa iba-ibang ospital para mapatingnan sa doktor.

Dumadaing daw kasi si John na nakakaramdam ito ng matinding pananakit ng katawan.

Dibdiban na koordinasyon ang ginawa ng grupo ni Nadia sa long-time assistant ni John na si "Teddy," na isa sa mga umalalay sa pangangailangan ng action star.

Tukoy ni Nadia ang hirap ni Teddy sa pag-aalaga kay John, "Ang liit-liit ng katawan ng tao, siya talaga yung nagbubuhat kay John that last four days John was so irritable and in pain.

"Imagine, from 14th floor [na condo unit] binababa 'yan sa elevator. Pagbaba ng elevator, kukuha ng ambulance.

"Four days 'yan, ganyan ang buhay namin. Guguluhin namin buong INC, 'May darating pong ambulansya dahil si John masakit daw ang ganito.'"

Continue reading below ↓

Dinadala raw si John sa E.R., pero maraming ospital ang hindi tumanggap dito.

"Ang mangyayari, iuuwi ulit, iaakyat ng 14th floor. Pagkatapos niyan, tatawag na naman ng alas-dos ng umaga. Ganun na naman. Ibababa ulit siya, dadalhin sa ospital," lahad ni Nadia.

Noong una ay na-admit pa raw si John sa New Era Hospital, ang pag-aaring ospital ng Iglesia Ni Cristo.

Doon na raw nila napansin ang katigasan ng ulo ni John.

"Nung third day, dinala namin sa New Era. Anong nalaman namin? Three o'clock ng umaga, bumalik, umuwi.

"Nag-text yung caregiver, 'Pauwi na ulit kami. Ayaw ni Sir John dito.' Naging ganun kahirap."

Bukod sa paghahanap ng ospital para kay John, nakahanap din ang grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster ng private doctor na sinadya si John sa condo unit nito sa Quezon City.

"He had a private doctor, every day, pinupuntahan siya dun. Nililinis sugat niya. Dini-drain tuhod niya..."

Continue reading below ↓

Lahat daw ng hingin ni John na pag-asikaso sa sakit nito ay ginawan ng paraan ng grupo.

JOHN'S COMPLAINT ABOUT EXPENSIVE HOSPITAL EXPENSES

Hanggang sa isinugod na si John sa NKTI, kunsaan siyam na araw itong na-confine.

Dalawang araw namalagi si John sa isang makeshift E.R. bago ito nailipat sa private room.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Nadia na anim na doktor ng NKTI ang tumingin kay John para masigurong bumuti ang kalagayan ng aktor.

Sina Nadia, Chuckie, at Aster ay regular na nag-post sa social media ng health updates para sa kaalaman ng mga taong nag-abot ng tulong.

Kaya hindi raw akalain ng tatlo na magiging isyu pa pala ang pagbibigay ng "best possible healthcare" kay John.


Continue reading below ↓

Sa online show na Raffy Tulfo In Action noong August 25, sinabi ni John na sayang ang tumatakbong metro ng bayarin sa ospital kaya gusto na niyang umuwi.

Hindi naman daw kailangang sa mamahaling ospital siya dinala ng grupo nina Nadia at Chuckie.

Ayon kay John, "Kung ako dinala nila sa Crisostomo General Hospital, di po aabot ng PHP139,000 po yun, kundi PHP3,500 lamang po ang aabutin.

"Hindi ko po kailangan ng anim na doktor. Isang doktor lang po ang kailangan ko, iyong aking ortho."

Sabi ni Nadia sa PEP.ph, "Wow! Nagpipigil ako..."

Sabi ni Chuckie, "Una, andun ba mga espesyalista? Andami niyang sakit. 'Tsaka PHP3,500? Okay lang siya?

"Kung NKTI nga, nagwawala siya ng dalawang araw sa emergency room. Pahirap siya sa lahat ng doctor at caretaker doon.

"Sa PHP3,500 pa kaya? Baka hindi siya na-accommodate. Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo niya iniisip yun."

Noong mga huling araw ni John sa ospital, kasagsagan na rin daw ng pagpapakita ni John ng katigasan ng ulo.

Continue reading below ↓

Noong August 11 unang nagpahiwatig si Aster, sa pamamagitan ng isang Facebook post, na si John ay isang "uncooperative patient." Sinusubok daw ni John ang pasensiya ng grupo nila nina Nadia at Chuckie.

Kinabukasan, August 12, naiulat sa PEP.ph ang kumpirmasyon mula kina Nadia at Chuckie na pasaway nga si John.

Aminadong "stressed" na ang kanilang grupo, lalo na si Aster, na araw-araw raw iniiyakan ni John dahil gusto na nitong umuwi.

Gayong sa pakiwari raw nila, mas makabubuti sana sa aktor na magtagal pa ng ilang araw sa ospital para masigurong maayos ang lagay nito.

FALLING-OUT WITH JOHN & GETTING HIM OUT OF THE HOSPITAL

Hanggang sa noon ngang August 13, nagpumulit si John na tuluyang lumabas na ng ospital.

Kung anu-ano raw ang demands ni John.

Noong panahong iyon, hindi pa nila lubusang maintindihan ang puno't dulo ng diumano'y natuklasan nilang kabalbalan ni John.

"In short, ang pangit na ng ugali niya sa amin," saad ni Nadia.

Continue reading below ↓

Doon daw nagpasya ang grupo nina Nadia, Chuckie, at Aster na kumalas na sa pagtulong kay John.

Lahad pa ni Nadia, "Kasi nung sinabi niya gusto na niya umuwi, sabi namin, 'Hala! I-cut na natin lahat ito.'

"Ang ginawa namin, 'Let's gather everything na. Tutal ayaw na niya ng tulong natin,' nung day na yun.'"

Dali-dali raw kinolekta nina Nadia, Chuckie, at Aster ang cash donations para pambayad ng hospital bill.

Sabi ni Nadia, "So, ako, ang trabaho ko was get the money intact, get [the caregiver] to the hospital to make pila, and then make sure na mabayaran lahat.

"'Tapos we were waiting for the doctors. Alam mo naman gaano katagal sa hospital, lalo nang ganito pang COVID.

"So, from 7 a.m. to 4 p.m., we were trying to get him out of the hospital kasi nagwawala na."

Continue reading below ↓

PAYMENT FOR JOHN'S HOSPITAL BILL

Ipinaliwanag ni Nadia na siya ang nag-withdraw ng PHP90,000 mula sa joint bank account nila ni Aster na naglalaman ng cash donations para kay John.

Iniabot daw iyon ni Nadia sa caregiver ni John na si Bem, na siyang pumila sa cashier ng NKTI.

Isang tao lang ang pinapayagan magbantay ng pasyente sa ospital, lalo pa't MECQ noon.

May "guaranteed letters" ding nalikom ang grupo na worth PHP50,000 mula kay Senator Imee Marcos at PHP3,000 mula kay Quezon City Councilor Precious Hipolito-Castelo.

Para iyong gift check na puwedeng ipambayad sa singil sa emergency room, outpatient department, at medical bills ng pasyente sa isang ospital.

Pero napag-alaman daw ng grupo nina Nadia na hindi covered ng guaranteed letter ang bayad sa private room ni John sa NKTI.

Matatagalan pa raw kung babalik ng banko si Nadia para mag-withdraw, kaya suwerte raw na may tumulong sa kanila.

Continue reading below ↓

Noong August 13 ay nagpadala ang donors na si Congressman Ronnie Ong ng "PHP20,000" at si Liza Diño ng "PHP10,000" para punan ang kulang na pera pambayad sa hospital bill.

Ang caregiver naman ni John ang personal na kumuha raw sa isang money-transfer shop ng "PHP47,600," o katumbas ng 1,000 U.S. dollars, na padala ng ex-wife ni John na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt.

Samakatuwid, ang cash on hand daw nila noong August 13 ay "PHP167,600."

Dito nanggaling ang ibinayad na "PHP138,300" para sa hospital bill.

Sa panayam ng PEP.ph, ipinaliwanag ng asawa ni Chuckie na si Aileen na may natirang PHP29,300 mula sa PHP167,600.

Kinuha raw ni John ang "PHP10,300," at ibinigay kay Nadia ang "PHP19,000" pambayad ng ibang medical expenses.

Pero giit ni Aileen, ibinalik daw ni Nadia ang sukli sa PHP19,000 sa joint bank account na naglalaman ng cash donations.

BREAKDOWN OF CASH DONATIONS

Nakakuha ang PEP.ph sa grupo nina Nadia at Chuckie ng kopya ng listahan ng cash donations para kay John.

Continue reading below ↓

Nakalikom ng PHP139,935 mula sa joint BDO bank account nina Nadia at Aster.

Sa Gava Gives crowdfunding site, ang nalikom na pera nina Nadia, Chuckie at Aster ay PHP44,505.35

Sa G-cash account, na hawak ni Nadia, ay may nalikom na PHP28,103.95

Noong araw na na-discharge sa ospital si John, nag-donate si Liza ng PHP10,000 at si Congressman Ong ng PHP20,000.

Noon ding August 13 nakuha mula sa money transfer shop ang PHP47,600 (1,000 U.S. dollars) na galing sa ex-wife ni John na si Aurina.

Ang total amount ng cash donations ay PHP290,144.30.

Ilan sa mga nakalistang showbiz personalities na nag-donate ay ang grupong Aktor na pinamumunuan ni Dingdong Dantes (PHP18,000), Imelda Papin (PHP10,000), Amy Perez (PHP5,000), at Lito Pimentel (PHP5,000).

Nag-donate din ang mag-amang Lito at Mark Lapid (PHP30,000), Jinggoy Estrada (PHP30,000), at Pasig City Vice Mayor Christian "Iyo" Bernardo (PHP15,000).

Continue reading below ↓

May dalawa ring donors na nagbigay ng dalawang wheelchairs para magamit ni John.

SUMMARY OF HOSPITAL & MEDICAL EXPENSES

Nagbigay rin sina Chuckie at Nadia sa PEP.ph ng kopya ng summary of expenses para sa pagpapagamot kay John.

Ang hospital bill ay PHP138,300.

Ang ginasta para sa "medicines at grocery items" para kay John ay may total na PHP17,193.10.

Ang ginasta para sa "rescue team, food, at gas" ay halagang PHP4,000.

Ang "private doctor" na ilang araw nag-asikaso sa health condition ni John bago pa ito naisugod ay may fee na PHP9,000.

Ang "professional caregiver," na isa sa umasikaso kay John, ay may fee na PHP6,500.

Ang kabuuang gastos na nagamit mula sa cash donations, base sa listahan nina Nadia at Chuckie, ay PHP174,993.10.

At may natirang PHP115,151.20 mula sa cash donations.


Continue reading below ↓

NADIA AND CHUCKIE CALL JOHN "SOBRANG SINUNGALING"

Sa hirap na pinagdaanan daw ng grupo, hindi lubusang maisip nina Nadia at Chuckie kung paano nakuha ni John na sila pa ang baliktarin at siraan sa publiko.

Sa online show ni Tulfo noong August 25, kinuwestiyon ni John kung saan napunta ang perang ibinigay na tulong sa kanya.

Reklamo ni John: "Wala po akong napakinabangan ni singkong duling. Iyan po ang maliwanag."

Mariin itong pinabulaanan nina Nadia at Chuckie.

"Sobrang sinungaling," giit ni Nadia.

Sang-ayon ni Chuckie, "Inis na inis talaga ako sa sinabi niya."

Tanong naman ni Aileen para kay John: "So, yung ginamit na pagpalabas sa ospital, ano yun, libre?"

Ayon pa kay Nadia, naging transparent ang grupo nila kay John.

Ipinadala raw ni Nadia sa condo unit ni John ang brown envelope na naglalaman ng bank certificate o patunay na naideposito sa personal bank account ng aktor ang natirang PHP115,151.20.

Continue reading below ↓

Tukoy ni Nadia sa nilalaman ng brown envelope, "Ano yun, e, proof of transfer, deposit slip, original receipt, Excel breakdown..."

Taliwas ito sa reklamo ni John na wala siyang nakitang listahan ng breakdown ng cash donations at kung kanino galing ang mga ito.

Sabi naman ni Chuckie, napakadali para kay John magbato ng akusasyong wala namang basehan.

Pero saksi raw siyang siniguro nila ni Nadia na magkaroon ng kopya si John ng breakdown ng cash donations at expenses, na inayos ni Aileen, ang misis ni Chuckie, sa Google sheet.

Sabi ni Chuckie: "Naalala ko pa, bago pinadala ni Nadia 'yan, kinukulit kami ni Nadia.

"Kasi parang Google sheets kasi iyon, e. Kasi naga-update real time, nakikita ni Nadia, 'Ayos na ba breakdown? Is this the final list? Because ipa-print ko na ito dahil ipapadala ko na.'

"Malinaw talaga, e. Isasama niya lahat sa envelope."

Isa pang hinahanap ni John ay kung nasaan ang cash donation mula sa mga kasamahang artista tulad nina Vic Sotto at Bong Revilla.

Continue reading below ↓

Ayon naman kina Nadia at Chuckie, wala silang natanggap na cash donation mula kina Vic at Bong.

Napag-alaman daw nilang may celebrity donors na dumidiretso kay John, tulad ni Raffy Tulfo na nagbigay ng PHP100,000 at ni Richard Gomez na nagbigay ng PHP10,000.

Pati raw si Congressman Ong ay direktang nagbigay kay John ng PHP12,000.

Giit nina Nadia at Chuckie, hindi nila pinakialaman ang anumang pera na direktang natanggap ni John.

Wala rin daw silang access sa personal bank account ni John.

Matalinhagang sabi pa ni Chuckie, "Kung sinasabi niya na zero balance na siya, if he's referring to his bank account, you can only ask him.

"Because I don't know where he spent that money. Because he did not spend it for his healthcare and for his expenses.

"Everything we used for his healthcare, groceries, pagkain, transportation, hospital bills—all came from us through the crowdfunding and donations sa joint bank account."

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph sa panig ni John Regala kaugnay ng mga naging pahayag nina Nadia Montenegro at Chuckie Dreyfus.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadia Montenegro (left) and Chuckie Dreyfus (right) open up to PEP.ph about their falling-out with John Regala (center). They also show PEP the breakdown of cash donations and expenses around John's hospital treatment.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results