Jim Paredes calls Ted Failon “spreader of fake news”

by Arniel C. Serato
Aug 31, 2020
Veteran singer Jim Paredes (left) says veteran radio-TV anchor and commentator Ted Failon "eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc.”
PHOTO/S: Courtesy: Jim Paredes / Failon Ngayon on Facebook

“Spreader of fake news.”

Ito ang paglalarawan ng singer/performer na si Jim Paredes sa radio/TV news anchor at commentator na si Ted Failon.

Sinabi ito ni Jim sa Twitter post ni Karen Davila, na nagbigay-pugay kay Ted bilang kasamahan sa ABS-CBN at nakasama sa TV Patrol ng anim na taon.

Sabi ni Karen sa kanyang post, Linggo ng gabi, August 30, “Nakasama ko si Si Ted Failon ng 6 na taon sa TVPatrol noong 2004-2010.”

Papuri niya sa 58-year-old broadcaster, “Icon sa industriya. Isa sa pinakamagaling at pinakamalalim magkomentaryo sa radyo.

“Saan ka man mapunta Ted, I am praying for your success. God be with you.”

Ngayong Lunes, August 31, nagpaalam na si Ted sa kanyang mga programa sa radyo (Failon Ngayon) at telebisyon (TV Patrol) pagkatapos ng 30 taon sa ABS-CBN.

Kabilang si Ted sa libu-libong talents at empleyado na nawalan ng trabaho matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN Corporation noong July 10, 2020.

Continue reading below ↓

JIM DISAGREES

Sa comments section, sinalungat ni Jim ang papuri ni Karen kay Ted.

Tahasang sabi ng dating miyembro ng APO Hiking Society: “He was a spreader of fake news. Sorry Karen. I disagree.”

Hindi sumagot si Karen sa komento ni Jim.

Pero isang netizen-lawyer ang naghamon kay Jim na patunayan nito ang sinasabi tungkol kay Ted: “Name one fake news he spread.”

Continue reading below ↓

Tugon ng 69-year-old veteran singer, kumampi si Ted kay Persida Acosta, na chief ng Public Attorney’s Office (PAO), sa isyu ng Dengvaxia vaccine noong 2018.

“He sided with Persida on the issue of dengvaxia. He did not speak out against the manufactured data on deaths her office was touting even when top doctors and experts were contradicting her."

Continue reading below ↓

Malaking pinsala raw ang dulot nito.

Sabi ni Jim, “Because of that, he eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc.”

Ang PAO ang nangasiwa sa autopsy ng mga batang namatay matapos diumanong maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ang Dengvaxia ay ang anti-dengue vaccine, na proyekto ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Department of Health Secretary Janette Garin.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga alegasyon, hindi akma ang Dengvaxia sa mga batang hindi pa nagka-dengue, o tinatawag na seronegative patients, kaya raw nagkaroon ng masamang epekto ito sa mga hindi pa nagka-dengue pero naturukan.

Ang Dengvaxia ay gawa ng multinational pharmaceutical company na Sanofi at idinistribute sa Pilipinas ng healthcare service provider na Zuellig Pharma.

Tugon ng netizen kay Jim, “Assuming it were true, siding and keeping silent are not spreading fake news.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Jim, “He was not silent”

Komento muli ng netizen, “Him not speaking out (in your own words) doesnt make him a spreader of fake news.”

Continue reading below ↓

Hindi na tumugon dito si Jim, na isang masugid na kritiko ng pamahalaang Duterte.

Samantala, ngayong araw, August 31, magaganap ang pakikipag-usap ng management ng ABS-CBN sa mga empleyadong kasamang na-retrench sa istasyon.

Noong Biyernes, August 28, sabay-sabay nagpaalam sa himpapawid ang lahat ng Regional Network Group (RNG) stations ng ABS-CBN sa mga probinsiya.

Ang pagsasara ng ABS-CBN free TV sa buong bansa ay nag-ugat sa personal na galit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Lopez family na nagmamay-ari ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran singer Jim Paredes (left) says veteran radio-TV anchor and commentator Ted Failon "eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc.”
PHOTO/S: Courtesy: Jim Paredes / Failon Ngayon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results