Are McCoy de Leon, Elisse Joson back together? Celebs, fans cheer actor’s kilig post

Aug 31, 2020
Kapamilya artists McCoy de Leon (left) and Elisse Joson (right) were Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 celebrity housemates in 2016. They became a love team and real-life partners until they broke up in 2018. In McCoy's latest Instagram photo (center) on Sunday, August 30, it seems like the past lovers have reconnected.
PHOTO/S: @mccoydeleon, @elissejosonn on Instagram

Kumbinsido ang mga kaibigang celebrities at devoted fans na nagkabalikan na ang dating reel-and-real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Hindi nila napigilang kiligin sa latest Instagram post ni McCoy, 25, nitong Linggo ng gabi, August 30.

Sa litratong ipinost ni McCoy, kasama niya si Elisse, 24, sa isang romantic cruise.

Sa picture, makikitang magkatabi sa pagkakaupo ang dalawa habang masuyong hinahalikan ni McCoy sa noo si Elisse. Ang dalaga, halatang kinikilig sa pagkakangiti.

Simple pero makahulugang caption ni McCoy sa post niyang ito: “Always all ways.”

Continue reading below ↓

Walang detalye kung kailan kinunan ang picture nina McCoy at Elisse, pero libu-libo ang nagkomento rito.

Lahat ay nagpahayag ng kasiyahang nagkabalikan na raw ang tambalan, na binansagang McLisse.

Kabilang sa mga nag-comment ang mga kapwa nila dating Pinoy Big Brother housemates na sina Maymay Entrata, DJ Chacha, at Vivoree Esclito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ramdam din ang kilig sa komento nina Julia Barretto, Eula Valdes, Mylene Dizon, Dimples Romana, Awra Briguela, at Chie Filomeno.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Walang reaksiyon si McCoy sa mga nagkomento sa kanyang post, kaya walang direktang kumpirmasyon kung nagkabalikan nga sila ni Elisse. Pero kung a picture speaks a thousand words, yun na nga.

REEL-AND-REAL LIFE COUPLE

Sina McCoy at Elisse ay kapwa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016.

Continue reading below ↓

Habang magkasama sa Bahay ni Kuya, nabuo ang love team nina McCoy at Elisse. Nagkaroon ng following ang kanilang tambalan, na tinawag na McLisse.

Pagkatapos ng PBB stint, nagsunud-sunod ang acting projects ni Elisse.

Si McCoy naman ay naging miyembro ng all-male dance group na Hashtags sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Kalaunan, totohanang nagkaroon ng romantic relationship ang dalawa.

Pero noong March 2018, inamin ni Elisse na nagkakaproblema sila ni McCoy. Kinumpirma ito ng aktor.

Nang ipalabas ang unang pelikula nina McCoy at Elisse, ang Sakaling Maging Tayo noong January 2019, inamin ng dalawa na ilang buwan na silang hiwalay.

ON BEING ROMANTICALLY LINKED TO OTHER CELEBS

Sa isang interview na bahagi ng promotion ng kanilang pelikula, umiiyak na nagpaalam sa isa’t isa sina McCoy at Elisse.

Bagamat walang sinuman sa kanila ang nagdetalye sa tunay na dahilan ng hiwalayan, nagkasundo ang dating McLisse na tuluyan nang maghiwalay bilang magkasintahan at magka-love team.

Continue reading below ↓

Noong August 2019, ilang buwan matapos ang kanilang breakup, mismong si McCoy ang nagbalitang gusto raw ng kapwa Hashtag member na si Jameson Blake na ligawan sana si Elisse.

Nang mga panahong iyon, nagpahayag pa si McCoy ng suporta para kina Jameson at Elisse.

Kasabay nito, na-link si McCoy sa Kapamilya young actresses na sina Miles Ocampo at Maris Racal.

Gayunman, walang kumpirmadong nakarelasyon sina McCoy at Elise sa buong panahong magkahiwalay sila.

ELISSE NOW A RECORDING ARTIST, MCCOY GOES BACK TO SCHOOL

Sa ngayon, habang wala pang acting projects sa ABS-CBN, sumabak sa music recording ang Star Magic talent na si Elisse.

Ang Star Magic ang talent-management arm ng ABS-CBN Corporation.

Nitong August 28, ini-release sa Spotify ang debut single ni Elisse, ang “Halika Na,” under Star Pop.

Ang Star Pop ay sub-label ng Star Music, ang recording label ng ABS-CBN.

Ipinost pa ni McCoy sa Instagram nitong August 25 ang teaser ng “Halika Na” ni Elisse.

Continue reading below ↓

Samantala, balik-eskuwela naman si McCoy. Ipinagpapatuloy ng aktor ang pag-aaral ng civil engineering sa Mapua University.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang showbiz career ni McCoy.

Mula sa Star Magic, lumipat na si McCoy sa Viva Artists Agency.

Napilitang umalis sa Star Magic si McCoy matapos pagkaitan ng Kamara ng prangkisa ang Kapamilya network.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya artists McCoy de Leon (left) and Elisse Joson (right) were Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 celebrity housemates in 2016. They became a love team and real-life partners until they broke up in 2018. In McCoy's latest Instagram photo (center) on Sunday, August 30, it seems like the past lovers have reconnected.
PHOTO/S: @mccoydeleon, @elissejosonn on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results