Actor-director Cloyd Robinson passes away at 71

by Jerry Olea
Sep 2, 2020
Veteran actor-director Cloyd Robinson dies of a heart attack Monday, August 31. He was 71.

Pumanaw ang veteran actor-director na si Cloyd Robinson nitong Agosto 31, Lunes ng 9:10 P.M., dahil sa heart attack.

Siya ay 71 taong gulang.

“Around 9:00 P.M. po siya inatake sa bahay namin sa Silang, Cavite. After 10 minutes, binawian na po siya ng buhay,” text ni Josephine “Pen” Turqueza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Setyembre 1, Lunes ng umaga.

Si Pen ay kapatid ni Mel Turqueza, na talent ni Direk Cloyd.

Dagdag ni Pen, “Naihi na po si Tito Cloyd sa short niya. Dead on arrival po siya nang nadala sa Carsigma Hospital sa GMA, Cavite.

“May pumutok pong ugat sa ulo niya.”

Gusto sana nilang iburol ang mga labi ni Direk Cloyd nang dalawang gabi. Kaso, ayaw pumayag ng health center.

Marami kasing COVID-19 cases sa kanilang lugar. Bawal ang mass gatherings.

Kailangang i-cremate ang mga labi ni Direk Cloyd. Kaso, kulang sila sa pondo, kaya hinintay muna nila ang padala ng kapatid ni Direk Cloyd na nasa Bacolod.

Continue reading below ↓

Lubos ang pasasalamat ng mga kapamilya at kaibigan ni Direk Cloyd dahil sinagot ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang cremation nitong Setyembre 3, Miyerkules, 10:00 A.M.

“Hindi po natuloy ang cremation ngayong Martes sa Santuario Divino dahil may apat pa pong naka-schedule na ike-cremate,” paliwanag ni Pen via Messenger.

“Salamat po sa lahat ng tumulong, lalo na kay Mayor Lani Mercado. Maraming salamat po! God bless you po!

“Sabi po ng pinsan ni Tito Cloyd, dito raw po muna sa amin yung abo, 'tapos iuuwi sa mga kamag-anak niya sa Bacolod.”

Sa mga nais mag-abuloy, makipag-alam kay Lovely Joy sa cell number 09563205371.

For G-cash support, ipadala kay Rhosnel Encarnacion sa 09151627732.

REST IN PEACE, DIREK CLOYD

Ang dating aktres na si Deborah Sun ang isa sa mga unang nag-post sa social media ng pagpanaw ni Direk Cloyd.

“Rest in Peace my dear friend,” Facebook post ni Tita Gigi, ang tawag kay Deborah, ilang minuto makalipas ang hatinggabi nitong Lunes.

Continue reading below ↓

Kalakip ng post ang litratong nakayakap si Direk Cloyd kay Tita Gigi.

Ani Deborah, kate-text lang sa kanya ng kasama ni Direk Cloyd sa bahay.

“Araw-araw, magka-text kami sa umaga. Pinadadalhan ko siya lagi ng mga inspirational quote message. Almost every day iyan,” sabi niya.

Nakakumustahan pa ng writer na ito si Direk Cloyd noong Agosto 20, Huwebes, habang nasa Dagupan City kami. Sa tuwi-tuwina ay nagse-send kami ng inspirational messages sa isa’t isa.

Continue reading below ↓

Text ni Direk Cloyd noong Hulyo 4, “The lockdown is terrible. Just please help me pray to our Lord for all the help I need here sa Silang.

“Prayers lang ang panlaban natin. Just God. Happy weekend minus the Covid!”

Nag-text si Direk Cloyd noong Hunyo 19 nang mapanood si Michelle Dee sa Eat Bulaga.

Ang actress-beauty queen na si Michelle ay anak nina Melanie Marquez at Derek Dee.

“She’s so pretty and articulate! I will text Derek Dee! May plano ako para sa kanya,” sabi ni Direk Cloyd.

Nang mabalitaan ni Direk Cloyd sa 24 Oras ang pagpanaw ni Sonny Parsons, nag-text siya noong Mayo 24.

Aniya, “I felt sad. Kinanta niya noon ang theme song ng Bloody Mary ko for free. How I love him! Napakabait niyang kaibigan!”

Ang Bloody Mary (1987) ay pelikulang idinirek ni Cloyd, at pinagbidahan nina Ana Margarita Gonzales, Richard Bonnin, Liza Lorena, at Gloria Romero.

Continue reading below ↓

Ginunita tuloy namin ang mga kaibigang pumanaw, na madalas kakuwentuhan namin noon sa taunang birthday at New Year Party ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Kabilang diyan sina Mark Gil, Jake Tordesillas, at si Direk Maryo J, ganoon din si Tito Billy Balbastro.

Magkakasama na kaya silang nagbibiruan ngayon sa kabilang buhay?

CLOYD ROBINSON, ACTOR-DIRECTOR

Ayon sa IMDB (Internet Movie Data Base), 94 pelikula ang nilabasan ni Cloyd bilang artista mula 1970 hanggang 2018. Hindi kasama riyan ang paglabas niya sa iba’t ibang TV program.

Maliban sa Bloody Mary, idinirek din ni Cloyd ang mga pelikulang Risa Jones: Showgirl (1979, Rio Locsin, Phillip Salvador, Al Tantay, and Veronica Jones); Love Affair (1980, Rio Locsin and Al Tantay)...

Beach House (1980, Tet Antiquiera, Al Tantay, Mark Gil, Deborah Sun, Bembol Roco, Chanda Romero, Cherie Gil, and Ferdie Marcelo); Darna at Ding (1980, Vilma Santos and Niño Muhlach, co-directed with J. Erastheo Navoa).

Continue reading below ↓


Siya rin ang nagdirek ng Tambay sa Disco (1980, Alma Moreno, Beth Bautista, Tet Antiquiera, and William Martinez); Miss Extra Hot Pandesal (1980, Tet Antiquiera and Mark Gil)...

Hot Lips (1980, Tet Antiquiera and Al Tantay); at Pick-up Girls (1981, Isabel Rivas, Wendy Villarica, Al Tantay, and Ferdie Marcelo).

Continue reading below ↓

HOW CLOYD ROBINSON MADE MOVIES


Ang founder ng G. Filipinas pageant na si Dr. Lito de la Merced, 70, ay kasama sa karamihan ng movies ni Direk Cloyd.

“Tinawag na trash movies ang mga idinirek ni Cloyd," prangkang sabi ni Dr. Lito nitong Miyerkules via Messenger. "Pero mga blockbusters ito sa takilya.”

Dagdag niya, “Konti lang ang puhunan at tuhog ang mga eksena. Dahon ng papaya ang ginagawang halaman sa isang kunwari ay party ng milyonaryong may-ari ng beach house.

“Kasama sa film kaming barkada na hindi nagpapabayad ng talent fee. Kapag may out-of-town shooting na kasama ako ay puno ng food ang kotse ko.

“Bawat isa sa amin ay may kotse kaya hindi na nagre-rent ng sasakyan para sa mga extra. Kasi, isinasakay na namin."

Masaya raw ang mga araw na iyon, “Para lang kaming naglalaro sa shooting. Kung may kulang sa cast (late o hindi darating), nagagawan ni Cloyd ng paraan para hindi mahalata.

Continue reading below ↓

“Maaga magsimula ang shooting at hatinggabi natatapos."

Patuloy niya, "Entertaining ang movies ni Cloyd kahit illogical ang mga eksena.

“Bongga ang script na hindi nakasulat o naka-type. Sasabihin lang sa artista ang dialogue sa oras ng shooting.

“Maraming eksena ang nakukunan sa isang araw. Parang Direktor Artemio Marquez sa bilis ng paggawa.

“Hindi nagagalit si Cloyd sa shooting. Ginagawa niyang biro ang panlalait sa mga artistang di makaarte.

“Complete kami sa shooting—ang producers, Douglas Quijano, Alfie Lorenzo, Billy Balbastro, buong Laperal members at mga hombre ng barkada.

“It was fun. I enjoyed every minute of my stay in the shooting. Sa Batangas, sa Antipolo, sa Vigan at sa disco sa Makati.

“Maliban kay Arthur Nicdao, wala na ang Laperal buddies. Wala na sina Cloyd, Ernie Estrella, Lando Perez Jacob, Tonton Chua, James Yang, Douglas Quijano, Alfie Lorenzo, at Billy Balbastro.”

Ang tinutukoy ni Dr. Lito na "Laperal" ay ang apartnment building sa may Recto Avenue, sa Manila, na katapat ng San Sebastian College.

Continue reading below ↓

Ayon kay veteran showbiz journalist Edd de Leon: “Nakatira roon sina Cloyd at Arthur Nicdao noong late '70s hanggang early '80s.

"Naging meeting place iyon ng mga taga-showbiz noong araw dahil noon namang panahong iyon, ang sentro ng showbiz ay downtown Manila.”

ANG MANANAHI

Nominado si Cloyd bilang best actor sa 5th Sorok Short Film Festival kamakailan para sa pagganap niya bilang Hector sa Ang Mananahi (2020) na idinirek ni Dave Cecilio.

Ipinakilala ng fashion designer na si Oskar Peralta si Cloyd sa budding filmmaker na si Dave noong 2000 sa isang showbiz gathering.


Continue reading below ↓

Naging protégé ni Cloyd si Dave. Maliban sa short film na Ang Mananahi, nagkatrabaho sila sa feature films na Ang Misyon: Marawi Siege Story (2018) at I Love You, LC! (2019).

Isa si Dave sa nilalambing noon ni Cloyd kapag kinakapos ito sa pera.

Nito lang Hulyo, ipinasyal ni Dave si Cloyd sa Tagaytay para makapagliwaliw ito at makasagap ng sariwang hangin.

Lahad ni Dave, “Sobrang saya niya! Kumain siya ng bulalo at tawilis. At sinilip niya ang Taal Volcano.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actor-director Cloyd Robinson dies of a heart attack Monday, August 31. He was 71.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results