Family confirms vlogger Lloyd Cafe Cadena tested positive for COVID-19; Ivana Alawi accepts Lloyd's challenge

by James Patrick Anarcon
Sep 7, 2020
Lloyd Cafe Cadena had high fever and dry cough September 1. He tested positive for COVID-19 on September 3. On the morning of September 4, the 26-year-old YouTuber was found dead. He had suffered a heart attack while sleeping.
PHOTO/S: @lloydcafecadena on Instagram

Nagpositibo sa COVID-19 ang 26-year-old vlogger na si Lloyd Café Cadena isang araw bago siya bawian ng buhay noong Biyernes, September 4.

Habang natutulog ay inatake sa puso si Lloyd na siyang ikinasawi nito.

Ito ay ayon sa official statement na inilabas ng pamilya ni Lloyd nitong Linggo ng gabi, September 6, sa pamamagitan ng Facebook.

Sa statement ay nagpapalamat ang pamilya ni Lloyd sa pakikiramay ng kanyang followers at fans.

Sa una ring pagkakataon, idinetalye ng pamilya ni Lloyd ang pagkaospital ni Lloyd hanggang sa pagkamatay nito.

“There are simply no words to express our heartfelt thanks for the prayers and sympathy you have extended to our family during this time of loss.

“Lloyd was confined in the hospital on September 1 due to high fever and dry cough.

"He was tested for COVID-19 on the same day which the result came out positive on September 3.

"As soon as the result of his swab test came out, our family, including BNT immediately isolated themselves. His vitals were okay and had no complaints.

Continue reading below ↓

"On September 4, 5am he was seen by the staff unresponsive and pale looking.

"As informed by the doctor, he suffered a heart attack while asleep."

Ayon pa sa pamilya ni Lloyd, na-cremate na ang mga labi ng vlogger noong Sabado, September 5. Pansamantala namang nakalagak ang kanyang abo sa kanilang bahay sa Cavite.

Continue reading below ↓

Mayroong dalawang YouTube channels si Lloyd na may kabuuang 8.6 million subscribers.

Kabilang sa mga nakiramay sa pagkamatay ni Lloyd ay ang celebrities na sina Alex Gonzaga, Maine Mendoza, Vice Ganda, vlogger at kaibigan ni Lloyd na si Michelle Dy, at international singer na si Mariah Carey.

Ang ama naman ni Lloyd na si Jun "Khalid" Cadena ay naglabas ng saloobin tungkol sa pagkamatay ng kanyang anak sa sarili niyang YouTube channel.

OFW sa United Arab Emirates ang ama ni Lloyd.

IVANA ALAWI DOES LLOYD’S CHALLENGE

Samantala, tinupad ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang hamon ni Lloyd na mag-carwash sila ng isang bus.

Ayon kay Ivana, nakakalungkot na hindi nila ito nagawa nang magkasama, pero ginawa pa rin ito ng sexy star dahil alam niyang ikatutuwa ito ni Lloyd.

Ang kikitain daw ng vlog na ito ni Ivana sa kanyang YouTube channel ay mapupunta sa naiwang pamilya ni Lloyd.

Continue reading below ↓

Saad ni Ivana sa kanyang post (published as is): “Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, magcarwash kami ng Bus together.

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko, itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito.

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko.

“Hindi pa kita namemeet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire.

“Kween LC isa ka sa pinaka original na youtuber na mahal namin and you will never be forgotten.

“REST IN PARADISE

“*PINASARA AT WALANG IBANG TAO ANG NASA AREA NA ITO KAYA NAKAPAG TANGGAL AKO NG MASK*”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lloyd Cafe Cadena had high fever and dry cough September 1. He tested positive for COVID-19 on September 3. On the morning of September 4, the 26-year-old YouTuber was found dead. He had suffered a heart attack while sleeping.
PHOTO/S: @lloydcafecadena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results