Korina Sanchez misses slaying bashers

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2020
Korina Sanchez started bashing her bashers when ABS-CBN went off the air in May 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Nami-miss na raw ni Korina Sanchez na mambara ng bashers at trolls.

Ilang araw na kasing walang nangtu-troll sa 55-year-old veteran broadcaster.

Sa kanyang post ukol sa mga benepisyo ng collagen noong nakaraang Sabado, September 5, ibinahagi ni Korina ang isang magandang larawan niya.

Sa caption, may mahaba siyang paliwanag ukol sa mabuting maidudulot ng pag-inom ng collagen supplement.

Continue reading below ↓

Sa post niyang ito, puro papuri ang mga komento kay Korina mula sa mga kaibigan at followers.

May isang komento ang sinagot ni Korina.

Tanong ng netizen, “Wala bang basher na aaway kay Ma'am Korina? Tawa ako ng tawa pag nababara mga basher. Hahahaha”

Tugon ng beteranang news anchor na tila natatawa: “@kutch.iro Oo nga miss ko na nga eh hahaha.”

Continue reading below ↓

“BRUHA-SLAYER”

Noong nakaraang linggo, tila aprubado kay Korina ang binyag sa kanyang “bruha-slayerng isang netizen.

Madalas kasing tawaging “bruha” ng dating ABS-CBN news personality ang mga nambubuska sa kanya.

Nag-ugat ang pagsagot-sagot ni Korina sa mga bashers matapos magpaalam sa himpapawid ang ABS-CBN, ang network na pinaglingkuran niya ng halos tatlong dekada.

Hindi raw kasi niya maatim na may mga taong ikinatutuwa pa ang pagsasara ng network kahit na katumbas nito ang pagkawala ng hanapbuhay ng libu-libong empleyado.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Korina Sanchez, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez started bashing her bashers when ABS-CBN went off the air in May 2020.
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results