Korina Sanchez laughs off “bruha slayer” tag on social media

by Arniel C. Serato
Sep 4, 2020
Korina Sanchez does not mince words when it comes to her bashers on social media. This prompted one netizen to call her "bruha-slayer."
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Courtesy: @korina on Instagram

Mukhang aprubado kay Korina Sanchez ang maging modern-day “bruha slayer.”

Ilang buwan nang hindi nagpapatinag ang 55-year-old broadcaster sa bashers lalo na sa kainitan ng issue ng ABS-CBN franchise.

Makailang beses ding tinawag ni Korina na "bruha" ang ilan sa kanyang bashers.

Ito marahil ang naisip ng isang follower ni Korina kaya tinawag niyang "bruha slayer” sa social media ang broadcaster.

Sa kanyang throwback Thursday Instagram post kagabi, September 3, ibinahagi ni Korina ang larawan niyang kuha sa reception ng engrandeng kasal nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. sa Paris, France, noong September 3, 2017.

Sabi niya sa caption, “Throwback Thursday. Remember this?”

Continue reading below ↓

Komento ng isang netizen, “Presenting the Bruha- slayer. pak na pak ang ganda.”

Sinakyan naman ni Korina ang komento ng kanyang follower.

Tugon niya, “Hahahahahaha parang kontrabida?”

Sagot naman sa kanya ng netizen, “syempre bida ng ko[n]trabida.”

Hindi na sumagot ang dating ABS-CBN news personality rito.

THE “BRUHA” AND “IDIOTS” COMMENTS

Mula nang ipasara ng pamahalaang Duterte, sa tulong ng Kongreso, ang ABS-CBN ay hindi na inuurungan ni Korina ang bashers.

Continue reading below ↓

Noong May 13, 2020, nakipagsagutan si Korina sa mga bashers na nagkukumpara sa kanya sa GMA-7 anchor na si Jesicca Soho.

Direct competitor noon ang mga programa ng dalawa: ang Rated K ni Korina sa ABS-CBN at ang Kapuso Mo, Jessica Soho ni Jessica sa Kapuso network.

May tumawag pa kay Korina na “frustrated first lady” dahil sa pagkatalo ng asawang si Mar Roxas sa 2016 presidential elections.

Buwelta ni Korina: “Iz dat da best you can do? O sya. Please leave. Sakapang bruha. Out!”

Continue reading below ↓

Noong May 14 naman, dinepensahan ni Korina sina Kim Chiu at Coco Martin laban sa bashers. Nanindigan ang dalawang Kapamilya stars para sa ABS-CBN kontra sa mga netizens na nagbunyi sa pagkawala nito sa ere.

Isang follower ni Korina ang nagpayo kay Kim na sa susunod ay paghandaan daw ng aktres ang anumang pahayag nito. Nabatikos si Kim dahil sa kanyang “classroom law” analogy.

Saad nito kay Korina, “Sana po mag aral na si kim chiu ulit para tumalino siya. Pakisabi po sa kanya.”

Thumbs down ang sagot ni Korina.

Tirada pa niya, "wag kang BRUHA."

Continue reading below ↓

Tinawag ding “idiots” ni Korina ang marami niyang bashers.

Sa isang panayam, sinabi ni Korina na ngayon lamang siya pumatol sa bashers dahil nais niyang ipagtanggol ang istasyong pinagsisilbihan.

Hindi nakalusot ang aplikasyon ng ABS-CBN Corporation ng panibagong prangkisa sa House Committee on Legislative Franchises noong July 10, 2020 sa botong 70-11.

Kasama si Korina sa libu-libong na-retrench na mga tauhan ng ABS-CBN, at may balitang nakipagnegosyasyon siya sa TV5 para sa posible niyang paglipat doon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez does not mince words when it comes to her bashers on social media. This prompted one netizen to call her "bruha-slayer."
PHOTO/S: Ocs Alvarez / Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results