Former sexy actress Amanda Page on life after showbiz: “Masaya talaga ako sa buhay ko ngayon.”

by Bernie V. Franco
Sep 8, 2020
Amanda Page on her past showbiz career that included being leading lady to Fernando Poe Jr: "Nung time na iyon, nung pumasok ako sa pagiging artista, alam ko naman na it was just going to be ilang taon lang ang career ko. Kasi alam ko naman yung… never iniisip ko na ito lang ang gagawin ko sa buong buhay ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nakilala si Amanda Page bilang sexy star sa local showbiz noong mid-‘90s.

Naging visible din siya sa telebisyon noon sa bakuran ng GMA Network.

Pero sa pagpasok ng bagong milenyo, noong 2000, biglang nawala si Amanda sa showbiz.

Bumalik siya sa Amerika at nagsimula ng panibagong buhay na malayung-malayo sa buhay artista.

Ngayon, may sarili nang pamilya si Amanda at masaya sa pribadong buhay nito.

Katuwang niya ang asawang doktor sa pagma-manage ng kanilang psychiatry clinic sa Ventura, California.

Sa kanyang interview sa OO Na! With Oscar Oida Facebook Live noong September 3, nagkuwento si Amanda tungkol sa kanyang naging buhay sa showbiz at sa kasalukuyang buhay kasama ng pamilya sa Amerika.

HOW AMANDA GOT INTO SHOWBIZ

Ayon pa kay Amanda, wala talaga siyang balak mag-artista noon.

Nakaplano na raw ang tatahakin niyang career dahil sa kanyang mga magulang. Pero ito rin daw ang nag-udyok kay Amanda na magrebelde.

Lahad niya, “Yung time na iyon, medyo strict ang parents ko. Siyempre, lumaki ako sa States, pero yung upbringing ko kahit sa States ako, Pilipino talaga yung mga magulang ko.

Continue reading below ↓

“So, para sa akin, nung lumipat ako sa Manila, that was a time nung gusto ko maging independent.

“Yung tatay ko medyo may pera dahil he was a physician and a surgeon. Pero parang feeling ko, I want to find my own way.”

Kapansin-pansing matatas pa rin sa pagta-Tagalog ang aktres, pero bakas ang kanyang American accent.

Nang ma-discover siya bilang artista, ang offers daw sa kanya sa pelikula ay panay sexy roles. Hindi raw siya naging mapili at sinunggaban ang pagkakataon.

“I believe that everybody has to start from the bottom and work her way up. So nung time na iyon, nung in-offer ako ng mga more daring roles, tinanggap ko.

“Kasi, sino naman ako? Bago lang akong artista para tanggihan ko yung role. Parang iisipin ng mga tao medyo prima donna ako.

"It kind of happened by accident, pero naintindihan ko na not a lot of people get that opportunity.

Continue reading below ↓

"So parang feeling ko noon, hindi ako talaga mahilig mag-artista.

“Pero parang feeling ko, I couldn’t pass up the opportunity.

"Everybody has to start somewhere. Doon ako pumasok sa mga ST."

"ST" o Sex Trip ang tawag sa mga daring movies noong '90s.

(Poster from Viva Films)

AMANDA'S REBEL DAYS

Pakiramdam daw ni Amanda ay nasakal siya dahil mga magulang niya ang nagdedesisyon para sa kanyang buhay, at hindi siya tinatanong sa gusto niya.

Continue reading below ↓

“Nung time na iyon, pre-med ako sa college, so parang feeling ko buong buhay ko nag-aaral ako.

“I wanted to change. I wanted to be different. I wanted to parang liberate myself.

“Siyempre, Filipino parents medyo... ‘You’re gonna be a doctor. You have no other choice. If you’re not a doctor, don’t go to school.’

"So parang feeling ko... So, my whole life was geared... From my school, to my high school, to my college, everything was geared for me to get into a good medical school.

"Parang feeling ko, I didn’t really have much of a choice in the direction my life was going.

“Parang feeling ko, growing up, I was not given a choice to be who I wanted to be, or I didn’t even know what I wanted to be.

"I left pre-med."

Noong una raw, tutol ang kanyang mga magulang sa kanyang pag-aartista. Pero unti-unti raw nila itong natanggap nang makitang itinataguyod ni Amanda ang sarili.

Continue reading below ↓

“Well, medyo nung una, nagulat sila. Hindi talaga sila masaya.

"Pero after, medyo sumikat na ako, nakikita naman nila na masaya ako sa ginagawa ko.

“At finally, na-let go nila na adult na ako, and I have my free will and my own choices.”

REMINISCING ON HER SHOWBIZ LIFE

Kabilang sa mga sexy movies na pinagbidahan ni Amanda ay ang Gayuma, Sobra Sobra Labis Labis, at Tatsulok.

Nakatawid din siya sa paggawa ng comedy films, kagaya ng Neber 2 Geder, Indecent Professor, Trabaho Lang Dear Walang Personalan, at Strict ang Parents Ko.

Naging leading lady rin siya ng action stars kagaya ni Phillip Salvador sa Bobby Parkers: Parak at ng yumaong si Fernando Poe, Jr. sa Ang Probinsyano, na parehong ginawa noong 1997.

Ang favorite leading man daw ni Amanda ay si FPJ, ang tinaguriang King of Philippine Movies.

Paliwanag ni Amanda, “Favorite ko siya dahil pinakain niya ako palagi. The way to my heart is through my belly.

Continue reading below ↓

“Spoiled ako sa kanya, sobra. Nakikita mo sa movies, may mga scenes na payat ako, may mga scenes na medyo fluffier ako at tumataba ako!” natatawa niyang kuwento.

Gumanap din si Amanda bilang Josephine Bracken sa pelikulang Rizal sa Dapitan noong 1997. Dahil sa pagganap dito ay na-nominate siyang Best Supporting Actress sa Gawad Urian.

Sa telebisyon naman, nakasama si Amanda sa cast ng Kapuso gag show na Bubble Gang, na nagsimula noong 1995.

Kasama niya noon sina Michael V., Ogie Alcasid, Aiko Melendez, Sunshine Cruz, Eric Fructuoso, at Assunta de Rossi.

Hanggang ngayon ay patuloy na umeere ang Bubble Gang sa Kapuso Network.

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw ni Amanda, "Masaya ako na naging Bubble Ganger ako.

“Favorite kong cast, favorite kong TV show… si Bitoy, si Ogie. Yung nakikita mong kung gaano ako kasaya sa show, lalo na set.

"Alam mo naman si Ogie at si Bitoy, ang magaling sa kanila, we’ll do one rehearsal, we’ll go by the script.

“Pag take na, biglang mag-a-adlib silang dalawa. Kung anong kalokohan ang ginagawa ng dalawang iyon, pag adlib nila, grabe. Comedic genius talaga.”

NEVER INTENDED TO STAY LONG IN SHOWBIZ

Sa umpisa pa lang daw ay wala sa plano ni Amanda ang tumanda sa showbiz.

“Nung time na iyon, nung pumasok ako sa pagiging artista, alam ko naman na it was just going to be ilang taon lang ang career ko.

“Kasi alam ko naman yung… never iniisip ko na ito lang ang gagawin ko sa buong buhay ko.

"Kasi alam ko naman ang turnover nung showbiz—mas may bata, may mas sexy, may mas maganda, at magsasawa din ang tao sa iyo.

Continue reading below ↓

“So nung pumasok ako ng showbiz, alam ko talaga na may time na aalis ako...Parang feeling ko, walang longevity para sa akin. Para sa mga babae, walang longevity ang career ko sa showbiz.

“'Tsaka, mas gusto ko ng private na life.”

Pahayag ni Amanda tungkol sa pagtalikod sa showbiz noong taong 2000, “Parang feeling ko nung time na iyon, it was time for me to go. Kasi ayoko yung parang maging tao na forever chasing the showbiz dream…

“Noon pa, alam ko talaga na aalis ako, kasi I wasn’t the type of person na gusto ko yung maging buhay ko sa showbiz ‘til I get old.”

Nang manirahan si Amanda a U.S., may mga pagkakataong nakikilala siya ng mga kapwa niya Pilipino.

Ikinagugulat daw ito ng mga kaibigan ni Amanda na walang ideya sa naging buhay niya bilang artista.

“Nakakatuwa pa rin, pero mas natutuwa ako dahil pag kasama ko ang mga kaibigan ko na hindi nila alam ang buhay ko dati, at di nila alam artista ako, they get shocked.

Continue reading below ↓

“So kailangan ko i-explain sa mg kaibigan ko,” pagbabahagi ni Amanda.

Noong 2017, nagkaroon ng maiksing bakasyon si Amanda sa Pilipinas. Nagkaroon siya ng guest appearance sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Nag-perform din siya noon sa isang dance number sa Kapamilya musical-variety show na ASAP, kasama si Maja Salvador.

QUIET, PRIVATE LIFE

Binabalanse raw ngayon ni Amanda ang kanyang family life at trabaho sa health-care industry.

“Siyempre, my life ngayon is very different. I’m a mom now. I have a seven-year-old son now. His name is Mason.

“So, maraming nagbago sa buhay ko nung nagkaanak ako. Pero para sa akin ngayon, private yung life ko. I’m a working mom. I go to work five days a week.

“My husband is a psychiatrist. Meron kaming big psychiatric outpatient clinic dito sa Ventura, California.”

Ang asawa ni Amanda ay si Dr. Lee Mendiola, isa ring Pilipino. Ikinasal sila noong January 2010.

Continue reading below ↓

In the photo: Amanda (right) and husband Dr. Lee Mendiola in their guest appearance on Magandang Buhay in 2017

Naka-focus ang clinic nina Amanda sa mga taong dumaranas ng depresyon.

“We do outpatient psychiatry, ‘tapos we also do brain stimulation for depression. It’s called transcranial magnetic stimulation.

Continue reading below ↓

“We also do therapy ketamine therapy for depression,” sabi ng dating aktres.

Ang transcranial magnetic stimulation ay "non-invasive method for brain stimulation" na gumagamit ng electromagnetic induction sa pagti-treat ng mga taong dumaranas ng depression, ayon sa hopkinsmedicine.org.

Ang ketamine therapy naman ay prescription medication para sa mga pasyenteng may depresyon.

Pagpapatuloy ni Amanda, “So yung buhay ko ngayon is very work-centered and family-centered, pero mas masaya ako kasi yung ginagawa ko ngayon is very rewarding.”

Fulfilling daw para sa kanyang makita ang improvement ng kalagayan ng kanilang mga pasyente.

“Especially now. Grabe ngayon ang kaso ng mga anxiety and depression dahil COVID,” saad ni Amanda.

“Pero it’s very rewarding for me to see, especially when we do the brain stimulation. It’s very rewarding for me to see na we are giving back people their lives.

"And we’re changing their lives for the better."

Sambit uli ni Amanda: “So, mas rewarding ang buhay ko ngayon. Mas kalmado.

Continue reading below ↓

“Yung stresses ko lang, siyempre, work. Pero masaya talaga ako sa buhay ko ngayon.

"I’m very blessed to have the life I have now."

LIFE IN THE TIME OF COVID

Ngayong panahon ng pandemic, aminado si Amanda na may malaking adjustment sa kanyang buhay dahil patuloy ang pagtatrabaho niya.

“Medyo okay na nang konti. Pero, pandemic, mas grabe dito nung summer,” pahayag niya.

Ang summer sa U.S. ay mula Hunyo hanggang Agosto.

“Nahihirapan talaga ako kasi nag-distance learning ang anak ko. Pero since I’m in health care, nagtatrabaho pa rin ako. So, it was very difficult to juggle…

“Siyempre pa, yung mga panahon ngayon, pag feeling mo things are out of control, so naturally magiging anxious and depressed ang mga tao.

“Because hindi mo pwedeng i-control yung mga paligid mo. So, I had to really change my mindset.

“Mahirap dito sa COVID, hindi mo alam kung kailan magre-return to normal yung buhay, di ba?

Continue reading below ↓

"So, para sa mga tao, mahirap iyon i-accept kasi hindi mo sinasabi, ‘O, in three months, okay lang, magiging okay ito.’ Or in six months matatapos na ito.

“So, I had to really change my mindset na medyo matatagalan pa ito. Para sa akin, chinange ko lang yung mindset ko na I have to adapt to this situation.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Read More Stories About
Amanda Page, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amanda Page on her past showbiz career that included being leading lady to Fernando Poe Jr: "Nung time na iyon, nung pumasok ako sa pagiging artista, alam ko naman na it was just going to be ilang taon lang ang career ko. Kasi alam ko naman yung… never iniisip ko na ito lang ang gagawin ko sa buong buhay ko."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results