KC Concepcion asked if she's back with Piolo Pascual: "Nope sorry..."

by Jet Hitosis
Sep 10, 2020
Actress-TV host KC Concepcion and actor Piolo Pascual were a couple in 2010, and ended their relationship after a year. In a Q&A session on Instagram Wednesday, September 9, KC denies getting back with Piolo.
PHOTO/S: Instagram

Hindi totoong nagkabalikan sina KC Concepcion at Piolo Pascual.

Diretsahang pinabulaanan ni KC, 35, ang ilang buwan nang nababalitang nagkakamabutihan silang muli ng 43-year-old actor.

Sa question-and-answer session sa Instagram nitong Miyerkules, September 9, game na sinagot ni KC ang ilang mga tanong mula sa kanyang 3.4 million followers.

Nag-reply ang aktres sa mga nag-usisa tungkol sa paborito niyang kulay, perfume, coffee blend, restaurant sa Los Angeles sa California, at beach resort sa Pilipinas.

Sa mga nagtanong kung single siya, “Yes” ang sagot ni KC sa kanila, kalakip ang smiling with eyes closed at double hearts emojis.

KC Concepcion

Continue reading below ↓

NOT DATING PIOLO

Kasunod nito, tinanong si KC kung totoo ang nababalitang nagkabalikan sila ng ex-boyfriend niyang si Piolo.

Tanong kay KC: “Is it true that you’re dating Piolo?”

Maikli at diretso ang reply ni KC: “Nope sorry… [slightly smiling emoji].”

KC Concepcion

Mayroon pang nag-usisa kung magkakaroon ng Kitchen Collabs si KC kay Moi Bien, o Moi Marcampo.

Continue reading below ↓

Si Moi ang personal assistant ni Piolo. Kalaunan ay naging celebrity na rin si Moi at napanood na sa ilang pelikula.

Ang Kitchen Collabs ay bahagi ng vlogs ni KC, kung saan nakikipagpalitan siya ng recipes at nakikisabay sa pagluluto ng kapwa celebrities.

Pero sa halip na sagutin ang tanong tungkol kay Moi, ibinigay ni KC ang link sa kanyang YouTube channel at hinikayat ang fans na mag-subscribe doon.

KC Concepcion
PHOTO: @itskcconcepcion on Instagram

Continue reading below ↓

PIOLO AND KC TEN YEARS AGO

October 2010 nang kumpirmahin ni Piolo ang romantic relationship nila ni KC.

Nagkamabutihan ang dalawa habang ginagawa ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na Lovers in Paris sa ABS-CBN noong 2009.

Makalipas ang isang taon, 2011, naghiwalay ang dalawa.

Nabalot ng kontrobersiya ang kanilang breakup dahil sa cryptic tell-all interview ni KC sa defunct ABS-CBN showbiz talk show na The Buzz at sa cover feature sa kanya ng YES! Magazine.

Ayaw noong sabihin ng aktres ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Piolo.

Pero may pahaging siyang may third party sa panig ng aktor, at sa YES! ay sinabi niya ang pinagdaanan niyang depression at confusion dala ng breakup.

Sinabi pa nitong, suot ang lahat ng damit, nilublob niya ang sarili sa bathtub, at nanatili roon ng kung ilang oras.

RECONCILIATION RUMORS

July ngayong taon nang muling nabuhayan ng pag-asa ang fans sa tambalan nina Piolo at KC.

Continue reading below ↓

Nagsuspetsa kasi silang nagkabalikan ang dating magkasintahan.

Nagsimula lang ito nang magbakasyon si KC sa isang health-and-wellness resort sa Batangas nang buwang iyon.

Ilang buwan na ring nasa Batangas noon si Piolo. Doon kasi inabutan ng enforced quarantine ang aktor simula kalagitnaan ng Marso.

Hinala pa ng ilang fans, sinadyang sundan ni KC si Piolo sa Batangas.

Continue reading below ↓

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Instagram ni KC, kapansin-pansing consistent ang fans sa pagbanggit kay Piolo tuwing magkokomento sila sa mga litratong ipinu-post ni KC habang nasa Batangas ang aktres.

Karamihan sa fans, tina-tag pa talaga si Piolo sa kanilang komento, pero walang reaksiyon ang aktor.

SHARON DEFENDS KC-PIOLO AGAINST FAKE NEWS

Nitong Agosto, dahil hindi mamatay-matay ang isyu ng pagbabalikan umano nina Piolo at KC, may nagpakalat ng fake news laban sa dalawa.

Continue reading below ↓

Sa YouTube nagsimula ang kunwaring balitang buntis daw si KC.

Nabuntis daw ni Piolo ang aktres at may plano nang magpakasal ang dalawa.

Parehong hindi nag-react sa fake news na ito sina Piolo at KC.

Pero ang ina ni KC, ang Megastar na si Sharon Cuneta, kaagad pinabulaanan ang pekeng balita.

Si KC ay anak ni Sharon sa una niyang asawa, ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion.

Sa isang Instagram post nitong August 31, kinondena ni Sharon, 54, ang "so much fake news coming out."

Bagamat hindi direktang binanggit ng Megastar ang tsismis na buntis ang anak, tiniyak niyang “All lies” ang pang-iintriga sa dating magkasintahan.

Binigyang-diin ni Sharon na ilang taon na niyang kaibigan si Piolo at mahal niya ito.

Sigurado raw siyang hindi siya kailanman magkakaroon ng problema sa aktor.

“I do not & will not have a problem with Piolo at all in any area of my life or in our family,” saad sa post ni Sharon.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-TV host KC Concepcion and actor Piolo Pascual were a couple in 2010, and ended their relationship after a year. In a Q&A session on Instagram Wednesday, September 9, KC denies getting back with Piolo.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results