Ivana Alawi on not reacting to issues: “Wala na akong gustong patunayan sa ibang tao.”

by Bernie V. Franco
Sep 14, 2020
Ivana Alawi on controversies hounding her: "Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan."
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram

Hindi na papatol si Ivana Alawi, 23, sa mga isyung ikinakabit sa kanya dahil wala na raw siyang kailangang patunayan pa sa iba.

Ang mahalaga raw ay alam niya kung ano ang totoo.

“Ever since, hindi talaga ako sumasagot sa issues. Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan,” sagot ng aktres sa isang netizen na nagtanong sa kanyang YouTube vlog entry noong September 8.

“Alam ko naman kung ano yung totoo and hindi ko na kailangan iesplika na, ‘Oy, guys, ito talaga. Ito kailangan kong sumagot.’ Kasi lalaki lang yung isyu, e.

“And kung alam mo naman yung tama, ano yung totoo, then you’ll just gonna keep quiet, kasi hindi ka naman apektado, e.”

Ang importante raw kay Ivana ay ang sasabihin ng mga taong malapit sa kanyang puso.

“And usually, hindi naman ako naaapektuhan, lalo na kapag alam ko yung totoo, and alam ng pamilya ko yung totoo, and yung mga close friends ko.

Continue reading below ↓

“Yun lang naman importante sa akin, e. Wala na akong gustong patunayan sa ibang tao na, ‘Hoy, ganito 'yon, o ganyan...’

"Kasi the true followers and my fans, they know me, and I love them, and I love my family, and I love life.”

IVANA AND THE ISSUES

Kabilang sa isyung kinasangkutan ni Ivana noon ay ang pag-uugnay sa kanya at sa fellow YouTube vlogger at dancer na si DJ Loonyo.

Kumalat din ang balitang mayroon umano siyang sex video. Sinagot din niya ang mga pamba-bash at pagmamaliit sa kanya ng iba dahil sa pagiging sexy star.

Ang mga isyung ito ay tinalakay at sinagot ni Ivana sa kanyang previous YouTube videos na laging may question-and-answer portion.

Pero ang isang mainit na isyu na hindi pa tinatalakay ni Ivana ay ang paglitaw muli ng mga kuhang larawan nila ni Laguna First District Congressman Dan Fernandez.

Noong February 2020, lumutang ang mga litratong magkasama sina Ivana at Dan sa dalawang magkahiwalay na okasyon. Kuha umano ang mga ito noong January 2018, at ilang araw lang ang pagitan.

Continue reading below ↓

Pagpasok ng Marso, ilang netizens sa Twitter ang nag-post ng mga kinolektang larawan nina Ivana at Dan mula sa kani-kanilang Instagram accounts.

Nag-post ng solo photos sina Dan at Ivana sa kani-kanilang IG accounts. Pareho ang mga lugar na pinuntahan nila at pareho rin ang time stamps.

May separate posts sila nang pumunta sa Disneyland sa Los Angeles, California noong December 26, 2018.

May separate posts din sila na kita ang view ng Golden Gate sa San Francisco, California noong December 27, 2018.

Ito ang dahilan kaya’t naghinala ang netizens na magkasama umano sila sa bakasyon sa U.S. noong Christmas 2018.

Nagpadala noon ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ivana para kunan ng reaksiyon, pero hindi siya sumagot.

IVANA REMAINS SINGLE

Samantala, iginiit ni Ivana na hanggang ngayon ay single siya.

Ito ay sa kabila ng pagkaka-link sa kanya ni DJ Loonyo, na nakabase ngayon sa China.

Dati nang sinabi ni Ivana na hindi niya mamadaliin kung anong meron sa kanila ng dancer-choreographer, na aminadong pinopormahan ang aktres.

Continue reading below ↓

Sa recent video, sinabi ni Ivana, “Wala pa ako sa relationship. Pag nasa relationship na ako, babalitaan ko kayo.

“Sa ngayon, sa tagal [kong single], hindi na ako nagmamadali. Para kapag dumating siya, ‘Thank you.’ Pag hindi, ‘Okay, waiting for you.’

“Para hindi na ako naghahanap ng, ‘Nasaan ka na?’ Parang ngayon, ‘If you’re here, then I love you. If you’re not here, I’m waiting for you.’

“Ayoko nang magmadali. Okay na yun. Pag dumating, dumating. Mamahalin kita, ganoon.

“So, wala pa ako sa relationship,” giit ni Ivana.

Sa previous video, inamin ni Ivana na may mga beses na siyang naloko ng karelasyon.

Umabot pa raw sa puntong naging “cash cow” siya, o siya ang gumagastos sa relasyon.

Iyon daw ang dahilan kung bakit mas maingat siya ngayon sa pagpili ng makakarelasyon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ivana Alawi on controversies hounding her: "Wala, e. Hindi ko na talaga pinapatulan."
PHOTO/S: @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results