Ogie Diaz tells BB Gandanghari to show proof he owes Rustom Padilla money

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2020
Ogie Diaz (left) to BB Gandanghari (right): “Ang totoong sikat, ang nagsasabing sikat ka, ang ibang tao dapat, hindi ikaw. Kaya kay BB, hindi naman natin dapat ipangalandakan na sikat tayo o sikat ka. Pareho lang tayong hindi sikat!”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment and BB. Gandanghari

Sinagot ni Ogie Diaz punto-por-punto ang mga batikos sa kanya ni BB Gandanghari.

May kinalaman ito sa video ni BB sa kanyang YouTube channel noong September 9, 2020.

Dito ay nagpakawala ng mga birada si BB laban sa mga tumuligsa sa kanyang paglalahad ng “romantic encounter” ni Rustom Padilla at ng isang sikat na personalidad sa San Francisco, California, noong 2001.

Si Rustom, kapatid ng mga aktor na sina Robin at Rommel Padilla, ang dating katauhan ni BB bago siya nagdesisyong maging trans woman.

Binatikos nang husto si BB dahil idinawit niya ang A-list actor na si Piolo Pascual.

Kabilang sa mga bumatikos kay BB ay sina Ogie, Ai-Ai delas Alas, Cristy Fermin, Lolit Solis, at maging mga miyembro ng LGBTQ++ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer ++) community sa Pilipinas.

Kinondena nila ang pang-a-out ni BB ng ibang tao.

Sa kanyang September 9 video, bukod sa panlalait ni BB sa kanilang hitsura, tinawag din niyang “ipokrita” si Ai-Ai at “sinungaling” sina Ogie, Cristy, at Lolit.

Continue reading below ↓

BB SLAMS OGIE

Bago ito, noong September 5, sinabi ni Ogie sa kanyang video na nauunawaan niya kung may pinagdaraanang mental health problem si BB.

Ani Ogie, marahil ay bahagi ng pagmu-move on ni BB ang kanyang ginawang confession.

Pero naniniwala si Ogie na hindi na dapat isinapubliko ni BB ang kuwento ng kanyang “romantic encounter” dahil nadamay ang isang taong nananahimik.

Humingi rin ng sorry si Ogie kung may nagawa man daw siyang kasalanan noon kay Rustom Padilla, ang dating katauhan ni BB.

Pero wala raw matandaan si Ogie na atraso kay Rustom.

Sa video naman ni BB noong September 9, binuweltahan nito si Ogie.

Banat ni BB sa radio host/talent manager/columnist: “Ikaw, Ogie Diaz, malaki ang utang mo kay Rustom. Sinabi mo [sa video mo] hindi mo alam, wala kang atraso?!

“Meron kang atraso, alam mo iyan. Huwag kang magmalinis, at hindi ako tatahimik para pabayaan kang magmalinis. Kapal nito!

Continue reading below ↓

“Palalabasin pa na out of depression ang ginagawa ko.”

Pagbibida pa ni BB sa sarili, “I’m doing my book. Ang mga sikat na tao, they’re doing their book.

“Ang mga sikat na tao, they do their book because people are willing to listen.”

Sinabi rin ni BB na hindi sikat si Ogie. Wala raw magiging interesado kung sakaling magsulat ng libro si Ogie tungkol sa kanyang buhay.

OGIE to BB: "IKAW NA ANG PINAKAMAGANDA"

Kahapon, September 14, sumagot si Ogie kay BB. Nag-post si Ogie ng video at kalmadong nagsalita na may hirit pa minsang biro.

Unang nag-react si Ogie sa panlalait ni BB sa kanyang hitsura, gayundin kina Cristy at Lolit.

Aniya, “E, di, ikaw na ang pinakamaganda sa amin. Kumbaga, kung apat tayong magkakapatid, kunwari ikaw ampon, di ba?

“Ibigay natin kay BB Gandanghari na siya ang pinakamaganda.”

Isama na rin daw si Ai-Ai, pinakamaganda pa rin sa kanila si BB.

Continue reading below ↓

“Maganda ka, BB, ikaw pinakamaganda sa amin. Nung bumabae ka, napakaganda mo.”

Nilinaw ni Ogie na hindi sarkastiko ang pahayag niyang ito.

“Sana masaya ka dun, 'no. Sana it will make you feel better nung sinabi kong pinakamaganda ka sa amin.”

Maiksi ang tugon ni Ogie sa pahaging daw niya sa mental health ni BB.

“Gano'n? Okay!” sabay tingin ni Ogie sa camera, nag-thumbs up, at tila nakikipag-usap kay BB. “Happy? Happy!” sabi pa nito.

OGIE TO BB: “MAGLABAS KA NG PRUWEBA.”

Sinagot din ni Ogie ang tinuran ni BB na may “utang” ang columnist-talent manager kay Rustom.

Ani Ogie, “Yung utang, utang na loob, wala akong utang na kay Rustom Padilla. Hindi ko kailangang i-dignify iyan.”

Hinamon ni Ogie si BB na ituro nito ang kanyang pinagkakautangan.

“Kahit sinong ituro mo sa akin, sinong pinagkakautangan ko, sabihin mo sa akin.

"Kung pera man 'yang tinutukoy mo, BB, wala akong matandaan na may utang ako kay Rustom, nung dating Rustom ka pa.

Continue reading below ↓

“Una, mas galante si Robin Padilla kesa kay Rustom Padilla,” pagtukoy ni Ogie sa nakababatang kapatid ni BB/Rustom, ang aktor na si Robin Padilla.

“Pangalawa, mabait sa akin si Rustom Padilla, pero hindi kami ganun ka-close.”

Sa pagkakaalam din daw ni Ogie ay wala siyang atraso kay Rustom.

“Kung ang sinasabi mo utang kay Rustom ay kung may kasalanan ako kay Rustom, may atraso ako sa kanya, may nasabi akong di maganda sa kanya, tell me, kung ano yung mga ebidensiya mo, di ba?

“Kung may mga ebidensiya ka, tell me, di ba?

“Kaya naman, alam mo, Rustom, the burden of proof is always on the accuser, di ba?"

Continue reading below ↓

Sabi niya kay BB, “Accuser ka, nasa iyo ang burden of proof. Ngayon, maglabas ka ng pruweba na ako nga ay may utang, kasalanan, atraso kay Rustom, nung Rustom Padilla ka pa.”

Handa raw humingi ng dispensa si Ogie kung mapatunayang may pagkakamali siya kay Rustom.

“Kung meron man at maaalala ko na, 'Oo nga, may kasalanan ako kay Rustom,' naku, kahit magbagong anyo ka, kay Rustom ako magso-sorry. Hindi sa iyo. Kasi iniba mo yung hitsura niya.”

ogie to bb: "pareho lang tayong hindi sikat"

Hindi rin umuurong si Ogie sa babala ni BB na may mga gagawin siyang paglalantad sa kanyang tell-all.

Ani Ogie, tiyakin lang ni BB na maglabas siya ng ebidensiya at hindi panay dada.

“Ilantad mo. Oy, yung importante lang, huwag lang yung wala kang ebidensiya, ha. BB, ha,” mahinahong paalala ni Ogie.

“Kailangan maglatag ka ng ebidensiya. Kung may mga luma kang magazine diyan na bitbit diyan sa U.S., pakita na may sinulat ako. May sinulat ako against Rustom Padilla.

Continue reading below ↓

“Pag meron, at feeling ko, oo nga, kailangan ihingi ko ng sorry, baka dito maka-move on si BB Gandanghari. E, di, manghihingi ako ng sorry kay Rustom, pero hindi kay BB.”

Muli, sinabi ni Ogie na wala siyang maalalang kumukuwestiyon sa kanyang integridad pagdating sa utang.

“Nagkakautang ako hindi sa tao, sa bangko. At nagbabayad ako at hinahabol ako ngayon ng bangko dahil gusto nila akong pautangin uli, kasi good payer ako, valid client ako,” giit ni Ogie.

Humirit ng biro si Ogie sa isyu na BB “is doing her book.”

“Wow, ha. Hindi ka updated. November 2017 inilabas ang aking libro na ako mismo ang nagsulat,” pagtukoy ni Ogie sa libro niyang PAK! HUMOR.

Handa rin daw niyang padalhan ng kopya si BB, at sana ay mapangiti ito ng libro.

Nagsalita rin si Ogie sa tinuran ni BB na pinapanood ng tao ang kanyang vlog, hindi dahil nadawit ang isang sikat na artista sa kuwento niya, kundi dahil interesado ang tao sa kanya at sikat siya.

Continue reading below ↓

Sagot dito ni Ogie, “Alam mo, napakatagal ko na rito. Thirty-three years na po akong in the business. Ang mga totoong sikat ay hindi nagsasabi o hindi nanggagaling sa kanila na sikat sila.

“Ang totoong sikat, ang nagsasabing sikat ka, ang ibang tao dapat, hindi ikaw. Kaya kay BB, hindi naman natin dapat ipangalandakan na sikat tayo o sikat ka.

"Pareho lang tayong hindi sikat!” sabay tawa ni Ogie.

Sa huling bahagi, nagpaliwanag si Ogie, na talent manager ni Liza Soberano, kung bakit sumagot pa siya kay BB.

“Siguro yung iba, nanibago, ‘Sana hindi na pinatulan ni Ogie.’ Hindi po, e. Pag ako pinaratangan ako na may utang ako, dun ako aaklas.

“Sabihin bang may utang ako kay Rustom.

“Pera man iyan atraso o kasalanan, patunayan mo nga kung ano nga iyon, detalyado, hindi yung sinabi mo lang," hirit ni Ogie. "Kung ano nga 'yon...andami mong… arte-arte mo pa. Huwag nang bumabae.”

Continue reading below ↓

BB TELL-ALL NOW FOR PAYING MEMBERS

Samantala, sa YouTube video ni BB noong September 13, inanunsiyo nitong ang kanyang tell-all series na "BB Uncut" ay magiging per membership na.

Ibig sabihin, ang mga interesadong makinig kay BB sa kanyang mga tell-all ay required nang magbayad ng monthly membership fee.

Naudyok daw siyang gawin ito dahil sa “maling paratang” sa kanya na siya ay "baliw, sira-ulo, kulang sa pansin, sinusuka ng pamilya."

Sabi ni BB, “Napag-isip-isip ko na I think this story is not for everyone. I have decided because I don’t wanna disclose anyone. That is far very far from what I have imagined.”

Kapansin-pansin ding mas kalmado si BB sa video na ito, kumpara sa pagtataray niya noong September 9.

Paliwanag ni BB, hindi niya inasahan ang masasakit na salitang ibinato sa kanya na nanggaling mismo sa LGBTQ++ community sa Pilipinas.

Ang motibo raw niya sa kanyang tell-all ay maging proud sa gender identity at pag-ibig. Sa halip ay matinding batikos ang nakuha niya.

Continue reading below ↓

“Still, some people tell me it’s wrong. Then that’s for you to say, but I will continue to say my story,” ani BB, na naging emosyonal pa sa isang punto ng video.

Pagdeklara pa niya, “I have decided to make BB Uncut exclusive.”

Sa paraang ito raw, ang makikinig lamang ay ang mga gustong makinig.

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ni BB ang paratang na ginagawa niya ang tell-all para sa pageviews.

“If I’m for the views, I could have said more. But I’m for my story. I want my story to be told this way and not by other people.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz (left) to BB Gandanghari (right): “Ang totoong sikat, ang nagsasabing sikat ka, ang ibang tao dapat, hindi ikaw. Kaya kay BB, hindi naman natin dapat ipangalandakan na sikat tayo o sikat ka. Pareho lang tayong hindi sikat!”
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment and BB. Gandanghari
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results