PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Congress to formally investigate ABS-CBN land title on September 23

Congress is set to look into the authenticity of ABS-CBN's QC land title.
by Arniel C. Serato
Published Sep 18, 2020
Congress will officially look into the authenticity of the land title of ABS-CBN's vast complex in Quezon City on Wednesday, September 23. There will also be separate investigations on ABS-CBN's ties with AMCARA and DBP loans of other Lopez-owned companies.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Hindi pa tapos ang kalbaryong kinahaharap ng ABS-CBN mahigit tatlong buwan mula nang pagkaitan ng pamahalaang Duterte ng prangkisa ang broadcast giant.

Kasado na ang imbestigasyon ng Kamara sa September 23 ukol sa lupang kinatitirikan ng ABS-CBN broadcast complex sa Quezon City.

Layunin nitong busisiin kung lehitimo ang titulong isinumite ng ABS-CBN.

Ito ay pamumunuan ng House Committee on Justice, batay sa inihaing House Resolution No. 1058 ni SAGIP Paty-list Representative Rodante Marcoleta noon pang July 22.

Si Marcoleta ang isa sa gumisa nang husto sa mga abugado at opisyal ng ABS-CBN sa mga isinagawang hearing para sa prangkisa ng network.

ISSUE OF LAND TITLE DURING FRANCHISE HEARING

Sa kasagsagan ng hearing para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN noong Hunyo, naungkat ang tungkol sa authenticity ng titulo ng lupang kinatitirikan ng ABS-CBN compound.

Photocopy lamang daw kasi ang naipresenta ng mga opisyal ng ABS-CBN sa hearing ng kanilang prangkisa sa Kongreso, at hindi raw nakapagsumite ang mga ito ng certified electronic copy ng titulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatagpuan ang ELJCC Building, ABS-CBN Broadcasting Center, at ABS-CBN Entertainment Center sa hugis-trayanggulong lote sa Mother Ignacia Street, Eugenio Lopez Drive, at Sgt. Esguerra Street.

Sa isinumiteng titulo ng ABS-CBN, nakasaad na 44,027 square meters ang sukat ng lupang sakop ang broadcast complex.

Kinontra ito ni Marcoleta.

Kataka-taka raw na sa titulong ipinakita ng network ay hindi nagtugma ang sukat ng lugar na kinatitirakan ng ABS-CBN sa na-check daw niya sa Register of Deeds.

Aniya, 42 square meters lamang ang nakita niyang nakasaad sa titulo ng lupa.

Ayon pa sa mambabatas, kuwestiyonable umano ang papeles ng ABS-CBN.

Kung hindi raw mapatutunayan ng network na sa kanila talaga ang lupain, maaari raw itong bawiin ng gobyerno.

Noong pang July 17 unang inihayag ng ilang mambabatas na kontra sa ABS-CBN ang plano nilang magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa lupang kinatitirikan ng Kapamilya network.

Prominente sa Zoom meeting sina Marcoleta, Jesus Crispin "Boying" Remulla (7th District of Cavite), at Mike Defensor (Anakalusugan Partylist). Mapapanood sa Facebook page ni Defensor ang meeting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naganap ang kanilang pagpupulong pitong araw lamang mula nang ibasura ng House Committee on Legislative Franchises ang aplikasyon ng bagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.

HOUSE RESOLUTION ON ABS-CBN-AMCARA TIES

May ilan pang resolusyon na inihain ang iba pang mambabatas ukol sa mga isyung kinasasangkutan ng ABS-CBN.

Pero wala pang schedule kung kailan ito tatalakayin ng Kamara.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang na rito ang House Resolution No. 1015 ni Cavite 7th District Representative Jesus Crispin “Boying” Remulla, na layuning busisiin ang diumano'y maanomalyang ugnayan ng ABS-CBN sa AMCARA Broadcasting Network.

Base sa resolusyon, lumabag daw ang AMCARA sa Republic Act 8135 Section 11, ang batas na nagbigay rito ng prangkisa.

Bahagi ng probisyon na mahigpit na ipinagbabawal na parentahan at ipagamit ang resources ng network sa ibang broadcasting company nang walang pahintulot ng Kongreso.

Lumabas daw sa hearing ng House Committee on Legislative Franchises noong June 29, 2020, na nag-invest ang ABS-CBN ng 49 percent sa AMCARA.

Napag-alaman na itinuturing ng ABS-CBN na subsidiary ang AMCARA sa isinumite nitong dokumento sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong 2012.

Makikita rin daw sa isang auditing document ng AMCARA, noong February 2017, na ang pumirma rito ay si Eugenio "Gabby" Lopez III, chairman emeritus ng ABS-CBN.

Nakalagay rin daw rito na si Gabby Lopez ang presidente ng AMCARA Broadcasting Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOUSE RESOLUTION ON ABS-CBN LOANS FROM DBP

Ang isa pang resolusyon na magkasamang inihain nina Marcoleta at Remulla ay ang House Resolution No. 1040.

Kasama ring pumirma sa resolusyon ang mga kongresistang sina Defensor, Claudine Bautista (Dumper Philippines Taxi Drivers Association, Inc), at Elpidio Barzaga Jr. (Dasmariñas, Cavite).

Gayundin sina Eric Yap (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist) at ang presidential son na si Paulo Duterte (Davao First District).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layon ng resolusyong imbestigahan ng Good Governance and Public Accountability ng Kongreso ang mga pagkakautang umano ng ilang kumpanyang pagmamay-ari ng Lopez family.

May mga pagkakautang daw ang mga kumpanya sa bangkong pagmamay-ari ng gobyerno, ang Development Bank of The Philippines, na hindi ni-write off o tuluyang hindi pinabayaran.

Isa raw dito ang Benpres Holdings Corporation—na Lopez Holdings Corporation na ngayon—na may pagkakautang na aabot sa PHP1.6 billion.

Hindi raw malinaw ang dahilan kung bakit hindi na ito pinabayaran ng DBP sa mga Lopez.

Sabi pa sa resolusyon, "WHEREAS, the impact of the loss of PhP1.6 billion is further compounded by the urgent need of funding for government programs to address the on-going pandemic."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congress will officially look into the authenticity of the land title of ABS-CBN's vast complex in Quezon City on Wednesday, September 23. There will also be separate investigations on ABS-CBN's ties with AMCARA and DBP loans of other Lopez-owned companies.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results