PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Congress postpones inquiry into ABS-CBN land title

Committee on Justice decides to wait for the result of investigation into alleged violations of ABS-CBN.
by Arniel C. Serato
Published Sep 23, 2020
The House Committee on Justice "has postponed to a later date" inquiry on ABS-CBN land title "upon consultation and upon advice from the leadership.”
PHOTO/S: Jerome Ascano

Ipinagpaliban “to a later date” ang imbestigasyon ng Kongreso sa authenticity ng ownership ng lupa na kinatitirikan ng ABS-CBN complex sa Quezon City.

Ngayong Miyerkules, September 23, sana nakatakda ang pagsisimula ng imbestigasyon na pamumunuan ng House Committee on Justice.

Ayon sa ulat ng The Manila Times ngayong araw, sinabi ng committee chairman na si Leyte Third District Representative Vicente “Ching” Veloso III na ang imbestigasyon “has been postponed to a later date upon consultation and upon advice from the leadership.”

Kailangan pa raw kasing hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng House Committee on Legislative Franchises at Committee on Good Governance sa mga naging paglabag umano ng network sa naunang prangkisa nito.

Ito ay upang maiwasan daw ang “conflicting findings” ng mga komite na nag-iimbesitiga rito.

Noong nakaraang linggo, naiulat na kasado na ang imbestigasyon ng Kamara ngayong araw ukol sa lupang kinatitirikan ng ABS-CBN broadcast complex.

Layunin nitong busisiin kung lehitimo ang titulong isinumite ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay batay sa inihaing House Resolution No. 158 ni SAGIP Party-list Representative Rodante Marcoleta.

Si Marcoleta, na kilalang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duerte, ang isa sa gumisa nang husto sa mga abugado at opisyal ng ABS-CBN sa mga isinagawang hearing para sa prangkisa ng network.

Tuluyang pinatay ng Kongreso ang franchise renewal bid ng ABS-CBN noong July 10, 2020, bilang pagtupad sa panata ni Pangulong Duterte na huwag bigyan ng prangkisa ang Lopez-owned network.

LAND TITLE ISSUE DURING FRANCHISE HEARING

Noong Hunyo, habang umarangkada ang hearing para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN, naungkat ang tungkol sa authenticity ng titulo ng lupang kinatitirikan ng mga pasilidad ng broadcast giant.

Photocopy lamang daw kasi ang naipresenta ng mga opisyal at abugado ng ABS-CBN sa pagdinig.

Hindi rin daw sila nakapagsumite ng certified electronic copy ng titulo.

Hugis-trayanggulo ang lote sa Mother Ignacia Street, Eugenio Lopez Drive, at Sgt. Esguerra Street kung saan matatagpuan dito ang ELJCC Building, ABS-CBN Broadcasting Center, at ABS-CBN Entertainment Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isinumiteng titulo ng ABS-CBN, nakasaad na may 44,027 square meters ang sukat ng lupang sakop ang broadcast complex.

Pero kinontra ito ni Marcoleta.

Ipinagtataka raw niya kung bakit hindi tugma ang sukat ng kinatitirikan ng ABS-CBN broadcast complex sa nakuha niyang titulo sa Register of Deeds.

Base sa nakita raw niyang nakasaad sa titulo ng lupa, 42 square meters lamang daw ang sukat nito.

Kung hindi raw mapatutunayan ng network na sa kanila talaga ang lupain, maaari raw itong bawiin ng gobyerno.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The House Committee on Justice "has postponed to a later date" inquiry on ABS-CBN land title "upon consultation and upon advice from the leadership.”
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results