Patuloy pa ring tinutupad ng ABS-CBN ang pangakong magserbisyo sa publiko kahit nawalan na ito ng prangkisa sa free-to-air television.
Ito ang sinabi ni Carlo Katigbak, presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation, sa virtual stockholders meeting ng kompanya ngayong Huwebes, September 24.
Saad ni Katigbak, "Now more than ever, we can focus on our core capabilities, creating programs to entertain, inspire and give joy for Filipino families, and delivering news that informs, educates, and helps our Kababayan especially in their time of need.”
Dagdag pa niya, walang makapipigil sa kanilang magbigay ng serbisyo sa bayan dahil ito raw ang kanilang commitment sa publiko.
“Nothing can take away our spirit of service.
"Our passion to serve Filipinos continues to burn brightly in our hearts and our commitment to the public is to continue to find ways to serve you.”
Sabi pa niya, patuloy pa ring naaabot ng ABS-CBN ang audience nito sa pamamagitan ng cable, internet, at iba pang online platforms katulad ng YouTube at Facebook.
“REBUILDING OUR BELOVED COMPANY”
Ayon kay Katigbak, kasalukuyang naglalatag ang kumpanya ng mga pamamaraan upang patuloy pa rin silang makapag-operate kahit sa limitadong paraan.
Kabilang dito ang pagtugon sa kanilang obligasyon sa halos limang libong (5,000) empleyadong natanggal sa trabaho.
Ang mga natirang tauhan naman daw ng network ay pumayag tapyasan ang kanilang mga suweldo para makatulong din sa kompanya.
Ang merging daw ng iWantTV at TFC streaming services, na kilala na ngayon bilang iWantTFC, ay makakatulong din upang makatipid sa gastos ang kumpanya.
Saad pa ni Katigbak, “Thank you to those who are leaving ABS-CBN for the years you have given to the company and for the service you have given to our audience.
"Thank you to those who are staying behind, believing in our future and for enduring our sacrifice in order to continue serving the public.”
Umaasa naman ang pinuno ng dating broadcast giant na katulad ng kuwento sa mga teleserye, makakabangon sila sa krisis na kasalukuyan nilang kinahaharap.
"It will be a difficult journey until that time but our history has shown that ABS-CBN's burning passion for service to the Filipino cannot be extinguished.
“We hope to share this passion with us and count on your continued presence on the road to rebuilding our beloved company.”
Nalugi ng P3.93-B ang ABS-CBN Corporation dahil sa COVID-19 pandemic at sa hindi pag-renew ng Kongreso ng kanilang prangkisa noong July 10, 2020.
Isa si Katigbak sa humarap sa franchise hearing sa Kongreso kung saan mahinahon niyang sinagot ang mga pag-uusig ng mga mambabatas.
Dahil sa kanyang pagiging kalmado, pinapurihan siya ng celebrities at netizens.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika