Billy Crawford on TV5 transfer: “It’s for my family.”

by Arniel C. Serato
Sep 30, 2020
Billy Crawford says transfer to TV5 from ABS-CBN is for his family. His first show on TV5, Masked Singer Pilipinas, will air its pilot episode on October 24.
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram

“It’s for my family.”

Ito ang pinakarason ni Billy Crawford sa kanyang desisyong lumipat sa TV5 mula sa ABS-CBN matapos ang labindalawang taon.

Pormal na inanunsiyo ng TV5 kahapon, September 29, na Kapatid na ang dating Kapamilya TV host. Idinaan ito ng TV5 sa pamamagitan ng kanilang social media pages.

Kinagabihan, ni-repost naman ni Billy sa Instagram ang poster ng kanyang magiging unang show sa TV5, ang Masked Singer Pilipinas.

Caption niya sa post, “Get ready, cause here we go!

"October 24 7:00pm See you all soon!”

Continue reading below ↓

Isa namang follower ni Billy ang kaagad nagpaabot ng congratulations sa kanya.

Saad nito, “Congrats!! But Im a #kapamilyaforever

Sagot ng 38-year-old TV host, “same here :) it’s for my family :)”

Taliwas sa unang mga naulat, ang Masked Singer Pilipinas ay ipoproduys ng Viva at TV5, hindi ng Bright Light Productions ni former Congressman Albee Benitez.

Continue reading below ↓

Ang Viva ang kasalukuyang nagma-manage sa showbiz career ni Billy.

CELEBS CONGRATULATE BILLY

Buhos naman ang pagbati kay Billy ng mga kaibigang celebrities at mga dating katrabaho sa ABS-CBN.

Sabi ni KC Montero, “Dayuum you gonna be busy!”

Sagot ni Billy, “@kcmontero just accepting all the blessings! God’s amazing brother!”

Continue reading below ↓

Ayon naman sa kasamahan niya noon sa Your Moment at It's Showtime na si Vhong Navarro, “Goodluck Kuys @billycrawford

Tugon ni Billy kay Vhong, “@vhongx44 Salamat kuys! Lab you and miss you brader!”

Continue reading below ↓

Biro naman ni Luis Manzano, “Congrats bro!!! Mamimiss kita... yung mga tawanan natin... naglalaro paa natin sa ilalim ng mesa.... pasulyap sulyap na tingin... nag bubblebath tayo na walang bula... bigote sa batok ko hihihihi mwah”

Ilang TV shows ang pinagsamahan nina Luis at Billy sa ABS-CBN. Kabilang sa mga ito ang Your Moment, World of Dance Philippines, at Pilipinas Got Talent.

Sagot ni Billy kay Luis, “@luckymanzano Lang hiya ka kaya na delete yung unang simpleng congrats. Na punta sa liguan Bwahahahahah”

Continue reading below ↓

Mensahe naman ng asawa niyang si Coleen Garcia, “Congraaats my love. Always proud of you.”

Saad ni Billy, “@coleen awwwww thanks my love!”

Bukod sa Masked Singer Pilipinas, magiging bahagi rin si Billy ng bubuksang noontime show ng Kapatid network na Laugh Out Loud.

Makakasama niya rito sina Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray, at K Brosas.

Continue reading below ↓

BILLY BIDS GOODBYE TO "BESTIE" VICE GANDA

Noong September 26, nagpaalam na rin si Billy sa dating kasamahan sa It’s Showtime na si Vice Ganda.

Malapit na magkaibigan ang dalawa kung saan "Bestie" ang tawagan nila.

Nagbigay naman si Vice ng blessing sa paglipat ni Billy.

Sabi ni Vice, “Kaya kahit lumipat ka ng bahay, kahit saang bahay man tayo magpunta, magkakapamilya, family kita, at mahal na mahal kita.

“Kahit na magkatapat man yung mga bahay natin, family tayong dalawa, di ba?

“Magkakawayan tayo dun sa magkakatapat nating bahay.

“At susuportahan natin ang isa’t isa.”

Nadiskaril ang takbo ng karera ng maraming Kapamilya stars matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng ABS-CBN.

Kabilang si Billy sa nagdesisyong lumipat ng network.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Billy Crawford says transfer to TV5 from ABS-CBN is for his family. His first show on TV5, Masked Singer Pilipinas, will air its pilot episode on October 24.
PHOTO/S: Courtesy: @billycrawford on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results