Korina Sanchez replies to mean comments: "Please leave, bruha ka!"

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2020
Korina Sanchez on bashers: "Alam mo, dapat pagka merong nagba-bash sa 'yo, ginawa ko nang ugali na titingnan ko yung profile pic. Yung profile pic, yung kanilang one-liner, yung kadalasan, 'yan, troll 'yan."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Pinanindigan ni Korina Sanchez ang kanyang pagiging “bruha slayer” pagdating sa mean comments ng bashers.

Sa panayam niya sa online show na Gabing Gabi Na Vice, na in-upload sa official Facebook page ni Vice Ganda kahapon, October 6, hinamon ng It’s Showtime host ang veteran broadcaster na sagutin ang tatlong mean comments laban sa kanya.

Ayon kay Vice, dapat dagdagan ni Korina ng “please leave, bruha ka” ang kanyang bawat sagot sa mga nakakairita at masasakit na salita.

Sabi ni Vice, “Basta ang dulo mo, ‘lumayas ka bruha ka’ ang dulo mo lagi.”

Nagkatawanan naman ang dalawa bago ang kanilang palitan ng mensahe.

Pagkatapos nito ay binasa na ni Vice ang mean comments tungkol kay Korina.

Ito ang una: ‘Hi gurang @korina, ganda ng bulaklak mo ah, bagay sa amoy lupang gaya mo.'”

Continue reading below ↓

Natatawang sagot ng Rated Korina host, “Aba, e, di, all I can say is, I’m happily and beautifully and fabulously over fifty.

“Ang edad ay normal lang pero, ‘Day, tiningnan ko ang profile pic mo, bata ka pa lang mukha ka nang 75.

“Magpa-Belo ka na, baka may pag-asa ka pa, bruha ka, leave!”

Ang tinutukoy niyang "Belo" ay ang doctor to the stars na si Vicki Belo.

Pangalawang mean comment na binasa ni Vice: “’Mukha kang bading, mas maganda pa yung bading na naritoke ang mukha.’”

Continue reading below ↓

Tugon ni Korina sa nasabing komento, “Aba, kung magsabi kang salitang bading, parang bad word.

“Excuse me, kung hindi ka duwag at kalahati, humarap ka at pumagitna ka sa sampung bading at sabihin mo 'yan para malapa ka nang buhay.”

Humalakhak naman si Vice.

Isa pang mean comment: “FILTER/EDIT PA MORE. SUPERFAKE NA MASYADO KANG MAKINTAB NAKAKASILAW!!! SOBRANG KINTAB MO PATI SARILI MO NASISILAW. #justsaying’”

Continue reading below ↓

Sagot ng 56-year-old broadcaster, “Well, you know, whoever invented filters for Instagram or Facebook, I salute you. Dapat bigyan ng award kasi lahat tayo magaganda.

“But I hate to disappoint you, but I wake up looking like this,” sabay lapit sa kamera ng mukha niya na parang nang-aasar.

Dagdag pa ni Korina, “At, tiningnan ko ang profile pic mo, 'Day, mukhang wala pa atang naiimbentong app para ma-filter ang hitsura mo.

"Sop, please leave, bruha ka!”

ON BASHERS

Napag-usapan naman nina Vice at Korina ang tungkol sa bashers.

Pareho kasing lapitin ng bashers ang dalawang personalidad.

Sabi ni Korina, “Alam mo, dapat pagka merong nagba-bash sa 'yo, ginawa ko nang ugali na titingnan ko yung profile pic.

“Yung profile pic, yung kanilang one-liner, yung kadalasan, 'yan, troll 'yan.

“At kung troll, wala halos follower at iilan lang ang post.

"Pagka ganun, nilalaro ko na lang sila. Para maaliw nang konti ang mga followers ko.”

Continue reading below ↓

Saad naman ni Vice, “Ako naman, pag nakikita kong kokonti ang followers, ayokong tsikahin kasi dadami. 'Naku, dadami pa followers nito, ‘no.'

"Sasama ang loob ko kahit isa. Hindi ka pwede, hindi mo ko pwede magamit ‘day.”

Sabi naman ni Korina, “Alam mo, habang pumapatol ako sa kanila, lalo namang dumami ang followers ko. Gusto nila yun.”

Tugon ni Vice, “Gusto nga nila yun, ayaw na nila ng pa-sweet, yung real.

"Masaya, pero minsan nagagalit din.”

Ayon pa kay Vice, dati mapagpatol talaga siya. Pero nasabihan daw siya ng ABS-CBN management na maghinay-hinay.

Aniya, “Ako nga dati, mas patol ako, mas salbahe ako, lalo na sa Twitter.

“Feeling ko kaya madami akong followers sa social media, kasi give ako, patol, wala akong pakialam, sinasabi ko.

"Pero magmula nang pinagsabihan ako ng management na hindi na pwedeng ganyan, ganito, chuchuchu, may branding, keblag keblag, may endorsement, hindi ako makapatol.”

Payo naman ni Korina, “Ay, pwede pa rin, pero medyo suwabe.”

Continue reading below ↓

Nitong nakaraang Setyembre lamang, binansagan ng netizens si Korina na “bruha slayer” dahil sa pagpatol niya sa bashers at tinatawag pa niya ang mga ito na “bruha.”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Korina Sanchez on bashers: "Alam mo, dapat pagka merong nagba-bash sa 'yo, ginawa ko nang ugali na titingnan ko yung profile pic. Yung profile pic, yung kanilang one-liner, yung kadalasan, 'yan, troll 'yan."
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results