Buboy Villar on breakup with Angillyn Gorens: “Mahalaga naman dun, maayos kaming dalawa.”

by Arniel C. Serato
Oct 8, 2020
Buboy Villar on ex-partner Angillyn Gorens: "Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram

Nagbigay ng detalye si Buboy Villar, 21, tungkol sa naging hiwalayan nila ng kanyang dating fiancée na si Angillyn Gorens, 22.

Sa panayam ng GMA News Online na lumabas ngayong araw, October 8, kinumpirma din niyang dalawang taon na nga silang hiwalay ni Angillyn.

Nauna na itong inamin ni Angillyn sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang October 5 lamang.

Saad ni Buboy sa panayam, marami pa din daw silang mga kakilala na nagtatanong at umaasang sana sila pa ng dating fiancée.

Dire-diretsong pahayag niya, “Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga 'no so nag-decide lang po talaga kaming dalawa 'no.

“Although marami nga nagtatanong at nag-e-expect pa rin po 'yung ibang tao na kami.

“Siguro dapat talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga si Angillyn.

"Kasi nga ang daming nagtatanong, although hindi naman din siya masyadong ma-social [media] kasi nga ganun nga 'yung parang buhay niya doon.

Continue reading below ↓

“Parang lagi siyang nagtatrabaho. So nag-decide kami na sabihin sa public.”

NOT WORKING OUT ANYMORE

Sa panayam ng PEP.ph kay Angillyn, sinabi niyang mutual decision ang naging hiwalayan nila ni Buboy.

Si Buboy ay dating child star na nakilala sa pelikulang Kid Kulafu noong 2015.

Labingpitong (17) taong gulang lamang si Buboy at labingwalong (18) taong gulang naman si Angillyn noong nagdesisyon silang magsama.

Biniyayaan sila ng dalawang anak, ang tatlong taong gulang na si Vlanz Karollyn at ang isang taong gulang nilang bunso na si George Michael.

Pero nauwi ito sa breakup.

Kuwento pa ni Angillyn, “Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout.

"Pero we both realized na it wasn’t working na talaga.

“So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.

“Feeling ko, mas naging okay naman both sides.

“Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George.”

Continue reading below ↓

“MAGKAIBIGAN NAMAN PO KAMI”

Kahit hiwalay na sila, nanatili daw magkaibigan sina Buboy at Angillyn para sa kanilang dalawang anak.

Co-parenting ang estado nila para sa kanilang mga supling.

Dagdag pa ni Buboy sa panayam ng GMA, “At mahalaga naman dun, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay.

“Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”

Kasalukuyang nagtatrabaho so Angillyn sa Amerika. Nag-iipon daw siya dahil malapit ng mag-aral ang kanilang panganay na anak.

Paggawa naman ng content para sa kanyang vlog ang pinagkakaabalahan ngayon ni Buboy.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buboy Villar on ex-partner Angillyn Gorens: "Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”
PHOTO/S: Courtesy: @buboyvillar on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results