Rachelle Ann Go recalls when she prayed for her husband: “It was very detailed and specific.”

by Bernie V. Franco
Oct 8, 2020
Rachelle Ann Go says she experienced slow motion that day she first saw Martin Spies: “Sabi ko talaga, ‘This is the guy I’m gonna marry.’”
PHOTO/S: @gorachelleann on Instagram

Hangad ni Rachelle Ann Go na maging inspirasyon ang kanyang love story sa mga single.

Detalyadong ibinahagi ni Rachelle Ann kung paano niya natagpuan ang kanyang “The One” sa ibang bansa.

Kasama ng singer ang asawang si Martin Spies, isang American businessman, sa pagkuwento tungkol sa kanilang love story.

Dalawang taon nang kasal sina Rachelle Ann at Martin at naninirahan sila sa London, United Kingdom.

WHEN RACHELLE ANN PRAYED FOR A HUSBAND

Sa mga unang nasulat, vocal si Rachelle Ann sa pagsasabing si Martin ay “answered prayer”.

Nagdetalye si Rachelle Ann kung bakit niya nasabing sagot sa kanyang dalangin ang American husband sa YouTube video na in-upload noong October 2.

January 2017 daw nang lumipad si Rachelle Ann papuntang New York City kung saan siya mananatili ng walong buwan.

Kasama kasi siya sa pagtatanghal sa Broadway ng musical play na Miss Saigon. Ginampanan ni Rachelle Ann ang role ni Gigi Van Trahn.

Continue reading below ↓

Habang sakay ng eroplano patungong New York, inilabas daw ng singer ang kanyang journal para magsulat.

“I took out my journal and I started writing down my prayers, my dreams. Because I’m entering a new season in my life, so, I need to ask God for his guidance.”

Bukod sa kanyang musical career, may iba pang naramdaman ang singer.

“And then all of a sudden, there was a part of me that wanted to pray for my future husband.

“I’m gonna start praying for the husband, which I never did in the past,” kuwento ni Rachelle Ann.

“So, that was the first time that I started praying for a husband. And I was like, ‘Lord, please give me a husband.'”

Saad ng theatre singer, naging detalyado raw siya sa mga katangian ng gusto niyang mapangasawa: mula sa itsura hanggang sa ugali.

“I wrote down the characteristics, the physical appearance… it was very detailed and specific.

Continue reading below ↓

“Talagang sabi ko, tall, ‘tapos godly, very spiritual. Sabi ko a man with a good heart and stubbles, di ba? Sakto talaga.

Maging si Rachelle Ann, namangha raw sa pagka-detalyado ng gusto niyang mapangasawa.

“It was so specific na parang it seems impossible. But I was, like, anything is possible with God, so, why not pray for what you want?”

Sumunod na nagsalita si Martin at sinabing around January 2017 din nang ipagdasal niyang sana makilala ang babaeng pakakasalan niya.

Sa isang Bible group daw na kasama ang kanyang mga kaibigan, ibinahagi ni Martin sa kanila ang kanyang dasal.

Sabi ni Martin, “It’s not usually that I share with other men. I think we’re pretty close, but I shared that with them. I prayed that night for my future wife.”

RACHELLE ANN KNEW WHEN SHE FIRST SAW MARTIN

Pagdating daw sa New York, tumuloy si Rachelle Ann sa kanyang Tita Ritz na itinuturing niyang “second mom.” Naging ninang ito sa kasal nila ni Martin.

Continue reading below ↓

Nang magkamustahan daw sina Rachelle Ann at ang kanyang tita, sinabi raw ng singer na gusto niyang makadalo sa Christian community na dinadaluhan ng kanyang tita.

Sabi ni Rachelle Ann, “I really wanna visit the church. I wanna build a community and [have] friends.”

Sa kanilang pag-uusap, nabanggit daw ni Tita Ritz na may gusto itong ipakilala kay Rachelle Ann na isang lalaking “gwapo” at “godly.”

Reaksiyon daw ng singer, “I stopped her right there. And I was like, ‘Tita, naku, I’m not interested in meeting anyone. I’m only here in New York for eight months. So, there’s no point for me in meeting anyone.’”

Rason ni Rachelle Ann, gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang “spiritual journey” at ang kanyang pagtatanghal sa Broadway.

“So, yeah, I’m not interested in dating anyone. Yun talaga ang aking paninindigan. That was my stand at that point.”

Pagsapit daw ng Linggo, mag-isang nagpunta ng church si Rachelle Ann dahil hindi available ang kanyang tita.

Continue reading below ↓

Dito raw unang nasilayan ni Rachelle Ann ang lalaking magpapabago ng kanyang buhay.

“Nung naglalakad ako, parang it was like in a school auditorium… so, I was walking down the aisle...

“Naramdaman ko lang, e, may nakatayo… someone was standing right in the corner.

Tiningnan daw niya ang lalaki. “Napatingin ako, nag-palpitate… there was a palpitation…”

Muli raw niyang sinulyapan ang lalaki ng “slow motion” sa pagkakataong iyon.

Nasabi raw ni Rachelle Ann sa sarili, “Sabi ko talaga, ‘This is the guy I’m gonna marry.’”

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ni Rachelle Ann ang sarili na mag-focus sa kanyang hangad na spiritual journey.

Hindi sila nagkakilala ng lalaki.

ON MEETING MARTIN AGAIN

Noong sumunod na linggo, kasama na raw niyang pumunta sa simbahan ang kanyang Tita Ritz.

Pagkatapos daw ng service, sinabihan daw ni Tita Ritz si Rachelle Ann na ipapakilala ito sa nireretong lalaki.

“Sabi ko, ‘Tita, ayokong makilala. ‘Tapos hinila [ako], ‘Shin, this is Martin. Martin, this is Shin.” Shin ang palayaw ni Rachelle Ann.

Si Martin ang lalaking nakita ni Rachelle Ann sa auditorium.

“I was, like, really nervous and I told her, ‘Tita, that was the guy I saw last week. And I told myself that’s the guy I’m gonna marry.'”

Sa kuwento naman ni Martin, ang natatandaan niya, naintriga raw siya nang ipakilala sa kanya si Rachelle Ann.

“I was coming down the stairs, I was in the auditorium. And I saw Ritz, I haven’t seen her in a while.

Continue reading below ↓

“And you [Rachelle Ann] were standing behind her, and she introduced us. And I was wondering, ‘Wow, who is this new member of the church?’”

Pero inamin ng American businessman na hindi niya napansin si Rachelle Ann nang una siyang makita ng singer.

Kasunod ng pagkakakilala, nagsimula na raw magtanong-tanong sa mga kakilala si Martin tungkol kay Rachelle Ann.

“So, then after that, I started asking around, Googling a little bit. I was very interested in trying to figure out who you are and really kind of figure it out… how I’d get to know you more.”

Tinanong din daw ni Rachelle Ann ang isang female churchmate tungkol kay Martin.

“I asked her lang, ‘Who’s that guy. I met him na, I just wanna know more about him.’”

Kaibigan din pala ng churchmate na ito si Martin, at ipinarating niya kay Martin na nagtatanong tungkol sa kanya si Rachelle Ann.

Continue reading below ↓

Nagplano raw ang churchmate na ito ng isang gathering at inimbitahan sina Rachelle Ann at Martin.

Ani Rachelle Ann, “So, ako naman parang kinabahan ako na I was excited and nervous at the same time.

“Am I ready to meet someone at this point in my life na parang I’m here to work?”

Nang dumating daw ang petsa ng gathering pagsapit ng February 2017, may malakas na blizzard. Nagdalawang-isip ang mga imbitado kung pupunta pa.

Continue reading below ↓

(The first picture of Rachelle Ann Go and Martin Spies taken at a gathering in February 2017)

Sabi ni Martin, “Everyone was thinking about cancelling. But I was pushing everyone to go ahead with it.”

Gusto raw kasing makita ni Martin si Rachelle Ann. “Because I was hoping that this person would show up there, Shin. So, I didn’t wanna cancel it.”

Natuloy raw sa pagpunta sina Rachelle Ann at Martin.

Nang magkaroon daw sila ng pagkakataong mag-usap, lalong humanga si Rachelle Ann kay Martin.

Pagbabalik-tanaw ng singer, “That night, he was asking me questions, questions I wanted a man to ask me.

“Talagang napapa-wow ako every time he asked me something. Napa-pause ako and I was, like, tagos sa puso yung mga tanong niya.

“Sabi ko, ‘Heto na iyon, he’s The One talaga.’ It was memorable for me.”

Pag-alala naman ni Martin sa gabing iyon, “Shin walked in. I was happy it was her. I didn’t know if she would show up.

Continue reading below ↓

“I was just very excited to get to know you, a little bit of your story. I like that you didn’t drink. She was only drinking hot water and lemon.”

TAKING IT TO THE NEXT LEVEL

Kinabukasan, nag-text daw si Martin kay Rachelle at niyaya niya itong lumabas.

Ang first date daw nila ay February 13, 2017. Kinabukasan, Araw ng mga Puso, nag-iwan daw ng chocolates si Martin sa flat ni Rachelle Ann.

Napagkasunduan daw nilang dalawa na kilalanin ang isat-isa at gawing foundation ang kanilang pagkakaibigan.

Pagsapit daw ng April 2017, nagdesisyon ang dalawa na maging official na magkarelasyon.

Kabado raw si Rachelle Ann noon dahil marami na siyang naisip, partikular ang pagkakaroon ng long-distance relationship.

Pagsapit daw ng August, uuwi na sa Pilipinas si Rachelle Anne at hindi magtatagal ay magtutungo sa London para sa isang musical play.

Paliwanag ni Rachelle Ann, “I wanted to make sure at that point if we are gonna be together, this is it. Build a family. I don’t wanna play around.

Continue reading below ↓

“I wanted to make sure if he is serious about this as well.”

Sinuportahan daw ni Martin ang mga kondisyon ni Rachelle Ann at sinabing magkakatuluyan sila kung kaloob ito ng Diyos.

Pagdating ng Agosto, umuwi na ng Pilipinas ni Rachelle Ann para magpahinga ng ilang linggo bago tumungo sa London para sa musical play na Hamilton.

Sinabi naman ni Martin na pinlano na niyang sumunod sa Pilipinas para sa birthday ni Rachelle Ann at makilala ang pamilya ng girlfriend.

Noong Setyembre 8, 2017, nag-post si Rachelle Ann sa Instagram tungkol sa pag-propose sa kanya ni Martin sa Boracay.

Pagkalipas ng isang taon, bumalik sila sa Boracay para magpakasal.

Naganap ang kasal nina Rachelle Ann at Martin sa Shangri-La Boracay Resort & Spa noong April 18, 2018.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rachelle Ann Go says she experienced slow motion that day she first saw Martin Spies: “Sabi ko talaga, ‘This is the guy I’m gonna marry.’”
PHOTO/S: @gorachelleann on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results