Arnel Pineda silences bashers of his “imperfect family” after brother’s arrest

Oct 9, 2020
Arnel Pineda
Journey lead singer Arnel Pineda to bashers: "There are more helpful & useful things to do, like facing your precious mirror once in a while. Who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else."
PHOTO/S: @arnelpineda2007 on Instagram

Naba-bash ngayon ang lead singer ng American rock band na Journey na si Arnel Pineda matapos na maaresto ang kanyang kapatid sa isang drug buy-bust sa Quezon City.

Martes ng gabi, October 6, nang madakip ang nakababatang kapatid ni Arnel, 53, na si Rusmon Pineda, 51, makaraan umanong bentahan ng ilegal na droga ang isang undercover police sa Barangay Obrero, Quezon City.

Nitong Huwebes, October 8, pinalagan ni Arnel ang mga pambabatikos sa kanya ng netizens kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kanyang kapatid.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, idinirekta ni Arnel sa online bashers ang kanyang mensahe.

Tinawag niya ang mga itong duwag sa pagkukubli ng totoong pagkatao online habang nagpapakalat ng “unkindness” sa social media.

Ipinamukha rin ni Arnel sa mga bashers na bilang tao, hindi rin perpekto ang mga ito, gaya niya at ng kanyang pamilya.

SLAMMING BASHERS, THANKING SUPPORTERS

Mensahe ni Arnel sa bashers (published as is): “to the bashers who chose to cowardly succumb to prejudism & unkindness while hiding conveniently in the cloak of your keyboards & computer screens…

Continue reading below ↓

“there are more helpful & useful things to do, like facing your precious mirror once in a while.

“who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else.”

Sa parehong post, pinasalamatan ni Arnel ang kanyang “real friends & supporters” sa pagpapaabot ng dasal at pagpapakita ng pagmamahal ngayong napapagitna sa krisis ang kanyang pamilya.

Sabi ni Arnel: “to my real friends & supporters, who knows that our friendship is eternally unbounded by time & space, you know who you are.

“thank you for your prayers & love.

“you don’t even know how much all of you have hugely blessed us by sending kind & comforting words.

“may God be with you all always [three praying hands emojis] love & peace.”

Continue reading below ↓

FORMER DRUG USER

Dating drug user si Arnel noong kanyang kabataan.

Inamin niya ito sa isang press conference noong October 16, 2016.

Sa interview noon kay Arnel, sinabi niyang itinigil niya ang pagdodroga 14 na taon na ang nakalipas.

Base sa sariling karanasan, sinabi ng Journey singer na walang buting naidudulot ang droga sa kalusugan at sa mismong buhay ng mga gumagamit nito.

Kuwento noon ni Arnel, hindi siya sumailalim sa drug rehabilitation treatment.

Tanging ang pamilya raw niya ang kanyang sinandigan sa mga panahong determinado siyang itigil ang paggamit ng illegal drugs at magbagong-buhay.

THE DRUG BUY-BUST OPERATION

Bukod sa kapatid ni Arnel na si Rusmon, arestado rin sa buy-bust operation nitong Martes ang barangay tanod na si Rojimar Frilles, 30, ng Barangay Sacred Heart.

Ayon sa report ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 10, naaresto ang dalawa matapos umanong magbenta sa pulis na poseur buyer ng mahigit 20 grams ng hinihinalang shabu.

Continue reading below ↓

Ang nabanggit na droga ay may street value na PHP23,000.

Sa interrogation sa presinto, nakumpiskahan pa umano sina Rusmon at Frilles ng karagdagang ilegal na droga, na aabot ang kabuuang halaga sa PHP136,000.

Nakakulong sina Rusmon at Frilles sa detention cell ng QCPD-Station 10 sa Kamuning, Quezon City.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Journey lead singer Arnel Pineda to bashers: "There are more helpful & useful things to do, like facing your precious mirror once in a while. Who knows, you might find yourselves as imperfect as me, my family and everyone else."
PHOTO/S: @arnelpineda2007 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results