Pia Wurtzbach brings Jeremy Jauncey to her mother's house; sees childhood photos of sister Sarah

by Rachelle Siazon
Oct 12, 2020
All seems well in Pia's family when she visited her sister and mom in the United Kingdom recently. Pia (in hoodie) even brought her BF Jeremy Jauncey (in blue shirt) in several family gatherings. Then last night, Pia's sister Sarah (in polka dot top) exposes a conflict with the beauty queen.
PHOTO/S: Che Alonzo Youtube / @piawurtzbach Instagram

Nasorpresa ang publiko sa sumambulat na hidwaan sa pagitan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Ito ay matapos nagpakawala si Sarah ng maanghang na salita laban kay Pia sa pamamagitan ng Instagram Stories kahapon, October 11.

Nagpahiwatig din si Sarah ng sama ng loob laban sa kanilang ina.

Kakabakasyon lang ni Pia sa United Kingdom mula mid-July hanggang first week of October.

Sa London naninirahan ang kapatid ni Pia na si Sarah at pamilya nito. Ang ina ni Pia na si Cheryl Alonzo ay nakabase naman sa suburbs na one-hour drive mula sa London.

Nang magbakasyon si Pia sa U.K., parehong naka-bonding ni Pia ang ina at kapatid.

Tila wala ring problema noon sa pagitan ng mag-iina.

Noong buwan ng Setyembre, may isang pagkakataong isinama ni Pia ang nobyong si Jeremy Jauncey sa bahay ni Cheryl at ng British husband nito.

Makikita ito sa vlog ni Cheryl noong September 14 at September 26.

Continue reading below ↓

FESTIVE LUNCH

Ipinagluto pa ni Cheryl sina Pia at Jeremy ng iba't ibang pagkain—antipasto platter, grilled apple chicken sausage, vegetable fritata, grilled apple chicken sausage, arugula salad, at blueberry oatmeal muffin for dessert.

Meron ding Pinoy dishes na adobo at miswa dahil paborito iyon ni Pia.

Biniro ni Pia si Cheryl na bongga raw ang inihanda nitong lunch para kay Jeremy.

Hirit ni Pia kay Jeremy, "I don't even get that many when I come here. You got the full spread."

Sabi naman ni Cheryl, "Because it's his first time, and he's [into] healthy eating."

Isang araw lang daw ang palugit nang malaman ni Cheryl na bibisita sa kanya sina Jeremy at Pia, kaya dali-dali siyang nagpunta sa grocery para bumili ng mga lulutuing ulam.

Natatawang sabi ulit ni Pia, "Pag ako di ganito, ha! Baka masanay si Jeremy na ganito karami..."

Continue reading below ↓

PIA AND SARAH'S CHILDHOOD PHOTOS

Pagkatapos nilang kumain ng lunch, nakatuwaan nilang ipakita kay Jeremy ang childhood photos ni Pia na naitago ni Cheryl.

Natatawang sinabi ni Pia kay Jeremy na chubby raw siya noong bata.

"I was young and a bit chubs, okay? Ilang taon ako diyan, Ma? Fifteen or 16. I was a big girl," nakangiting tukoy ni Pia sa litrato niya noon.

Masuyong hirit ni Jeremy, "You were, Baby."

Depensa ni Pia, "I was voluptuous."

May mga nakita rin silang childhood pictures ng kapatid ni Pia na si Sarah.

"That's Sarah," tukoy ni Pia sa isang litrato na hawak ni Jeremy.

"Where are you, Baby?" tanong ni Jeremy sa throwback photo kunsaan tila lumahok sa isang event si Sarah.

Sagot ni Pia, "I wasn't part of the show."

Turo ulit ni Pia sa isang litrato nila ni Sarah, "Yeah, this is me and Sarah."

May isang punto rin ng vlog na napansin ni Jeremy ang naka-display na picture frame ng five-year-old daughter ni Sarah sa bandang dining area ng bahay ni Cheryl at ng asawa nito.

Continue reading below ↓

"GOOD MEMORIES"

Naka-relate si Jeremy sa pagiging sentimental ng ina ni Pia, na nakuha pa ring itabi ang childhood photos ni Pia at pati na rin ni Sarah.

Ang ina raw kasi ni Jeremy ay ganoon din sa kanilang pamilya.

Nang tumungtong ng 21 years old si Jeremy at nakababata nitong kapatid na lalaki ay ginawan daw sila ng kanilang ina ng album na may mga litrato mula pagkabata hanggang sa pagtanda.

"It's so good. Just so many good memories," ani Jeremy.

Maya-maya pa ay itinabi ni Jeremy ang isang litrato ni Pia.

"Why are you keeping this?" tanong ni Pia.

Natatawang sagot ng 36-year-old na si Jeremy, "'Cause that's my special blackmail photo."

Continue reading below ↓

Pagkatapos nilang tumingin ng mga litrato, inabot ni Cheryl kay Pia ang paper bag na may lamang nano mist spray. Tig-isa raw sina Pia, Jeremy, at Sarah.

Kaya noong mga pagkakataong iyon ay mahihinuhang tila walang isyu sa pagitan ni Pia at Sarah.

PIA'S BIRTHDAY IN LONDON

Nakapagdiwang pa si Pia ng kanyang ika-31 na kaarawan kasama si Sarah sa London.

Noong September 24, ipinost ni Pia sa Instagram ang litrato nila ni Sarah, na naghanda ng surprise para sa kanya.

Pinuno kasi ni Sarah ng iba't ibang klase ng balloons ang sala ng bahay nito para sa simpleng birthday celebration ni Pia.

Kasama sa family get-together ang ina ni Pia na si Cheryl, ang asawa ni Cheryl, pati na rin si Jeremy.

Caption ni Pia, "Photos from this weekend [love struck emojis] And a special appreciation post for my sister @sarahwurtzbach who made this surprise birthday set up [lovestruck emojis] Made with love."

Continue reading below ↓

Habang isinusulat ang artikulong ito, tikom ang bibig ni Pia at maging ng kanyang ina na si Cheryl hinggil sa mainit na pahayag ni Sarah.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All seems well in Pia's family when she visited her sister and mom in the United Kingdom recently. Pia (in hoodie) even brought her BF Jeremy Jauncey (in blue shirt) in several family gatherings. Then last night, Pia's sister Sarah (in polka dot top) exposes a conflict with the beauty queen.
PHOTO/S: Che Alonzo Youtube / @piawurtzbach Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results