Pia Wurtzbach, boyfriend Jeremy Jauncey inseparable in London

by Rachelle Siazon
Aug 6, 2020
Proud boyfriend Jeremy Jauncey is thrilled to get together with Pia Wurtzbach in London after five months of being apart.
PHOTO/S: @jeremyjauncey Instagram

Nagkasamang muli si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at boyfriend niyang si Jeremy Jauncey sa London.

Si Jeremy ay isang New York-based model/professional traveler/entrepreneur na may lahing Scottish at Colombian.

Limang buwan ang hinintay nila bago ulit nagkita dahil sa pandemyang nagsanhi ng istriktong travel restrictions at quarantine protocols sa buong mundo.

Gabi ng Miyerkules, August 5 (UK time), kilig na inanunsiyo ni Jeremy na nakapag-date na rin sila ni Pia sa wakas.

Inilibot daw ni Jeremy si Pia sa lugar sa London na tinirhan noon ng binata.

"So excited to be back home in London for a while, showing @piawurtzbach round my neighbourhood," caption ni Jeremy sa kanyang Instagram post.

Kalakip nito ang litrato nila sa isang restaurant.

Dugtong ni Jeremy, "After quarantining for 14 days this was our first dinner date in 5 months!

"Socially distancing and wearing masks (just taken off for the photo) London is still as amazing as I remember.

Continue reading below ↓

"Any tips on things we should do very welcome!"

SWEET INSEPARABLE MOMENTS

Sa tagal nilang hindi nagkita ay hindi mapaghiwalay ang magkasintahan.

Noong nakaraang Sabado, nag-post din si Jeremy ng pamamasyal nila ni Pia sa Borough Market, isang sikat na destinasyon para sa ultimate food trip sa London.

Mahigpit silang nakaakbay sa isa't isa at parehong nakasuot ng face masks habang naglalakad sa lugar.

Saad ni Jeremy sa kanyang maiksing video clip, "So Saturday morning, bringing Pia to my favorite place Borough Market."


Continue reading below ↓

Dinala raw ni Jeremy doon si Pia dahil alam niyang "foodie" ang nobya.

Sabi naman ni Pia, "It's so nice, it's my favorite place now."

Sa latest Instagram Story ni Jeremy ay makikitang sabay rin silang nag-workout sa isang gym.

JEREMY Bonds with PIA'S pamangkins

Bandang mid-July pa lumipad si Pia patungong London, kung saan nakabase ang nakababatang kapatid na si Sarah Wurtzbach.

Continue reading below ↓

Sumailalim din si Pia sa 14-day self-quarantine bago nakihalubilo sa kapamilya.

Proud naman si Jeremy na ipinost sa Instagram Stories ang bonding moments niya kasama ng mga cute na pamangkin ni Pia na sina Lara at Logan.

Tila kasundo ni Jeremy si Lara, na tuwang-tuwang naglalaro ng gadget at nagsasayaw sa videos ng binata.

May isang punto rin na si Jeremy ang nagdadamit kay Logan.


Continue reading below ↓

CROSSING THE DISTANCE

Noon lamang Hunyo kinumpirma nina Pia at Jeremy na opisyal silang magkasintahan.

Si Pia ay 30 years old habang si Jeremy naman ay 34.

Hindi isyu sa magkasintahan ang long-distance relationship dahil sinisikap nilang magkita kahit magkaiba ang kanilang homebase.

Nitong January 2020 unang ipinahiwatig nina Pia at Jeremy ang tungkol sa kanilang pagkakamabutihan.

Magkasama silang nagbakasyon sa isang luxury resort sa Indonesia.


Continue reading below ↓

Noong panahong iyon ay iniwasan nilang magbahagi ng litrato na magkasama sila. Nito lang June ipinost ni Jeremy sa kanyang Instagram ang mga kuha nila ni Pia roon.


Nasundan iyon ng kilig date nila sa New York noong February 2020.

Pero sa London talaga nagsimula ang kanilang love story.

Continue reading below ↓

Ikinuwento nila sa Tatler Philippines na aksidenteng nagkrus ang landas nila sa Covent Garden, kunsaan namataan at nakilala raw ni Jeremy si Pia.

Nilapitan daw agad ni Jeremy si Pia, at mabilis silang nagkagaanan ng loob dahil may common acquaintances sila.

Pero sa lahat ng pagkikita nila, pinakaespesyal daw iyong sa Hong Kong dahil doon nila napagtanto ang pagtatangi nila sa isa't isa.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Proud boyfriend Jeremy Jauncey is thrilled to get together with Pia Wurtzbach in London after five months of being apart.
PHOTO/S: @jeremyjauncey Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results