Vice Ganda opens up about face, body enhancements

by Arniel C. Serato
Oct 12, 2020
Vice Ganda admits enhancements on his body, face, but not his nose: "Yung ilong, hindi ko pa napapagalaw, e.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram

Inilahad ni Vice Ganda na marami na rin siyang ipinagawa sa kanyang katawan.

Sa gitna ito ng pag-amin ng singer na si Janine Berdin na nagparetoke siya ng kanyang ilong.

Sa online show ni Vice na Gabing Gabi Na Vice na inilabas kagabi, October 11, sinabihan niya si Janine na walang masama sa kanyang ginawang pagpapaganda sa sarili.

Mensahe ni Vice para sa "Tawag ng Tanghalan" Season 2 grand winner, “Alam mo, marami ang magsasabi na, ‘Mali, mali si Janine Berdin. She should feel happy about herself. Dapat tanggap niya yung sarili. Dapat naa-appreciate niya yung sarili niya kasi...'

"Yung laging linya na, ‘Yun yung binigay sa 'yo ng Diyos, e, bakit binabago mo,’ makakarinig ka ng ganun.

“Pero ako naman, hindi natin masisisi si Janine, e.

"Ang masasabi ko lang is, para sa akin, walang masama dun sa ginagawa mo kasi parang ano lang ‘yan, e...

“Tayo nga, yung katawan mo, ‘yang hitsura mo, ano ‘yan, e, gift 'yan.”

Continue reading below ↓

Inihalintulad ni Vice sa regalo ang bawat isa sa atin.

Paliwanag niya, “Pero, hindi ba, ang gift natin may kanya-kanya tayong choice kung paano natin babalutin yung regalo?

“May iba, lalagyan ng ribbon para mas maganda. Yung iba, bibili ka ng mamahaling wrapper para mas maganda.

“Para sa akin, ganun lang yung ginagawa mo. Ako, ginawa ko rin yun sa sarili ko.”

Dito na nagsabi si Vice ng mga bahagi ng kanyang katawan na dumaan din sa enhancement.

Aniya, “Nagpagawa ako ng mata, nagpagawa ako ng pisngi, ng baba, di ba?

“So, choice natin kung paano natin ira-wrap yung regalo natin.”

Ayon pa sa It's Showtime host, ang mahalaga ay alam niya kung ano ang tunay na mahalaga para sa isang tao.

“Pero ang malinaw sa atin, ang pinakamalaking regalo natin ay hindi naman yung mukha—yung nasa loob, yung puso.

"Yung puso ang talagang regalo natin. Itong [panlabas na anyo], wrapping lang ito ng regalo natin.

Continue reading below ↓

"Ang totoong regalo natin ay yung puso natin."

NOT HIS NOSE

Kaagad namang nilinaw ni Vice na hindi siya nagparetoke ng ilong.

Diin niya, “Ako rin naman, sinasabi ko na proud to be me. Naggaganyan din naman ako, proud to be me.

“Marami akong mga bagay, marami akong bahagi ng pagkatao ko na proud ako dun.

“Pero meron din, choice ko din yun kung ano din ang gagawin ko dun sa katangian ko na yun.”

Dito ay tinanong ni Vice si Janine kung nasaktan ba siya sa enhancement ng kanyang ilong. Ayon kay Janine, wala siyang naramdamang sakit.

Sabi naman ni Vice, “Hindi pa kasi ako nagpapagawa ng ilong. Ang ipinagawa ko lang ay mata.

“Kasi ang mata ko ay droopy, malungkot.

“E, ako naman, sabi nila, ‘Hindi puwedeng nagpapatawa ka 'tapos malungkot yung mata. May malungkot na mata, malungkot na kilay kapag nakababa. So, kailangan buka ang mata mo at ang kilay mo ay hindi pababa.’

Continue reading below ↓

“So, nilagyan ako ng talukap. Kasi mataba ang talukap ko. Yun ang ginawa.

“'Tapos sa [pisngi] botox-botox, lifting-lifting.

“'Tapos sa baba, para may baba. Pero yung ilong, hindi ko pa napapagalaw, e.”

Noong taong 2015, inamin din ni Vice na pinadagdagan niya ang kanyang balakang.

Noong 2018, inamin din niyang nagpa-botox siya upang mapaganda ang kanyang mukha.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda admits enhancements on his body, face, but not his nose: "Yung ilong, hindi ko pa napapagalaw, e.”
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results