Marjorie, daughter Dani remember Miguel Barretto on his first death anniversary

by Arniel C. Serato
Oct 15, 2020
Marjorie Barretto (left) and daughter Dani Barretto (right) post tribute messages on Instagram for Miguel Barretto (center) on his first death anniversary today, October 15.
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto / @danibarretto on Instagram

Ngayong araw, October 15, ang unang anibersaryo ng kamatayan ng Barretto patriarch na si Miguel Barretto.

Pumanaw ang nakatatandang Barretto, labing-anim na araw matapos ang kanyang ika-82 kaarawan, dahil sa kumplikasyon ng iba’t ibang karamdaman.

Sa pamamagitan ng Instagram ngayong araw, ginunita ni Marjorie Barretto ang kamatayan ng ama.

Mensahe niya: “One year in heaven today.

“I LOVE YOU I LOVE YOU I LOVE YOU, Dad.

“Im missing you too much. Please say a prayer for him.

“May he always be remembered as a wonderful man. One of a kind.”

Continue reading below ↓

Nagbigy-pugay rin ang panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto sa kanyang lolo na binansagan niyang “Pikey.”

Malapit si Dani kay Miguel.

Saad niya, “One year without you.

“One year without your warm hugs, your corny jokes, and that smile.

“The smile that makes everything better.

“I miss you so much, Pikey.

“I hope you’re having the best time there in heaven.

“I love you! I love you! I love you forever, Pikes!”

Nakiusap din si Dani sa kanyang lolo na bantayan sila, lalo na ang kanyang ina, mula sa langit.

Aniya, “Please always watch over us. Especially Mom.

“Its been hard not having you around, but know that you’re and will always be in our hearts.”

Continue reading below ↓

Wala pang post ang iba pang mga anak at apo ng namayapang si Miguel.

THE CONTROVERSIAL WAKE

Hindi naging maganda ang nangyari sa ikatlong gabi ng lamay ni Miguel sa Heritage Memorial Park.

Nauwi ito sa malaking gulo dahil sa engkuwentro ng magkapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto.

Diumano, nagkasakitan ang tatlo.

Nadamay rin sa away ng pamilya sa lamay ang kanilang inang si Inday Barretto.

Bukod sa magkakapatid na Barretto, nasangkot din sa gulo ang mga apo ni Miguel—sina Dani at Julia, na mga anak ni Marjorie, at si Nicole Barretto, anak ni JJ Barretto.

Hanggang ngayon, hindi pa nagkakaayos ang mga nabanggit na personalidad.

Naulila ni Miguel Barretto ang kanyang maybahay na si Inday; ang pitong anak na sina Mito, Michelle, Jay-jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine; at mga apo.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marjorie Barretto (left) and daughter Dani Barretto (right) post tribute messages on Instagram for Miguel Barretto (center) on his first death anniversary today, October 15.
PHOTO/S: Courtesy: @marjbarretto / @danibarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results