Ion Perez to Vice Ganda: “Isinilang ako sa mundo na ito para mahalin ka.”

by Arniel C. Serato
Oct 26, 2020
Vice Ganda to partner Ion Perez: "Pero ikaw ang lakas mo lang talaga. Sobrang lakas mo at kahit mga kaibigan ko ay hangang-hanga sa iyo. Sabi, 'Ang tatag ni Ion. Grabe ang heart at grabe ang love.'"
PHOTO/S: Courtesy: Mark Louie Carabbacan on Facebook

Ipinagdiwang nina Vice Ganda at Ion Perez ang ikalawang anibersaryo nila bilang magkarelasyon kahapon, October 25.

Sa pamamagitan ng isang vlog, ipinakita ng dalawa ang kanilang selebrasyon sa Enchanted Kingdom.

Kinunan ang nasabing vlog noong panahong hindi pa open to the public ang theme park na matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna.

May titulo itong "Happy TWOgether! Vice-Ion’s 2nd Anniversary Celebration!"

Nilinaw ni Vice na sumailalim silang lahat sa swab test bago nila kinunan ang kanilang anniversary episode.

Panimula ng It’s Showtime host sa kuwentuhan nila ng boyfriend, "October 25 is a very important day because it’s our anniversary. Yes, two years na tayo."

Tinanong ni Vice si Ion kung masaya ito sa piling niya, at siniguro naman ni Ion na maligaya ito sa kanilang relasyon.

Saad pa ng 44-year-old comedian-host: "Dahil espesyal ang araw na ito, of course, we need to celebrate. Ito ay isang bagay na worth ng isang selebrasyon.

Continue reading below ↓

"Kaya naman isi-celebrate natin sa espesyal na lugar, kung saan feeling namin ay magiging masaya kaming dalawa.

"At masaya kami dahil pinayagan nila kami na dito i-celebrate ang anniversary namin."

"ITO ANG GUSTO NATIN"

Pagkatapos ng ilang rides, naghapunan ang dalawa sa loob ng isang Ferris wheel cart para sa kanilang dinner in the sky.

"Ang saya kasi first 'to, e. First kong naka-experience ng ganito, ang saya," masiglang deklara Vice.

Naglahad naman si Ion ng kanyang nararamdaman tungkol sa pagiging out nila ni Vice bilang magkasintahan.

Aniya, "Ako nga rin, hindi ko rin naman naiisip na mae-experience ko, makakasama ka.

"Ang sarap nung naging free tayo, tanggap tayo ng tao, kahit may ilan na hindi pa rin."

Worth it din daw para kay Vice ang paninindigan nila sa isa't isa.

"Ang pinakamasaya sa akin na nangyari ay nagdesisyon tayo na panindigan ito, kahit hindi naman tayo sigurado kung ano ang magiging reaksiyon ng ibang tao.

Continue reading below ↓

"Kasi maraming beses na iniisip ko ang magiging reaksiyon ng mga tao. At dahil iniisip ko yun, 'Ay, huwag na lang kasi natatakot ako.'

"Dumating tayo sa point na wala na tayong pakialam, 'Kung ano ang reaksiyon niyo bahala na kayo, basta tayo itutuloy natin ito.' Kasi ito ang gusto natin, 'no."

Nagpasalamat din si Vice sa tapang ng boyfriend na umamin sa publiko ukol sa kanilang dalawa.

Lubos daw niyang inakap si Ion sa kanyang puso dahil nakita niya ang daming sakit sa damdamin na dinanas nito bago maging sila.

"Nakikita kong sinasaktan ka nila. Grabe yung pananakit nila sa 'yo.

"E, ang palad-palad, napakapalad ko na yung ininda mo yun at nalampasan mo yun, na hindi ka nasira ng mga pananakit na ginawa nila sa iyo.

"Kasi maraming beses in the past, mayroon akong mahal pero wala silang sapat na lakas at tapang na panindigan, ni makita."

Sa puntong ito, naalala ni Vice ang mga dating karelasyon na hindi kayang ipagmalaki siya.

Continue reading below ↓

"Makitang kasama, takot na takot. Makitang nakahawak, takot na takot.

"Yung iba nga, makita pa lang na kasama ako, takot na sila, lalo pa kaya kung minahal nila ako.

"Kung takot silang makitang kasama ako, mas takot silang mahalin ako."

Mas inisip pa raw ng mga ito ang sasabihin ng ibang tao.

"Natatakot silang mahalin ako, kasi alam nila huhusgahan sila—ayaw nila yun.

"Yung na-experience kong yun, isa-isa nila akong tinatalikuran."

Sa kaso ni Ion, madamdaming sabi ni Vice, "Pero ikaw, ang lakas mo lang talaga.

"Sobrang lakas mo at kahit mga kaibigan ko ay hangang-hanga sa iyo.

"Sabi, 'Ang tatag ni Ion. Grabe ang heart at grabe ang love.'

"Thank you."

"MAHAL AKO NG MAHAL KO"

Sa bandang dulo ng vlog, pumunta sila sa isang teatro sa loob ng Enchanted Kingdom. May ilang performers ang nag-alay ng kanta para sa dalawa.

Kasunod nito ay ibinahagi ni Vice kay Ion at sa ilan nilang kaibigan na gumawa siya ng tula para sa boyfriend.

Continue reading below ↓

Pinalapatan daw niya ito ng tunog sa kaibigang singer na si Moira dela Torre.

Kuwento ni Vice tungkol sa kanyang composition, “Yung damdamin ko, naikuwento ko siya sa isang tula.

"'Tapos yung tula, ginawa kong kanta.

"Pinakiusapan ko si Moira kung puwede niya akong tulungan na yung tula na ginawa ko para sa iyo ay maging kanta, marinig ng maraming-maraming tao."

Ginamit niya ang kanta para sa isang surprise music video na may pamagat na "Mahal Ako ng Mahal Ko."

Sabay nila itong pinanood ni Ion.

Sabi pa ni Vice kay Ion: "Tumanda man tayo, mawala man tayo, hindi mawawala ang kuwento natin.

"Kasi patuloy na maririnig yung kuwentong yun sa pamamagitan ng kanta.

"Hangga't may isang taong magpapatugtog ng kantang yun.”

Narito ang lyrics ng kantang "Mahal Ako ng Mahal Ko":

Ang dami kong piniling mahalin / Inalayan ng lahat ng sa akin

Ilang beses nang sumugal / Pero ako lang ang nagmahal / ‘Di pa rin ako tumigil magdasal

Continue reading below ↓

Ako raw ay mahirap ibigin / Di raw nila makakayang tanggapin

At bigla kang dumating / Pinatunayan mo sa akin / Ako ay karapat-dapat ding mahalin."

Chorus 1:

Nagbago ang mundo Nang mapasa’yo / Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo / At pinaramdam mo / Na mahal ako ng mahal ko

Ikaw ang tugon / Sa’king mga hiling / Pag-ibig mo na kusang dumating

Chorus 2:

Nagbago ang mundo / Nang mapasa’yo / Nawala ang lahat ng takot ko

Salamat sa iyo / At pinaramdam mo / Na mahal ako ng mahal ko

Bridge:

At kung mayroon mang hangganan / Hindi pa rin mawawala / Pasasalamat sa iyong pinadama

IoN TO VICE: “MAMAHALIN KITA NANG SOBRA”

Umiiyak si Ion habang pinatutugtog ang music video, hanggang sa niyakap na niya si Vice.

Halos ma-speechless si Ion sa saya nang makita ang surprise sa kanya ni Vice.

Sabi ni Ion kay Vice, “Sobrang… nagulat ako, a. Akala ko iba yung show, e, ikaw pala.

Continue reading below ↓

"Wala na rin akong masabi kundi paulit-ulit kong sasabihin. Hangga't kaya kong iparamdam, mahal kita, ipaparamdam ko sa ’yo.

"Siguro, isinilang ako sa mundo para mahalin ka. Mamahalin kita nang sobra."

WHEN THEY MADE THINGS OFFICIAL

Pormal na inamin ni Vice ang relasyon nila ni Ion noong October 26, 2019 sa ika-sampung anibersaryo ng It's Showtime.

Pagkatapos ng "Magpasikat" segment performance ng lahat ng mainstays nang ipakilala ni Vice ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Sabi noon ni Vice: "At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa.

"Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.

"At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa.

"Meron na akong katuwang sa buhay."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to partner Ion Perez: "Pero ikaw ang lakas mo lang talaga. Sobrang lakas mo at kahit mga kaibigan ko ay hangang-hanga sa iyo. Sabi, 'Ang tatag ni Ion. Grabe ang heart at grabe ang love.'"
PHOTO/S: Courtesy: Mark Louie Carabbacan on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results