Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo on alleged VIP treatment: “Alam ko sa sarili ko na lumaban ako nang patas.”

by Arniel C. Serato
Oct 26, 2020
Miss Iloilo Rabiya Mateo on winning the Miss Universe Philippines 2020 title: "Pinaghirapan lahat-lahat. Pinagdaanan ko dapat pagdaanan para manalo po."
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe Philippines on Facebook / @aces_and_queens on Instagram

Walang VIP treatment.

Ito ang iginiit ng bagong tanghal na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo, 23.

Ayon sa kandidata mula sa Iloilo City, pinaghirapan niya ang kanyang tagumpay, mula umpisa hanggang sa grand coronation ng pageant na ginanap sa Baguio Country Club, Baguio City.

Ipinalabas ang pre-taped grand coronation sa GMA-7 kahapon, October 25.

Pahayag ni Rabiya sa panayam sa kanya ng Balitaan ng CNN Philippines ngayong araw, October 26, pinagdaanan niya ang lahat ng hirap sa pageant kahit hindi siya ang itinuturing na frontrunner dito.

“Ako po, hanggang kahapon, hindi ko alam na ako yung nanalo.

“At ako, pati na yung roommate ko, nagulat din.

“And ang masasabi ko talaga na there was no VIP treatment sa akin.

“Pinaghirapan lahat-lahat. Pinagdaanan ko dapat pagdaanan para manalo po."

Pero naiintindihan daw ni Rabiya ang pinanggagalingan ng ibang mga kandidata na hindi pabor sa naging resulta ng beauty pageant.

Continue reading below ↓

Saad niya, “And it kinda breaks my heart, pero I do understand kung saan nanggaling yung ibang candidates.

“Of course, kakatapos lang po ng competition.

“And for somebody like me na hindi naman considered as a frontrunner, nagulat din sila."

Diin ni Rabiya, “Pero alam ko sa sarili ko na lumaban ako nang patas.”

Ang unang frontrunners sa competition ay ang mga beterana sa mga national beauty pageants na sina Miss Quezon City Michelle Gumabao at ang kandidata mula sa Taguig City na si Sandra Lemonon.

Hindi nakapasok sa Top 5 si Sandra, samantalang second runner-up naman si Michelle.

THE NEW MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Nag-sink in na ba kay Rabiya ang kanyang pagkapanalo?

Tugon ng 2018 cum laude graduate mula sa Iloilo Doctor’s College, “Actually, hanggang ngayon hindi pa talaga siya nagsi-sink in.

“Pero masyado akong masaya kasi ang daming mga Ilonggo na sumusuporta at nagmi-messge sa akin, congratulating me.

Continue reading below ↓

“So I feel na unti-unti na parang natutupad na talaga yung pangarap ko.

“And then, you know with what happened yesterday, parang everybody started to recognize my name.”

Parang dark horse daw siya sa kumpetisyon dahil ito ang kauna-unahang national pageant na sinalihan niya.

Saad pa ni Rabiya, “I started po as the underdog and during the start of the competition, I wasn’t even on the prediction lists of most of the pageant bloggers.

“And unti-unti kang nakilala and, yun nga, sinasabi ko talaga na, ‘It doesn’t mean na pag malalakas yung mga kalaban is you don’t have a chance, you just need to know when to peak.’

“And I feel, like, I peaked at the right time.”

“HINDI NAMAN AKO MASYADONG PIGANG-PIGA”

Ano naman ang maituturing niyang edge sa kanyang mga nakalaban?

Pahayag ng Ilongga beauty queen, “It has something to do with not having, not so much expectation. That’s why I enjoyed the moment talaga.

Continue reading below ↓

“And then, during my journey, people are asking me to, you know, experiment with my looks.

“So I feel, like, I was able to do such thing kasi hindi naman ako masyadong pigang-piga with the expectation of the public.

“So it was a combination of enjoying the moment, and at the same time having the right pressure for yourself not from other people.

“That’s why I was able to do good during the coronation night.”

Matapos niyang grumadweyt ng kursong Physical Therapy, mas pinili ni Rabiya na maging lecturer sa isang review center sa Iloilo.

Ginugol din niya ang kanyang nalalabing oras sa pagtulong sa mga batang mahihirap at salat sa edukasyon. Kaya ang edukasyon ang kanyang naging adbokasiya mula noon.

Sabi niya, “Isa po kasi akong teacher. I was a lecturer sa isang review center.

“I teach sa review center para sa physical therapy.

“So I’ve been doing this right after I graduated, two years na po.

Continue reading below ↓

“And nagta-travel po ako sa different countries… I mean, different parts of the Philippines like sa Ilocos, sa Bicol, and Manila.

“At nagtuturo po talaga ako. That’s why I realize na mahal na mahal ko ang pagtuturo.

“Ginawa ko siyang advocacy kaya nagwu-work ako sa isang foundation, which is called Feed Me and I Read You."

Patuloy niya, “Dun sa Iloilo, may area po dun malapit sa dumpsite.

"And yung mga kabataan po dun, hindi sila masyadong nakakakain that’s why affected din yung learning capability nila.

“And as a passionate individual who loves to teach, ginagawa ko once a week, we have feeding program, and at the same time nagtuturo po ako sa mga bata.

“Kasi ako po, nangagaling din po ako sa mahirap na pamilya and hindi ko naman po yun ikinakahiya.”

Sa susunod na linggo ay makikipag-meeting si Rabiya sa Miss Universe Philippines Organization (MUPO) upang paghandaan ang kanyang paglaban sa Miss Universe 2020.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Iloilo Rabiya Mateo on winning the Miss Universe Philippines 2020 title: "Pinaghirapan lahat-lahat. Pinagdaanan ko dapat pagdaanan para manalo po."
PHOTO/S: Courtesy: Miss Universe Philippines on Facebook / @aces_and_queens on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results