Barbie Imperial hints at real reason behind failed romance with JM de Guzman

by Rachelle Siazon
May 7, 2019
Barbie Imperial on failed romance with JM de Guzman: "So, kaming dalawa po, dalawang tao na wasak, tina-try namin parehong ayusin yung isa't isa, buuin ang isa't isa. Pero hindi pala puwede yun. Dapat meron at least isang tao na buo."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni Barbie Imperial na nagkaroon sila ng espesyal na ugnayan ni JM de Guzman sa loob ng ilang buwan.

Taliwas ito sa sinabi ni JM na wala pang isang buwan ang kanilang naging unawaan noon.

Sabi ni Barbie, "Dun lang ako napikon din. Para sa akin, lagpas siya ng isang buwan.

"Pero sa kanya pala, mag-iisang buwan pa lang."

Unang nakapanayam si JM sa Tonight With Boy Abunda noong April 10.

Kagabi, May 7, nakapanayam si Barbie ng TV host na si Boy Abunda sa parehong ABS-CBN late-night talk show.

Dito ay ipinapanood kay Barbie ang ilang clips mula sa panayam kay JM, na nagsabing sinubukan niyang "i-pursue" ang aktres.

Ayon pa sa binata, kinalaunan ay hindi sila nag-work ni Barbie dahil sa "pressure" na maayos nila ang kani-kanilang showbiz career.

Sabi naman ni Barbie, "Trinay po namin talaga. Pero hindi po talaga mag-work, e, kahit anong gawin."

Continue reading below ↓

Pero hindi raw "career" ang dahilan kung bakit naunsiyami ang magandang relasyon nila ni JM noon.

Hindi man diretsahang masabi ni Barbie kung bakit tinapos nila ang kanilang ugnayan, malaman ang paglalarawan ng dalaga kung paano masasabing niligawan siya ni JM.

"Madami po kasi iyon. Puwedeng pinursue ka niya na seryoso siya talaga.

"Puwedeng pinursue ka niya na may iba rin pala.

"Puwedeng pinursue ka niya para gusto ka lang ulit saktan."

Continue reading below ↓

Maliban dito ay hindi na nagdetalye pa si Barbie dahil ayaw raw niyang ma-bash pa si JM ng kanilang supporters.

Diin niya, "Basta, Tito Boy, pinursue niya naman ako."

Dagdag pa ni Barbie, "Para sa akin, may pinagsamahan naman kami ng tao.

"Kaya ko naman na sa akin na lang po."

WHY THE JM DE GUZMAN-BARBIE IMPERIAL RELATIONSHIP DID NOT WORK OUT

Aminado si Barbie na hindi lang si JM ang may pagkukulang noon.

"Kaka-break ko din lang po nun, e, kay Paul," pagtukoy ni Barbie sa ex-boyfriend niyang si Paul Salas.

Nangyari iyon noong kasagsagan ng mainit na tambalan nina Barbie at JM sa Araw Gabi, ang ABS-CBN afternoon series na umere mula April hanggang October 2018.

"Parang masyadong mabilis. July nung nag-break kami ni Paul.

"Si M, lagi siyang nandun para sa akin.

"Pero siya, sinabi din po namin dati na parang hindi pa siya OK din."

Sa parte ni JM, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na kababalik lang nito sa showbiz matapos ang matagal na panahong pagsailalim sa drug rehabilitation.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Barbie: "So, kaming dalawa po, dalawang tao na wasak, tina-try namin parehong ayusin yung isa't isa, buuin ang isa't isa.

"Pero hindi pala puwede yun. Dapat meron at least isang tao na buo.

"Kasi ang hirap pong wasak ka na nga, tapos wasak din yung aayusin mo. Paano mo aayusin yung sarili mo?"

Continue reading below ↓

WAS THERE A THIRD PARTY IN JM DE GUZMAN-BARBIE IMPERIAL RELATIONSHIP?

Hindi nabanggit sa panayam ang tungkol sa sumabog na alitan nina JM at Barbie sa social media bandang November 2018.

May ilang natukoy na fans nina JM at Barbie—na nakilala sa tambalang JuanBie—ang nakasagutan ng aktor dahil diumano sa panloloko nito sa aktres.

Si Rhian Ramos, na leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala, ang itinuturo nilang dahilan umano ng sigalot sa pagitan nina JM at Barbie.

Mariing pinabulaanan iyon nina JM at Rhian sa kani-kanilang social media posts.

Sa kasagsagan ng isyu, napa-post ng matalinhagang tweet si Barbie na "Young but not stupid."

Matapos ang ilang linggo, noong December 19, tila nagkaayos na sina Barbie at JM dahil nag-post ang aktres ng picture nilang magkasama para sa "3 days straight shows."

Bago ito ay nagkita na rin sila sa isang reunion ng cast at staff ng Araw Gabi.

Sa kabila nito, hindi na naibalik ang dating closeness ng dalawa.

Continue reading below ↓

ARE JM DE GUZMAN AND BARBIE IMPERIAL STILL FRIENDS?

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Barbie sa TWBA, sinabi niyang hindi pa niya kayang maging magkaibigan sila ni JM sa ngayon.

Pero hindi na raw para siraan pa niya ito.

"Thankful pa din ako kasi kung hindi ko naman naranasan nang lahat ng iyon, hindi naman ako ito ngayon.

Continue reading below ↓

"Hindi ako bastos na tao, e.

"Every time na gusto ko talagang magsalita sa kanya, yung galit na galit, inisip ko pa rin na, 'Wait lang Barbie, kung wala din naman si JM, hindi ka malu-launch na leading lady kasi bumagay kayo, e.'

"Ayaw ko kasing sabihin na kaya ko siyang maging kaibigan na hindi naman.

"So, hinihintay ko lang yung oras na siguro makayanan ko na."

Hindi raw niya tinutuldukan ang posibilidad na magkaayos sila sa tamang panahon.

Saad ni Barbie, "Kaya ayaw ko rin magsalita ng masama tungkol sa kanya.

"Kasi alam ko po na someday magiging OK, and ayoko na maalala niya na pag naging OK kami na, 'Hindi ko alam kung totoo itong ano ni Barbie kasi dati ganito siya magsalita sa akin.'"

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Imperial on failed romance with JM de Guzman: "So, kaming dalawa po, dalawang tao na wasak, tina-try namin parehong ayusin yung isa't isa, buuin ang isa't isa. Pero hindi pala puwede yun. Dapat meron at least isang tao na buo."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results