Miss Universe Philippines 2020 victory finally sinks in for Rabiya Mateo

by Arniel C. Serato
Nov 6, 2020
Rabiya Mateo on being Miss Universe Philippines 2020: "It feels really great and honored to be here.”
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram / Miss Universe Philippines on Facebook

Unti-unti na raw nagsi-sink in kay Rabiya Mateo na siya ang nanalong Miss Universe Philippines 2020.

Ayon sa 23-year-old beauty queen mula sa Iloilo City, dahil sa dami ng mga trabaho at responsibilidad na nakaatang sa kanya, na-realize niyang siya na nga ang nanalo.

“Yes, the more that I get busy, the more that I realize na, ‘Yes, now I have duty and responsibility for my community.’

“And it feels really great and honored to be here,” pahayag ni Rabiya sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News reporter na si Dyan Castillejo na in-upload sa Facebook noong Martes, November 3.

Itinanghal si Rabiya bilang Miss Universe Philippines 2020 sa pre-taped grand coronation na ginanap sa Baguio City noong October 23.

Nabahiran ng alingasngas ang pageant nang hindi siputin ni Miss Quezon City at 2nd runner-up Michele Gumabao ang media presentation ng winners ilang minuto matapos ang pag-ere ng pageant.

Nasundan pa ito nang mag-post sa kanyang Instagram Stories si Miss Taguig City Sandra Lemonon tungkol sa diumano’y "cheating."

Continue reading below ↓

Pero nanindigan ang Miss Universe Philippines Organization (MUPO) na walang basehan ang mga nasabing alegasyon.

BIRTHDAY WISH GRANTED

Malapit na ring magdiwang ng kanyang ika-24 kaarawan si Rabiya.

Ayon sa kanya, natupad na ang isa sa kanyang mga hiling sa buhay para sa kanyang nalalapit na birthday.

Sabi pa ng cum laude gradute mula sa Iloilo Doctor’s College, “My 24th birthday, two weeks from now, its gonna be on November 14.

“And this crown is the best birthday gift that I can give to myself.

“Thank you so much Miss Universe Philippines Organization for choosing me as your queen for this year.”

Continue reading below ↓

Pagdating naman sa kanyang love life, masaya na si Rabiya sa piling ng kanyang nobyong nurse na si Neil Salvacion.

Anim na taon na ang kanilang relasyon na nagsimula pa noong college days nila.

Nanindigan naman ang bagong tanghal na Miss Universe Philippines na solid ang kanilang samahan ni Neil, at nangakong walang magbabago sa kanyang pakikitungo rito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo on being Miss Universe Philippines 2020: "It feels really great and honored to be here.”
PHOTO/S: Courtesy: @rabiyamateo on Instagram / Miss Universe Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results