John Lloyd Cruz's “simple life" in Palawan given thumbs up by netizens

by Bernie V. Franco
Nov 7, 2020
The recent photos of John Lloyd Cruz on his Facebook fan page capture his "simple life" in Palawan, and earn praise from netizens.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz on Facebook

Larawan ng kasiyahan si John Lloyd Cruz na ngayon ay namumuhay nang simple sa Palawan.

Malayo sa gulo ng showbiz, makikita sa mukha ni John Lloyd ang pagiging kuntento nito sa kanyang buhay.

Malayo sa kislap ng camera, makikitang hindi pa rin kumukupas ang kaguwapuhan ng 37-year-old star kahit payak ang kanyang pananamit.

Noong November 5, 2020, ipinost ang mga kuhang larawan ni John Lloyd sa verified account ng kanyang official fan page sa Facebook na may mahigit isang milyong followers.

LLOYDIE IN EL NIDO

Ang mga larawang ipinost ay pasilip sa buhay ng dramatic actor sa isla.

Sa isang larawan, nakasuot si John Lloyd ng puting T-shirt at dark shorts, lulan ng speedboat.

Ang nakasaad sa caption: “Happiness in simplicity. Touring around El Nido.”

Continue reading below ↓

Sa iba pang larawan na in-upload, tila pinagbigyan niya ang mga taong humiling na magpa-picture kasama siya.

Kagaya na lamang sa mga larawang ito na kuha sa isang kiosk ng fish balls, kikiam, at kwek-kwek.

Bukod sa ngumiti sa camera si John Lloyd, makikitang kumain ito ng street food.

Continue reading below ↓

Ito naman ay stolen shot ng aktor habang nakaupo sa isang carinderia at nakatingin sa malayo.

Noong Setyembre, ikinuwento ng isang residente sa Palawan ang pagsalubong nila kay John Lloyd—sampu ng mga kasamahan nito—nang lumapag ang aktor sa Puerto Princesa.

Galing sa Maynila ang aktor at humingi ito ng tulong mula sa mga residente ng Palawan para matiyak na masunod niya ang safety protocols.

Continue reading below ↓

Inilarawan ng residente ang aktor na mabait at appreciative sa ginawang pag-asikaso sa kanya ng mga tagaroon.

Pumunta si John Lloyd sa Palawan para tignan ang ipinapagawa niyang bahay sa El Nido, kung saan may itinatayo rin siyang negosyo.

NETIZENS PRAISE JOHN LLOYD

Samantala, puring-puri ng mga netizens si John Lloyd.

Masaya raw silang makitang kuntento ito sa kanyang "simple life."

Narito ang kanilang mga comments.

Continue reading below ↓

Tatlong taon na ang nakalilipas nang ianunsiyo ni John Lloyd Cruz ang "indefinite leave" nito sa showbiz.

Simula October 2017, nag-relocate siya sa Cebu, nag-focus sa kanyang personal na buhay, at nagkaroon ng anak kasama ang dating live-in partner na si Ellen Adarna.

Noong August 2019 nagsimulang kumalat ang mga balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Ellen.

Sa ngayon, co-parenting ang estado nina John Lloyd at Ellen sa two-year-old son nilang si Elias Modesto.

Nakatakda sanang gumawa ng pelikula si John Lloyd, ayon sa kanyang kaibigang director na si Cathy Garcia-Molina.

Sa isang online interview noong October 22, ibinahagi ng director na early this year ay maraming beses silang nagkita ni John Lloyd.

Pinag-usapan daw nila ang kanyang comeback movie, na magsisilbi rin sanang reunion movie nila ni Bea Alonzo.

“Sabi ko nga sa kanya nung nagkita kami bago magpandemya…

“Nagkita pa kami sa UP, kumain pa kami nila Carmi,” na ang tinutukoy ay si Carmi Raymundo, isang producer at screenwriter ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

“Kasi nga inayos namin itong kuwento. ‘Tapos nag-meeting na rin kami online."

Subalit inabot daw sila ng pandemya at nawalan ng katiyakan kung kailan nila itutuloy ang movie project.

Lahad ng blockbuster director, “Until medyo tumatagal po kami, kasi siyempre, hindi namin matantiya yung ano, e, yung pandemya.

“’Tapos may creative process pa po iyan. Inabutan nang hindi available si Lloydie [nickname ni John Lloyd].

“So, may mga prior commitments na siya. So, na-put on hold.”

Tinatayang interesado pa ring magbalik-pelikula si John Lloyd dahil na rin sa kelangan niyang pondohan ang itinatayong bahay sa Palawan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The recent photos of John Lloyd Cruz on his Facebook fan page capture his "simple life" in Palawan, and earn praise from netizens.
PHOTO/S: John Lloyd Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results