PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin "body-shamed" in DepEd module in Occidental Mindoro

Author of module describes Angel Locsin as "obese."
by Arniel C. Serato
Published Nov 13, 2020
Netizens criticize a teacher from Occidental Mindoro for using Angel Locsin's name and describing her as "obese" in a DepEd module he authored.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook

Nag-deactivate ng kanyang Facebook account ang isang guro mula sa Abra de Ilog National High School, Occidental Mindoro.

Ito ay matapos niyang makatanggap ng batikos mula sa netizens dahil sa pagkutya nito sa pangangatawan ng aktres na si Angel Locsin sa learning module na siya ang may-akda.

Bandang 2:30 ngayong Biyernes ng hapon, November 13, hindi na ma-aacess ang account ng gurong si Keith Richard Firme matapos mag-viral ang pitak ng nasabing module kaninang umaga.

Sa isang bahagi ng module ay ito ang nakasulat:

“SITUATION. Angel Locsin is an obese person.

"She, together with Coco Martin, eats fatty and sweet food in MANG INASAL fast food restaurant most of the time.

"In her house, she always watching television and does not have any physical activities.

"QUESTIONS: (5 pts each)

"1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle?

"2. How do lifestyle affects the health of an individual?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang module ay para sa Schools Division of Occidental Mindoro at inihanda umano ni Firme.

Makikita sa dulo ang pangalan ng guro na may kasamang pirma niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinagalit ng maraming netizens ang malinaw na pagggamit ng pangalan ni Angel at pambabastos ng guro sa aktres.

Wala pang reaksiyon ang Department of Education (DepEd) ukol dito.

ANGEL’S WEIGHT IS NOT AN ISSUE

Dalawang beses nang nag-viral si Angel nitong mga nakaraang buwan dahil sa kanyang timbang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una rito ay nang makunan siya ng netizen ng mga larawan sa Mauban, Quezon noong June. Ayon sa mga nakakita ng mga larawan ng aktres, malaki raw ang nadagdag sa timbang nito.

Ikalawa ay sa Quezon City naman habang nagti-taping si Angel para sa kanyang programang Iba ‘Yan nitong Oktubre.

Hindi na nag-react si Angel ukol sa mga batikos sa kanya ng netizens.

Pero ibinahagi ng Facebook page administrator niya ang lumang quote ni Angel tungkol sa mga puna sa timbang ng aktres.

Sagot ni Angel kay Boy Abunda sa defunct show na Tonight With Boy Abunda noong January 29, 2019: “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo.

“Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao.

"Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema.

"Bakit ikaw ang dami mong isyu?

"Ako nga, walang isyu, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eh, ikaw, okay ka ba?”

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens criticize a teacher from Occidental Mindoro for using Angel Locsin's name and describing her as "obese" in a DepEd module he authored.
PHOTO/S: Courtesy: Angel Locsin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results