Jake Cuenca says he is “both” Kapatid and Kapamilya; encourages fans to “protest” for ABS-CBN “next time”

by Jet Hitosis
Nov 24, 2020
Jake Cuenca
After being a Kapamilya talent for 14 years, actor Jake Cuenca is now headlining TV5's newest series Ate Ng Ate Ko.
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram

Para kay Jake Cuenca, siya ay isang Kapatid at Kapamilya.

Kapatid ang tawag sa mga talents at loyal viewers ng TV5, habang Kapamilya naman ang sa ABS-CBN.

Si Jake, 32, ay isang ABS-CBN talent simula 2006.

Huli siyang nagbida sa Kapamilya teleseryeng Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos noong 2018.

Ngayong taon, nagkaroon pa si Jake ng special participation sa seryeng Walang Hanggang Paalam ng ABS-CBN.

Pero simula nitong Lunes, November 23, napapanood na si Jake bilang isa sa mga bida sa seryeng Ate Ng Ate Ko sa TV5.

Kaya naman isang Instagram follower ng aktor ang nagtanong sa kanya kung nananatili pa rin ba siyang Kapamilya.

Para mausisa si Jake, nagkomento ang netizen sa isang Instagram post ng aktor nitong November 17.

Tampok sa post ni Jake ang bulldog niyang si Nugget.

“KAPATID NA… O KAPAMILYA PA RIN?”

Diretsahang tanong ng netizen kay Jake (published as is): “Kapatid na po ba kayo o kapamilya artist parin [crying face emoji]."

Continue reading below ↓

One-word na “both” at isang thumbs up emoji ang sagot ni Jake sa netizen, na mahihinuhang isang loyal Kapamilya viewer.

Sinimulan ng netizen sa isang crying face emoji ang reply niya kay Jake.

Humingi ng paumanhin at nagpasintabi kay Jake ang netizen, pero naging honest ito sa pagsasabing “loyal artist lang support ng marami sa amin.”

Malinaw na ipinahiwatig ng netizen na hindi niya panonoorin ang bagong serye ni Jake sa TV5.

Gustong sabihin ng netizen na tanging celebrities na nananatili pa rin sa ABS-CBN ang susuportahan ng mga tulad nilang Kapamilya viewers.

“Waitsung nalang sa project nyo sa kapamilya kase we all know better days are coming,” sabi pa ng netizen sa aktor.

Naging sport naman si Jake sa “okay” reply niya sa netizen, kalakip ang isang smiling face with smiling eyes emoji.

May pahabol pang komento si Jake sa netizen: “cool next time come out and protest with us [smiling face with smiling eyes emoji].”

Continue reading below ↓

STREET PROTESTS FOR ABS-CBN

Ang tinutukoy ni Jake ay noong makibahagi siya, kasama ang girlfriend na si Kylie Verzosa at iba pang Kapamilya artists, sa kilos-protesta at noise barrage sa labas ng ABS-CBN Compound sa Quezon City noong July.

Ipinost pa ni Jake sa Instagram ang mga litrato niya habang nakikiprotesta sa labas ng network noong July 18.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nang mga panahong iyon, gabi-gabing may anti-shutdown protest sa labas ng ABS-CBN kasunod ng pagbasura ng Kamara sa franchise renewal application ng network noong July 10.

Iginigiit noon ng mga Kapamilya artists, ABS-CBN employees, at fans na bigyan ng prangkisa at ibalik sa ere ang network.

Gayunman, tuluyan nang nagtigil-operasyon ang ABS-CBN; isinara ang iba pang channels, units, at regional stations, kasabay ng retrenchment sa libu-libong empleyado.

Kasunod nito, maraming Kapamilya talents ang nagsilipatan na sa ibang network.

Karamihan sa kanila ay napapanood na ngayon sa TV5, tulad ni Jake.

JAKE ENCOURAGES FAN TO JOIN “NEXT RALLY”

Sa isa pang post ni Jake nitong November 17, ibinahagi ng aktor ang litrato niya kasama ang cast ng Ate Ng Ate Ko na sina Joem Bascon, Kris Bernal, at Isabelle de Leon.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nagkomento sa post na ito ni Jake: “Lam paki Basta Abscbn Lang kami.”

Hindi minasama ni Jake ang comment ng netizen.

Sinabihan pa nga niya ng "good" ang pagpapahayag ng netizen ng loyalty sa ABS-CBN.

Gaya sa naunang nagkomento, hinimok din ni Jake ang netizen na ito na makiisa sakaling magkaroon uli ng kilos-protesta para sa ABS-CBN.

Reply ni Jake: “dope that’s good next rally or protest come with alright? [smiling face with smiling eyes emoji]”

"Sure why not" ang sagot ng netizen sa suggestion ni Jake. “Happy pill” daw kasi ng netizen ang “Kapamilya Channel.”

May heart emoji ang huling reply ni Jake sa netizen: “see you there.”

Continue reading below ↓

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After being a Kapamilya talent for 14 years, actor Jake Cuenca is now headlining TV5's newest series Ate Ng Ate Ko.
PHOTO/S: @juancarloscuenca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results