Bettina Carlos, Mikki Eduardo are now married

by Rachelle Siazon
Dec 2, 2020
Actress Bettina Carlos and her non-showbiz fiancé Mikki Eduardo tie the knot Tuesday morning, December 2, 2020. The couple got engaged in October.
PHOTO/S: @alisonbrandon_ Instagram

Ikinasal na ang aktres na si Bettina Carlos sa non-showbiz fiancé niyang si Mikki Eduardo nitong umaga ng Miyerkules, December 2.

Ginanap ang kanilang intimate Christian wedding ceremony sa isang garden na may magandang view ng Taal Lake.

Inanunsiyo ni Bettina ang kanyang wedding day sa pamamagitan ng Instagram post kunsan makikita ang bridal bouquet nito.

"This is THE DAY that the Lord has made!" simpleng caption ni Bettina.

Ginamit din niya ang hashtag na "#KasalangBeKki2020" at "#BeKki" na kombinasyon ng pangalang Bettina at Mikki.

Continue reading below ↓

Ang kapatid ni Bettina na si Alison Brandon Carlos ang nagbahagi ng updates sa kasal nina Bettina at Mikki.

Ang ama ni Bettina ang naghatid sa kanya sa makeshift altar. Naroon din ang ina ni Bettina at anak ng aktres na si Gummy.


Sa dulo ng ceremony, sabi ng pastor na nagkasal kina Bettina at Mikki: "Ladies and gentlemen, its my honor to present to you Mr. and Mrs. Mikki Eduardo. You may kiss as long as you want."

Continue reading below ↓

Makikitang excited at todo ang ngiti ng newlywed couple para sa kanilang first kiss as husband and wife.

Humirit pa ng isang kiss sina Bettina at Mikki kaya tinukso sila ng pastor.

Pagkatapos ay dumiresto ang couple at guests sa cabin na nasa tabi ng garden.

Sinayaw nina Bettina at Mikki ang "You Make Me Feel Brand New" ng The Stylistics para sa kanilang wedding dance.

Tanging mga malapit na kapamilya at kaibigan ang invited sa wedding ng couple.


Continue reading below ↓

BETTINA AND MIKKI'S RELATIONSHIP

Noon lamang August 17 isinapubliko ni Bettina ang tungkol sa relasyon nila ni Mikki.

Pagkalipas ng dalawang buwan, noong October 7, naiulat naman ang romantic proposal ni Mikki kay Bettina.

Bukas si Bettina sa kanyang kasiyahang makatagpo ng lalaking itinuturing niyang "answered prayer."

Nakita raw kasi ni Bettina kay Mikki ang lahat ng mga katangiang nais niya sa isang lifetime partner.

Partikular na rito ay ang pagiging malapit ni Mikki sa Diyos, at magandang relasyon ng binata sa anak ni Bettina na si Gummy.

VOTE OF APPROVAL FROM THEIR FAMILIES

Suportado rin ng kani-kanilang pamilya ang relasyon ng couple.

Nang mag-propose si Mikki kay Bettina ay naroon ang mga magulang ng aktres pati na ang ina ng binata.

Mainit ang pagtanggap ng pamilya ni Mikki kay Bettina.

Base sa ipinakitang vlog ni Bettina, nagbiro pa ang mga magulang ng couple na "no return, no exchange" na raw sa kanilang dalawa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Bettina Carlos and her non-showbiz fiancé Mikki Eduardo tie the knot Tuesday morning, December 2, 2020. The couple got engaged in October.
PHOTO/S: @alisonbrandon_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results