Kinakiligan ng netizens ang mensahe ni Neil Arce para sa kanyang fiancée na si Angel Locsin sa Instagram ngayong araw, December 2.
Nag-post si Angel ng larawan niyang kuha sa shoot ng Christmas Station ID ng ABS-CBN.
Caption ng 35-year-old actress-TV host: “Dahil ikaw ang liwanag at ligaya ng pasko (heart emoji) #IkawAngLiwanagAtLigaya”


Ang titulo ng kanta ng Christmas Station ID ng Kapamilya network ay “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.”
Kaagad nagkomento si Neil dito.
Sabi nito sa kasintahan: “Ikaw ang liwanag at ligaya ng pasko ko (winking face, face throwing a kiss, face with tears of joy emojis)”
Sinagot naman siya ni Angel.
Sabi ng Iba ‘Yan host: “oh wow (face with tears of joy emoji) yan tayo ehhhhh (hugging face emoji)”

Bumuhos naman ang kilig messages mula sa supporters ng dalawa:




POSTPONED WEDDING
Dapat noong November 8, 2020 gaganapin ang kasal nina Angel at Neil.
Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagdesisyon silang iurong ang kanilang kasal sa unang bahagi ng 2021.
Sabi ni Neil sa isang panayam nitong nakaraang Setyembre, “It's going to be moved to early next year. But, of course, it depends on the situation with the pandemic.”
Sa kanyang Instagram noong November 8, nagbahagi rin si Angel ng kanyang saloobin ukol sa na-postpone na kasalan.
Aniya, “So, we were supposed to get married today Nov 8, 2020. how about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months.”

June 2019 na-engage ang magkasintahan.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
