May bagong titulo ang Top 5 winners ng Miss Universe Philippines (MUP) 2020.
Sa Facebook page ng Miss Universe Philippines Organization (MUPO) ngayong Biyernes ng gabi, December 4, inanunsiyo ang bagong roles nina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, first runner-up Ysabella Ismael, second runner-up Michele Gumabao, third runner-up Pauline Amelinckx, at fourth runner-up Billie Hakenson.
Magiging ambassadress na rin sila sa iba’t ibang kawangagawa.
Ayon pa sa announcement: “The Miss Universe Philippines Organization is excited and proud to announce our queens’ official titles.
“This group of intelligent and empowered ladies is more than ready to make an impact on causes and programs close to their hearts.
“The reign of phenomenal women has begun! #MissUniversePhilippines #PhenomenalWomen #MissUniversePhilippines2020”
THE NEW ROLES OF THE FIVE QUEENS
Si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang napiling Ambassador for Education.
Si Rabiya ay dating coordinator at lecturer sa isang review center sa Iloilo City bago siya sumabak sa beauty pageants.
May mga tinuturuan din siyang mga bata doon na nakatira malapit sa isang dumpsite.

Si Ysabella ang magsisilbing Ambassador for Arts and Culture.
Si Yabella ay pamangkin ni Miss Universe 1973 Margie Moran.

Si Michele ang naatasang maging Ambassador for Health and Fitness.
Kilala si Michele sa larangan ng volleyball.

Si Pauline naman ang magiging Ambassador for Tourism.
Siya ay tubong Bohol, na kilalang tourist destination sa bansa.

Samantala, Ambassador for Gender Equality naman si Billie.
Naging maingay ang pangalan ni Billie bago pa man ang grand coronation ng pageant matapos niyang amining siya ay isang bisexual.

Nauna nang inanunsiyo ng MUP pageant director na si Jonas Gaffud na magkakaroon ng bagong titulo ang Top 5 winners.

Ang akala ng marami, bibigyan ang apat na runners-up ng mga title para sa sasalihan nilang international beauty pageants.
Pero ang pagiging ambassador pala ng iba't ibang causes ang ibinigay sa kanila.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
