Dennis Padilla in tears over "wall" that puts a distance between him and daughter Julia Barretto

by Rachelle Siazon
Dec 21, 2020
Dennis Padilla Padilla says the last time he had a heart-to-heart talk with daughter Julia Barretto was when they reconciled before her debut in 2015. Dennis recalls, "One of the questions that Julia asked is, 'What happened to you ba and mom? Bakit kayo nagkahiwalay?'"
PHOTO/S: PEP Exclusives / @dennisastig Instagram

Hindi napigilan ni Dennis Padilla ang mapaluha dahil sa kawalan ng sapat na komunikasyon sa pagitan nila ng anak na si Julia Barretto.

Pakiramdam daw ni Dennis ay may balakid na pader sa tuwing nanaisin niyang magkaroon sila ng masinsinang pag-uusap.

Si Dennis ay 58 taong gulang, at ang anak niyang si Julia ay 23.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inamin ni Dennis na "madalang" at "bitin" ang mga pagkakataong nakikita niya si Julia pati na rin sina Claudia at Leon.

Sina Julia, Claudia, at Leon ay mga anak ni Dennis sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

Kadalasan ay isa o dalawang beses sa isang taon lamang daw sila nagkikita-kita—kung hindi bago mag-Pasko ay kapag birthday ni Julia o kaya ni Leon.

Tandang-tanda ni Dennis na bandang December 20 o December 21 noong 2019 nang huling makasama niya ang mga anak para sa isang early Christmas dinner.

Continue reading below ↓

Kasama rin daw nila noon ang 29-year-old son ni Dennis sa una nitong asawa at eight-year-old son sa current partner ng aktor.

THE ACCIDENTAL MEETING WITH JULIA

Hanggang sa nitong December 6, 2020, aksidenteng nagkita sina Dennis at Julia sa gitna ng kani-kanilang work commitment.

Nasa Viva Entertainment office daw si Dennis sa Scout Madrinan, Quezon City para sa VTR shoot ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Pakboys: Takusa.

Kasama raw ni Dennis ang co-star na si Janno Gibbs nang biglang malaman niyang nasa katapat na property ang anak na si Julia.

Napag-alaman ni Dennis na naroon si Julia para sa ginagawa nitong pelikula kasama si Marco Gumabao sa ilalim ng Viva Films.

"We were dressing up, sabi ni Janno sa akin, 'Halika, may surprise ako sa iyo. Basta halika, lumabas ka.'

"Pagdungaw ko sa bintana, pagtingin ko, nandun si Julia. So nakita ako ni Julia, nasa ground floor siya ng bahay. Ako nasa third floor ng building.

Continue reading below ↓

"I was happy to see her kasi the last time I saw her was a year ago."

Ano ang sinabi ni Julia nang magkita silang mag-ama?

Lahad ni Dennis: "Well, the first thing she said nung yayakap na ako, "Ops, you cannot hug me, it's COVID [pandemic].'

"Sabi ko, 'Don't worry, I just finished my swab test an hour ago.'

"Siya nga tinanong ko, 'Bakit ikaw nakapag-swab test ka na?' Sabi niya 'oo,' nag-swab test na rin siya.

"Siyempre yung health protocol namin sa pictorial, kahit sa VTR, basta magkakasama kayo in one room, everybody has to take the antigen swab test. Ganun din sa taping and shooting. Swab test in, swab test going out.

"Siyempre, excited ako makita si Julia..."

Kinuha na rin daw ni Dennis ang pagkakataong iyon para magpakuha ng litrato kasama si Julia.

"So, sabi ko, 'Julia, picture naman tayo.' So, nag-picture kami.

"Tamang-tama may bago akong smartphone, kasi I've been using my old Nokia for one century already."

Continue reading below ↓

Dennis Padilla Julia Barretto 2020

Naglambing din daw siyang i-promote ni Julia ang Pakboys: Takusa, na ginawa naman ng aktres at ipinost pa ni Dennis sa kanyang Instagram noong December 6.

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos ng kanilang sandaling pagkikita, inamin ni Dennis na naging emosyonal at napaluha siya dahil na-miss daw niya ang anak.

Sabi ni Dennis: "Yeah, but I did not show her. Siyempre kilala ako, pangalan ko nga Dennis Astig. So I talk astig, I act astig.

"But when it comes to my children, I'm really weak.

"I cannot show her that kasi tinutukso ako ni Julia, 'O, iiyak ka na naman...'"

Ipinaliwanag ni Dennis na naglambing pa raw siya na sana ay maimbitahan siya ni Julia sa drink-and-spill challenge sa YouTube vlog ng dalaga.

"Sabi ko sa kanya, 'Jul, i-guest mo naman ako sa channel mo, yung parang drinking-drinking something.'

"Sabi niya, 'Bakit?' 'Para ma-promote ko rin Pakboys.'

"Sabi niya, 'Pagkatapos iiyak ka na naman?'

"Hindi na ako nakasagot. Hindi ko na pinush na mag-guest ako sa drinking-drinking vlog niya."

Nakapanayam ng PEP.ph si Dennis para sa PEP Exclusives noong December 12, 2020 at nag-premiere sa PEP.ph Facebook nitong December 20, 2020.

Continue reading below ↓

DENNIS AND JULIA'S EMOTIONAL MEETING FIVE YEARS AGO

Malalim ang hugot ni Dennis dahil limang taon na raw ang nakalipas mula nang magkaroon sila ng heart-to-heart talk ni Julia.

Noong panahong iyon ay kasagsagan ng tampuhan sa pagitan ng mag-ama.

Hulyo ng taong 2014 nang pumutok ang balitang naghain ng petisyon si Julia upang palitan ang kanyang apelyidong Baldivia, ang tunay na apelyido ng ama niyang si Dennis, at gawin itong Barretto, na maiden name ng ina niyang si Marjorie.

Bilang ama, tutol si Dennis na tanggalin ang kanyang surname na Baldivia sa legal documents ni Julia.

Ang kampo naman ni Julia ay nagpaliwanag noong nais lamang nilang itama ang legal status ni Julia kaugnay ng legal matter na may kinalaman sa pagiging null and void ng kasal noon nina Dennis at Marjorie.

Hanggang sa nagtagpo ang mag-amang Dennis at Julia noong February 2015, o ilang linggo bago ang debut ng dalaga noong March 2015.

Continue reading below ↓

Balik-tanaw ni Dennis: "I was given a little chance before her debut.

"Remember she had her debut? It was a question of 'Will the dad be invited sa debut ni Julia?' It was a big thing at that time. That was, what, five years ago.

"So ako naman, pag nadyadyaryo siya, 'I hope I will be invited. Pero kung di naman ako invited because of the issues...'

"Dahil during that time, I was fighting for my family name.

"Kasi, di ba, they were trying to take out my family name?

"During the time na pagtanggal ng Baldivia family name sa mga official documents ng mga bata, they were all under age.

"So, may karapatan pa ako na ipaglaban na apelyido [ko] gamitin, because hindi ko naman sila dinenay na anak ko sila nung pinanganak sila.

"And nung time na yun, we are on good terms pa naman with Marjorie.

"So I was fighting for it, and I felt na it was my right to prevent them from taking out my family name.

Continue reading below ↓

"That was the issue then."

Naalala ni Dennis na ang noo'y Star Magic head na si Mariole Alberto ang naging daan upang magkausap sila ni Julia.

Noong panahong iyon ay bahagi si Dennis ng celebrities na naghahawak ng briefcase sa defunct Kapamilya game show na Deal Or No Deal.

Nasa gitna raw siya ng taping nang biglang nakipag-meeting sa kanya si Mariole.

Lahad pa ni Dennis: "And then, sila Mariole asked me if I can talk to her.

"Diyan sa isang dressing room, tinawag ako ng assistant nila Mr. M, 'Dennis, Ms. Mariole is there. She wants to talk to you.'"

Ang tinukoy ni Dennis na Mr. M ay si Johnny Manahan, ang dating chairman emeritus ng Star Magic.

Patuloy ni Dennis: "So I went to Mariole sa dressing room. Pagpasok ko, Mariole was with Julia in the dressing room.

"Sabi ko, 'Hi, Julia, congratulations! You'll be having your debut.'

Continue reading below ↓

"And then she was holding an invitation card for me, for my partner Linda, and for my mom. Tatlong invitation.

"Sabi niya, 'Pa, I hope you can come to my debut.'

"So I was formally invited, and Mariole was there.'"

Julia Barretto Dennis Padilla 2015

Continue reading below ↓

Nakadalo si Dennis sa debut ni Julia at nagsilbing first dance ng aktres sa kanyang 18 Roses.

Noong Marso 2015 naging bukas si Julia na wala na siyang balak na papalitan ang kanyang apelyidong Baldivia.

October 2015 naman nang iatras ni Dennis ang kanyang kontra-petisyon para pigilang legal na alisin ni Julia ang kanyang apelyido. Sinabi noon ni Dennis na libre na ang anak niya na gamitin kung anuman ang nais nitong surname.

JULIA ASKS DENNIS ABOUT HIS SEPARATION WITH MARJORIE

Sa sandaling pagkikita nilang mag-ama noong February 2015, may punto raw na diretsahang nagtanong si Julia tungkol sa hiwalayan nina Dennis at Marjorie noong 2007.

Noong panahong naghiwalay kasi ang dating mag-asawa ay 10 years old pa lang si Julia.

Kuwento ni Dennis sa PEP.ph: "One of the questions that Julia asked is, 'What happened to you ba and mom? Bakit kayo nagkahiwalay?'

"So for now, with you, I will just give you one reason, because the other reason is quite private and delicate.

Continue reading below ↓

"One of the reasons is I was not providing that well during that time.

"Because my political career at that time as a councilor was already nearly finished."

Si Dennis ay naging three-time councilor ng Caloocan City mula 1997 hanggang 2007.

Patuloy niya: "And during that time, my career was not that blooming.

"Alam mo naman sa pag-aartista, pag umulan, talagang bagyo. Pero kapag nag-drought, pag tagtuyot, talagang tagtuyot.

"E, ganun ang cycle of life ng taga-showbiz.

"That time, talagang aminado ako, I was not able to provide for the needs that they need."

Sa ulat ng PEP Troika noong December 8, unang nabanggit ni Dennis ang tungkol sa mga pagkukulang niya sa mga anak.

Kung natupad daw niya ang kanyang pangarap maging milyonaryo, baka sana ay mas nagkaroon ng pagkakataong makapiling niya ang mga anak noong bata pa ang mga ito.

Noong panahong naghiwalay kasi sila ni Marjorie, naiisip daw ni Dennis na mas mabuting hindi mag-overnight ang mga anak sa kanyang bahay dahil mas kumportable sa tirahan ng mga ito kaysa sa tirahan niya.

Continue reading below ↓

Kung anu't ano man, nagkaayos naman ang mag-ama nang mag-reach out si Julia para imbitahan ang ama sa kanyang debut noon ngang 2015.

Balik sa PEP Exclusives, diin naman ni Dennis, "'Tapos, yun pa lang ang chance na nakapag-usap kami nang heart-to-heart. And that was five years ago. Hindi pa naulit."

Dennis Padilla Julia Barretto 2018

Continue reading below ↓

NO CHANCE TO POUR HIS HEART OUT TO JULIA

Tanong ng PEP.ph: Bakit hindi na naulit ang heart-to-heart talk nila ni Julia?

Sagot ni Dennis: "Sometimes I would try, pero there are circumstances para hindi matuloy.

"Siguro this coming year, we'll be given a chance to talk again. And I need an hour or two to say everything.

"Kasi gusto ko rin yung one whole ng kuwento, maikuwento ko yung side ko.

"Kasi, I'm sure si Marjorie, naikuwento na kay Julia yung one whole ng side niya, e.

"E, yung kuwento ng side ko, parang nasa 20 percent palang during that rare chance when I was invited for the debut."

Bilang ama, nais daw talaga ni Dennis na mapalapit ang loob sa mga anak.

Sa puntong ito ay napaluha si Dennis.

Aniya, "Pero may mga araw na you get tired of reaching out.

"Kumbaga, parang there are times na sumusuko ka. You get tired.

Continue reading below ↓

"And I'm not getting any younger."

Pero dahil likas na komedyante, bahagyang nagpatawa pa rin si Dennis.

Habang nagpunas ng luha, napapangiting sabi niya tungkol sa kanyang pagtanda, "Two years from now, dual citizen na ako—Filipino citizen and senior citizen. So, mabilis na iyon e."

Sabay sumeryoso ulit si Dennis.

Hindi raw niya maintindihan kung bakit tila umiiwas si Julia na mailabas niya ang kanyang tunay na saloobin.

Naiiyak ulit na sabi ni Dennis: "Sometimes I wonder nga what's preventing...

"Kasi, every time nag-uusap kami, sometimes I can feel a wall.

"So parang, do I have to break that wall before I can [pour my heart out]? Para maibuhos ko..."

Sabi pa niya sa proverbial wall na humaharang sa kanila ni Julia, "Meron kasi minsan na ganun, e."

Puno ng emosyon at garalgal ang boses habang tuluy-tuloy na paliwanag ni Dennis:

"Like, nung dun lang sa question na, 'O, baka umiyak ka na naman.'

Continue reading below ↓

"Rather than, 'No, Pa, I know how you feel.' Dapat yun ang tanong, e, hindi yung, 'O, baka umiyak ka na naman.'

"Bakit? Hindi ba valid itong pag-iyak ko? Di ba, mas maganda itanong mo, 'Bakit ka umiiyak?' Kesa sabihin mo, 'O, iiyak ka na naman.'

"E, gusto ko mag-pour out, e. Kasi kung di mo ako pipigil, mapo-pour out ko everything in 20 minutes."

Base sa kuwento ni Dennis, lumalabas na kulang talaga ang komunikasyon sa pagitan nilang mag-ama.

Sana raw ay may magsabi kay Julia na walang problemang hindi naaayos sa maayos na pag-uusap.

Sana raw ay may pagkakataong mag-usap sila ng anak para mas magkaintindihan sila sa mga bagay na mas makapagbubuti sa relasyon nilang mag-ama.

Ani Dennis: "I think the maturity that she got, hindi pa ganoon kabuo.

"Pero kapag ako nakausap niya nang masinsinan, dun niya lang makukuha yun, e.

"Kasi di ko maisasalin nang ganun kadali."

Continue reading below ↓

Sa huli, aminado si Dennis na maaaring may dala-dala rin si Julia na hirap ng loob bilang anak dahil sa kanilang broken family.

Marahil ay tanging panahon na lang ang kusang hihilom sa anumang sugat na dulot ng nakaraan.

Sang-ayon naman ni Dennis, "Baka may ganun siya. Yes, correct. I think so."

Dennis Padilla crying

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Video: Video: Rachelle Siazon / Edit: Rommel Llanes.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla Padilla says the last time he had a heart-to-heart talk with daughter Julia Barretto was when they reconciled before her debut in 2015. Dennis recalls, "One of the questions that Julia asked is, 'What happened to you ba and mom? Bakit kayo nagkahiwalay?'"
PHOTO/S: PEP Exclusives / @dennisastig Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results