Morissette Amon: “I frankly don't think I'm going to lose ANYTHING with my decision to get married”

by Arniel C. Serato
Dec 23, 2020
Morissette Amon Dave Lamar engagement
Morissette Amon on her decision to say yes to Dave Lamar's marriage proposal: "I frankly don't think I'm going to lose ANYTHING with my decision to get married, ESPECIALLY when the man I'm gonna share my life with is the same man who is currently helping me with my music..."
PHOTO/S: Courtesy: @itsmorissette on Instagram

Marespetong sinagot ng singer na si Morissette Amon ang isang niyang tagahanga na nagsabing “Wrong decision” ang pagpapakasal niya sa nobyong si Dave Lamar.

Nitong nakaraang Lunes, December 21, inanunsiyo nina Morissette at Dave na engaged na sila.

Dalawang buwan nang engaged ang celebrity couple nang ianunsiyo nila ito sa publiko. Ipinaalam daw muna kasi nila sa kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ang tungkol dito.

Ngayong Miyerkules, December 23, sa pamamagitan ng Instagram, binati ng mga bumubuo ng ASAP Natin ‘To si Morissette sa kanyang engagement.

Mainstay ang singer sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Sabi ng ASAP Natin ‘To sa kanilang mensahe, “Congratulations on your engagement! We love you @itsmorissette & @davejlamar

Nagpasalamat naman si Morissette sa kanyang ASAP Natin ‘To family.

Sabi niya, “Awww thank you so much, ASAP Fam!!! Miss you all”

Continue reading below ↓

"WRONG DECISION GIRL"

Sa comments section, isang netizen na may handle name na @filipinodadcooks ang nagpahayag ng opinyon tungkol sa engagement ni Morissette.

Sabi nito, mali ang naging desisyon ng singer dahil baka mawalan daw ng ningning ang international career nito.

Ibinigay pang halimbawa ng netizen ang Filipino-American singer na si Jocelyn Enriquez na sumikat sa kantang “Do You Miss Me.”

Komento ng netizen, “@itsmorissette Wrong decision girl.

"This will be the end of your international career. Just like what happened to Jocelyn Enriquez.

“It’s okay to be in love but think about how much you’re going to lose.

“You are at the peak of your career right now. I’m just saying.”

Continue reading below ↓

Sinagot ito ng 24-year-old Kapamilya singer.

Ayon kay Morissette, walang mawawala sa kanya pagkatapos niyang magdesisyong magpakasal kay Dave dahil ito raw ang tumutulong sa kanyang music.

Ani Morissette, “hello po, sir. I don't reply to msgs like this, but I will to you because you're obv judging me too quickly.

“I frankly don't think I'm going to lose ANYTHING with my decision to get married, ESPECIALLY when the man I'm gonna share my life with is the same man who is currently helping me with my music..

“This being said, you outta check out my latest single and music video "Love You Still" also shot by now fiancé.

“And this is just the beginning :) hope your food tastes great. have a happy holidays”

Continue reading below ↓

INTERNATIONAL CAREER

Sumagot ang netizen sa komento ni Morissette.

Hindi raw nito hinuhusgahan ang singer. Sa katunayan, kabilang daw siya sa pulutong ng mga tagahanga nito.

Nanghihinayang lang daw siya sa maaaring mangyari sa karera ni Morissette kung mag-aasawa na ito.

Sa Amerika raw kasi, kapag ang isang sikat na singer ay nag-aasawa o kaya ay nabuntis, nawawalan na raw ito ng karera.

Komento ng netizen, “oh I’m not judging you at all. I’m actually a huge fan of yours. Nanghihinayang lang ako sa mga maaring mangyari.

“I used to be in the industry and in the US....when an artist lalo na pag pasikat pa lang....then they decide to get married or get pregnant....nasisira na ang career.

“Inaayawan na ng mga record label kasi alam nila mababawasan na kita nila dahil maraming fans ang aayaw na.

“It’s a stupid thing but unfortunately, it happens.

“What I said about Jocelyn Enriquez was true. Mismong manager nya nag kwento sa kin.

Continue reading below ↓

“At the peak of her career she decided to get pregnant. Sunod sunod pa naman mga offers sa kanya. She lost all of them. Hirap na sya makabalik.”

Binanggit din ng netizen ang nangyari sa karera ni Charice Pempengco, na ngayon ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Nawalan daw ng saysay ang kasikatan noon ni Charice nang umamin itong isa siyang trans man.

Sabi ng fan ni Morissette, “Same with Charice. When she came out di ba....ano nangyari? Same thing. Like I said earlier.....

“I’m a huge fan and I’m always up to date sa mga new songs mo.

“All I want was for you to make it here....in mainstream US. Malapit na sana.

“Pero syempre buhay mo yan. It’s still your decision. Nagbibigay lang ako ng advice.

“I hope your other fans don’t take this the wrong way.”

Continue reading below ↓

Pinatawad naman siya agad ni Morissette. Hindi raw ito ang kauna-unahang pagkakataong nakatanggap siya ng masasakit na salita lalo na tungkol sa kanyang mga desisyon sa buhay.

Sabi ng Kapamilya singer, “all's forgiven, sir. this isn't the first time I was bashed upon with the decisions I had to make..

“but we are all different people, and as for me I will still go on with pursuing my music because this is what I believe God's purpose is for me, and that can still happen even when I get married or even when I have my own family in the future..”

Ibinigay namang halimbawa ni Morissette ang international singer na si Tori Kelly, na kahit nag-asawa ay hindi naman daw binitawan ng mga tagahanga nito.

Saad ni Morissette, “If we're talking about the international scene, Tori Kelly is an extremely talented artist who's still soaring with her music, and is extremely happy with her own family all at the same time.

Continue reading below ↓

“I acknowledge and appreciate your concern as a supporter, but there's also a lot going on behind the scenes that even my die-hard fans don't know about, but they continue to trust and support me and I am so grateful for them.

“and I'm glad you have your daughter's back, I understand you as a father because my parents were the same and I only wished they trusted me a little more.

“anyways, all's well and good. hope you and your family are good and safe.. Merry Christmas po :)”

Continue reading below ↓

LOVE-HATE RELATIONSHIP

Sumagot muli ang netizen.

Ayon dito, may love-hate relationship din daw siya sa kanyang anak na babae.

Ang palagi naman daw hinahangad ng mga magulang ay ang kabutihan ng kanilang mga anak. Pero kadalasan daw ay siya ang sumusuko sa kanilang desisyon.tin

Malinaw na ang tinutukoy rito ng netizen ay ang napabalitang alitan ni Morissette sa sarili nitong ama.

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot si Morissette.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Morissette Amon on her decision to say yes to Dave Lamar's marriage proposal: "I frankly don't think I'm going to lose ANYTHING with my decision to get married, ESPECIALLY when the man I'm gonna share my life with is the same man who is currently helping me with my music..."
PHOTO/S: Courtesy: @itsmorissette on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results