Dumagsa ang mensahe ng netizens na kinilig kay Pasig City Mayor Vico Sotto nang nagpaabot ito ng Christmas greeting sa kanyang followers sa social media.
Kalakip nito ang latest picture ni Vico kasama ang ama na si Vic Sotto at kapatid na si Tali.
Si Vico ay anak ni Vic sa dating karelasyon na si Coney Reyes, habang si Tali ay anak ni Vic sa asawang si Pauleen Luna.

Hindi kaila na marami ang humahanga sa 31-year-old mayor. Hanggang ngayon ay single ito at wala pang ipinapakilalang may-ari ng kanyang puso.
Sa comments section ng post ni Vico, isang female netizen ang hindi napigilang tawagin ang alkalde sa term of of endearment na "Love."
Tinawag din ng netizen na "Daddy" si Vic bilang pabirong hirit na father-in-law niya ito.
Ang buong mensahe ng netizen: "Merry Christmas Love and kay Daddy!!!"
Sumagot naman si Vico, pero kunwa'y nagmaang-maangan siya sa nais ipahiwatig ng netizen.
Pabirong balik-hirit ni Vico, "Merry Christmas magkapatid po pala tayo??"

May isa pang netizen na tinawag naman si Vico na "Papa."
Greeting ng netizen, "Merry Christmas po, Papa @vicosotto [heart emoji]."
Sagot ni Vico, "Di po kita anak, pero Merry Christmas po!"

VICO SOTTO: "NAKAKALITO MGA COMMENTS"
Maraming followers si Vico na natawa sa kanyang punchlines.
Hindi kaila sa mga masugid na tagasubaybay ni Vico na likas ang pagiging komedyante nito.
Sa hiwalay na Instagram Story ni Vico, ni-repost niya ang screenshot ng netizen na napansin ang kanyang punchlines.
Sabi ni Vico, "MINSAN NAKAKALITO KASI MGA COMMENTS NYO EH."

"SIBLINGZONE" ANG FEMALE NETIZEN
Natatawang pinuna naman ng isang netizen na "sibling-zoned" daw ang female netizen na tinawag na "Love" si Vico.
Para bang ibig sabihin raw ni Vico ay "kapatid" lamang ang tingin nito sa female netizen.
Sabi ng netizen: "Mayor @vicosotto just siblingzone you but congrats girl! Sana all nirereplyan ni Mayor."

Hirit ng isa pang netizen, "funny ni Mayor."

Marami rin ang nagpadala ng laughing emojis at ang iba ay ay nakihirit din ng "SEE YOU LATER LOVE YOU."

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
