JERRY OLEA
Kasama ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang inang si Coney Reyes sa bahay. Nakapag-bonding syempre ang mag-ina dahil natigil ang trabaho ni Coney sa Kapuso teledramang Love Of My Life.
Mula noong magka-community quarantine ay hindi na nakita ni Mayor Vico ang amang si Vic Sotto.
Lubhang naging abala si Vico sa panahon ng pandemya, na kahit birthday niya noong Hunyo 17 ay todo trabaho pa rin siya.
Nitong Disyembre 24, Huwebes ng tanghali, pinuntahan ni Vico ang ama sa bahay nito sa Ayala Alabang.
Nag-lunch ito kasama ang ama, half-sister na si Tali, at stepmother na si Pauleen Luna.
Post ni Mayor Vico sa Facebook:
“First time to see Papa, Pauleen, and Tali after 9 MONTHS! “
For those of you who are able to spend time with your loved ones this Christmas – make the most of it! For those who are unable to do so because of work, quarantine, or other circumstances, let's still find ways to celebrate the spirit of Christmas with one another... kahit virtually lang muna.
“Nawa'y sa gitna ng maraming pagsubok ay maipadama pa rin natin sa isa't isa ang tunay na diwa ng Pasko.
“MERRY CHRISTMAS!”
GORGY RULA
Naalala ko pa noong nakaraang birthday ni Vic Sotto last April, nagkaroon ng virtual celebration sa Eat Bulaga.
Binati si Bossing Vic ng mga anak niya, kabilang si Mayor Vico na hindi raw muna makakapunta sa daddy niya dahil lagi siyang nasa labas at maaaring na-expose siya sa mga may COVID.
Pagkatapos batiin ni Mayor Vico ang kanyang dadd, kinumusta niya agad si Talitha na nami-miss na rin niya.
Ilang lunch at dinner na ring pinagsamahan ni Vic at ng mga anak niya, pero si Mayor Vico lang ang wala.
Kaya naghanda sina Pauleen ng lunch para sa pagdalaw ng Pasig City mayor. Matagal-tagal din daw silang nagkakuwentuhan.
Nakakatuwa raw si Tali, na na-conscious nang makita ang Kuya Mayor niya.
“Conscious na conscious siya hehe. Di siya takot pero parang nahihiya na nagpapa-cute na ewan hahaha!” text sa akin ni Pauleen nang tinanong ko kung ano ang reaksyon ni Tali nang makita si Mayor Vico.
NOEL FERRER
Pasig Mayor Vico Sotto is Man/People of the Year hindi lang ng People Asia at ng Level Up program namin kundi ng maraming mga yearender.
At ang naging natatangi kay Vico ay ang kanyang focused, progressive, at faith-based leadership na hindi calling attention to himself.
Kahit sa "PEP Troika: The Troika Talk" ay nakapila tayo para mai-guest siya dahil hindi pagpapabida ang kanyang pakay kundi tunay na serbisyo-publiko.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
