Iisang bagay lang ang pinakaaabangan ng film producer na si Neil Arce ngayong 2021.
Iyon ay ang makasal siya sa longtime girlfriend niyang si Angel Locsin, 35.
Ramdam ang matinding excitement ni Neil sa wedding nila ni Angel sa kanyang Instagram post nitong Huwebes ng gabi, December 31, ilang oras bago magpalit ang taon.
Ipinost ni Neil ang isang throwback picture nila ni Angel noong magkabarkada pa sila.
Sa vlog ng engaged couple nitong October 16, ikinuwento ni Neil na taong 2010 nang magsimula ang kanilang friendship sa pamamagitan ng kanilang common friends.
Sa caption ng post ni Neil nitong Huwebes ng gabi, ibinunyag niyang “nagsimula sa camping” ang relasyon nila ni Angel.
Hindi raw inakala ni Neil na “sa kasalan pala mauuwi” ang pagkikilala nilang iyon ng aktres.
‘Tsaka idinugtong ni Neil kung ano ang pinakaaabangan niya ngayong bagong taon: “Sa 2021 sakin ka na [face blowing a kiss emoji]”

“SAYO NAMAN AKO… THRU THICK AND THIN!”
Nagkomento si Angel sa post na iyon ng fiancé.
“Sayo naman ako” ang sagot ng Kapamilya actress kay Neil, kalakip ang face with tears of joy at face blowing a kiss emojis.
May red heart emoji ang dulo ng reply ni Neil kay Angel: “fishing lang po.”

Mistulang hindi pa nasiyahan si Angel sa isinagot niya kay Neil dahil muli siyang nagkomento sa post nito.
Birong-totoo ni Angel: “Thru thick and thin! [three face with tears of joy emojis]”
Tatlong rolling in the floor laughing emojis ang naging reply ni Neil sa fiancée.

ANGEL & NEIL POSTPONE NOVEMBER 8, 2020 WEDDING
November 8, 2020 ang original wedding date nina Angel at Neil.
Ito ay base sa Instagram post ng aktres ng araw na iyon, kung saan sinabi niya: “So, we were supposed to get married today, Nov 8, 2020.”

Bago pa man sumapit ang nabanggit na petsa, inanunsiyo na ng engaged couple na ipinagpaliban nila “early next year” ang kanilang kasal dahil sa COVID-19 pandemic.
“It's going to be moved to early next year,” sabi ni Neil sa interview ng Metro.Style noong September 2020.
June 2019 nang sabay na ianunsiyo nina Angel at Neil, sa pamamagitan ng Instagram post, ang kanilang engagement.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.