Makati Police chief denies “torture” allegations of respondents in Christine Dacera case

by Arniel C. Serato
Jan 14, 2021
Christine Dacera Makati Police Chief
Makati Police Chief Col. Harold Depositar on allegations of coercion in Christine Dacera case: “Walang pressure, walang torture, they are treated well. I respected them and they know that.”
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Mariing itinanggi ng Chief of Police ng Makati City PNP ang alegasyong pinilit at tinakot nila ang ilang respondents sa Christine Dacera case.

Ayon kinaJP dela Serna, Rommel Galido, at Valentine Rosales, pinuwersa at tinakot lang silang magturo ukol sa “powder drugs” na diumano’y ginamit ng kanilang grupo sa New Year’s Eve party nila sa City Garden Grand Hotel.

Sinalubong ng grupo nina Dela Serna, Galido, Rosales, Dacera, at iba pang mga kaibigan ang Bagong Taon sa pamamagitan ng isang party sa Rooms 2209 at 2207 ng nasabing hotel noong gabi ng December 31, 2020 hanggang umaga ng January 1, 2021.

Tanghali ng January 1, natagpuang wala nang buhay si Christine sa bathtub ng Room 2209.

Sa mga naunang sworn statements ng ilang respondents, napilitan lamang diumano silang magturo para sa kanilang kalayaan.

Pero ayon kay Makati Police Chief Colonel Harold Depositar, walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanila ng respondents.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Depositar sa panayam ng 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi, January 14, “Walang pressure, walang torture, they are treated well. I respected them and they know that.”

Hindi rin daw totoong walang abugado ang respondents noong ginagawa ng mga ito ang kanilang sinumpaang salaysay.

Patunay raw rito ang lagda ng abugado ni Dela Serna nang gawin ito hanggang sa lagdaan nito ang kanyang salaysay.

Si Atty. Neptali Maroto raw ang kasamang abugado ni Dela Serna noong mga oras na iyon.

Makati PNP Christine Dacera

Continue reading below ↓

PERJURY CASE?

Sinegundahan naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Vicente Danao Jr. ang mga pahayag ni Depositar.

Ipinagtataka raw niya ang alegasyong may pamumuwersa mula sa kampo ng pulisya sa respondents.

Kinuwestiyon din niya ang timing ng pagbawi ng salaysay ng ilang respondents.

Sabi ni Danao sa panayam sa kanya ng Frontline Pilipinas ng TV5 ngayong gabi din, "Bakit ngayon biglang nagkaroon ng bugbugan? Hindi natin alam for whatever reason na sila lang ang nakakaalam.

"Pero as far as the Makati City Police station is concerned, information coming from the chief of police himself, there's no such thing as bugbugan, coercion."

Posible raw na magsampa sila ng reklamong perjury laban sa mga nag-akusa sa pulisya.

NCRPO Christine Dacera

Continue reading below ↓

ALLEGED ILLEGAL DRUG USE

Unang lumutang ang diumano'y anggulo sa droga nang nagkuwento si Galido ukol sa sinabi raw sa kanya ni Dacera noong gabi ng party.

Sabi niya sa media noong January 7, “Noong gabing ‘yon, tumabi siya [Dacera] sa akin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something na parang naiiba yung pakiramdam ko. I think merong naglagay, parang I think, ha,’ may naglagay sa drink niya, sabi niya sa akin.

"Then, sabi ko 'Who?' Then, sabi niya sa akin, ‘I think Mark.’

"Ang sabi ko lang sa kanya, G-A-G-A. Kung ano-ano ang pinag-iisip mo."

Gayundin sa sinumpaang salaysay ni Dela Serna na kumalat sa social media.

Bahagi sa sworn statement nito: “Bandang 1:00 A.M. ng January 1, 2021 ay may ipinakita si MARK ANTHONY ROSALES habang kami ay nag-iinuman na may dinukot siya sa kanyang medyas at ipinakita sa amin ang isang powder drugs na nakabalot sa plastic at inaya po niya akong gumamit nito ngunit hindi ako pumayag.

Continue reading below ↓

"At pagkaraan ay nakita kong lango na sina LOUIE [De Lima, person of interest din] at MARK dahil sa ginamit nila na powder drugs na dala ni MARK.”

Pero itinanggi ito ng kanilang abugado na si Atty. Abby Portugal kahapon, January 13, sa isinagawang preliminary investigation sa kaso ni Dacera.

Sa panayam nila kay Boy Abunda kagabi, sinabi ni Dela Serna na dahil sa takot na dinanas nila sa kulungan kaya napilitan siyang "kumagat" sa diumano'y susog sa kanyang magbigay ng maaaring maging lead ng pulisya.

Ito raw ang dahilan kaya binanggit niya ang pangalan ni Mark.

"Kasi that night na in-interrogate ako, wala akong tulog, wala akong maayos na kain. At the same time, may sinabi sila na I can be a state witness, magbigay lang ako ng pangalan.

"Sabi pa nila, pwedeng hindi ako masampahan ng kaso. That night, naisip ko si Mark lang bago sa grupo so siya naituro ko.

Continue reading below ↓

"Sa sobrang takot ko sa nangyari sa akin sa loob ng kulungan, nakita ko sarili ko nakaposas, yun na po nasabi."

Sa parehong panayam, inamin ni Galido na na nag-imbento na lang daw siya ng istorya para pakawalan na siya sa pulisya.

"First of all, nung tinanong ako nung pulis, interrorgation, naramdaman ko nung time na yun pagod, gutom, anxiety, worried, walang nag-a-advice, walang kasama.

"Ang nararamdaman ng katawan ko, gusto ko na lang bumigay."

Inulit ni Galido na piniga raw sila ng pulis na magbigay ng pangalang idadawit sa insidenteng pagkamatay ni Dacera.

"We have to name someone na involved sa drugs. Dapat may gumamit ng drugs or may nagdala ng drugs for my release, for my freedom.

"Nung time na yun, nararamdaman ko, a glimpse of hope na kakapitan, kakapitan ko. Kasi ayoko na talaga. Pagod na pagod na ako."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makati Police Chief Col. Harold Depositar on allegations of coercion in Christine Dacera case: “Walang pressure, walang torture, they are treated well. I respected them and they know that.”
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results