Netizens ask: is she Clint Bondad's new girlfriend?

by Rachelle Siazon
Feb 2, 2021
Netizens react to former Kapuso actor Clint Bondad revealing the face of a foreigner girl who's the only person that he's following on Instagram.
PHOTO/S: @clinbondad Instagram

Nakatagpo na ba ng bagong pag-ibig si Clint Bondad?

Ito ang tanong ng netizens matapos niyang mag-post sa Instagram ng litrato ng isang foreigner girl na may Instagram handle na @mia.mie7.

Lunes, February 1, nang unang ipinakita ni Clint ang litrato nila ni Mia na kuha sa isang vacant parking lot.

Todo-ngiti si Clint habang naka-wacky pose naman ang babae sa litrato.

Ang tanging caption ni Clint ay laughing, wacky, at water droplet emojis na nagpapahiwatig ng kulitan nila ni Mia.

Naka-tag ang babae sa litrato ni Clint.

Continue reading below ↓

Sinundan ito ni Clint ng isa pang Instagram post na solo picture ni Mia ngayong Martes, February 2.

Wala namang sinabi si Clint kung saan kuha ang litrato.

NETIZENS' REACTIONS

Nakaagaw ito ng pansin sa Instagram followers ni Clint dahil tanging si Mia lamang ang pina-follow niya sa Instagram.

Si Clint ay dating Kapuso actor na napanood sa Love You Two, ang defunct GMA primetime series na bida sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Continue reading below ↓

Kilala rin siya bilang model at dating ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa comments section, may mga nagtanong kung girlfriend ba ni Clint ang kasama niyang si Mia.

instagram comment: netizen asks if mia is clint's new girlfriend

instagram comment: netizen speculations on clint and mia

Continue reading below ↓

Natuwa rin ang ibang followers ni Clint na makitang tila masaya raw ang binata ngayon.

Matagal na raw nilang napansin na si Mia ang kaisa-isang pina-follow ni Clint sa Instagram at sa wakas ay ipinakita na raw ng model-actor ang mukha nito.

Naka-private kasi ang Instagram account ni Mia kaya marahil misteryo sa netizens kung sino ito.

instagram comment: netizens brand mia as the mysterious girl

Continue reading below ↓

instagram comment: netizens react on clint and mia relationship

Kapansin-pansin ding clean cut ang hairstyle ngayon ni Clint kumpara sa previous Instagram posts nito kunsaan makikitang nagpahaba ito ng buhok, bigote, at balbas.

Sa lahat ng commenters, dalawa lamang ang sinagot ni Clint at tilala kilala niya ang mga ito.

Tanong ng isang commenter, "Sup bro? Back to normal huh?"

Continue reading below ↓

Kalakip ng iba-ibang emojis, sagot ni Clint, "has to be bro hahaha."

instagram comment: clint bondad replies to netizen

May nag-comment din ng "Welcome back."

Sumagot uli si Clint ng shaka emojis, isang friendly hand gesture na ang ibig sabihin ay "hang loose, right on, or take it easy."

instagram comment: netizen welcomes clint bondad back

Continue reading below ↓

clint's friendship with thai billionaire

Noong July 2020, nag-trend si Clint sa social media dahil sa kanyang cryptic Instagram posts.

Kasabay niyon ay ang pahayag ng suporta kay Clint ng nagpakilalang malapit niyang kaibigan na si Jakkaphong "Anne" Jakrajutatip.

Si Anne ay isang transwoman billionaire na may-ari ng isang global content provider at channel operator company, na nagdadala ng ilang teleserye ng ABS-CBN at GMA Network sa Thailand.

Minsang naugnay si Clint kay Anne, pero makailang-beses na pinabulaanan ni Anne ang isyung iyon.

Noong July 2020, sinabi ni Anne na siyam na buwan na noong naninirahan si Clint sa isa sa mga bahay niya sa Thailand mula nang matapos ang kontrata ng part-time model-actor sa GMA-7 at umalis ng bansa.

Parang kapatid daw ang turing ni Anne kay Clint at suportado niya ang career nito.

WHERE IS CLINT BONDAD?

Base sa recent Instagram post ni Anne, patuloy ang maganda nilang samahan ni Clint.

Continue reading below ↓

Noong January 30, 2021, ibinahagi ni Anne ang photo niya kasama si Clint at isang babae sa isang temple sa Bangkok, Thailand.

Noon namang January 22 ay kasama ni Clint ang kapatid na si Kirk Bondad sa isang studio ng isang TV network sa Thailand.

Base ito sa Instagram post ni Kirk kunsaan may group picture sila nina Anne at Clint.

Continue reading below ↓

Sa litratong iyon ay mahaba pa ang buhok at balbas ni Clint.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens react to former Kapuso actor Clint Bondad revealing the face of a foreigner girl who's the only person that he's following on Instagram.
PHOTO/S: @clinbondad Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results