Ryza Cenon to bashers calling her voice “OA, pa-cute”: “Di ako mag-a-adjust sa inyo!”

by Jet Hitosis
Feb 4, 2021
Ryza Cenon bashers
On February 4, 2021, Ryza Cenon posts on Instagram a selfie that shows “REACTION KO KAPAG MAY ISSUE SILA SA BOSES KO!"
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram

“DI AKO MAG AADJUST SA INYO!”

Ito ang sagot ni Ryza Cenon sa mga netizens na pumupuna sa pagbabago umano ng kanyang boses.

Nakatanggap kasi ng pamba-bash ang 33-year-old actress nang imbitahan niya ang kanyang 1.3 million Instagram followers na mag-subscribe sa YouTube channel niya.

Sa post ni Ryza nitong Martes, February 2, gamit niya ang cute na cute na picture ng baby boy niyang si Night.

Sa caption, naka-tag ang link sa YouTube channel ni Ryza, na sa kasalukuyan ay mayroong 274,000 subscribers.

Sabi kunwari ni Night (published as is): “Ahhh guys nood naman po kayo ng vlog namin ni mommy. [smiley]”

Continue reading below ↓

Isang babaeng netizen ang nag-comment ng “no!” sa post na iyon ni Ryza.

Hindi raw niya panonoorin ang vlog ni Ryza dahil “OA” at sobrang “pa-cute” na raw ngayon kung magsalita ang aktres.

Pansin ng netizen, hindi naman daw ganoon dati kung magsalita si Ryza.

Nagbago lang daw ang paraan ng pagsasalita nito simula nang isilang si Night.

Maikling “di ka pinipilit” ang reply ni Ryza sa netizen.

Hindi na nagawang magkomento uli ng netizen dahil kinuyog na siya ng fans ni Ryza na dumepensa para sa aktres.

RYZA cenon ADDRESSES BASHERS

Makalipas ang ilang oras, binura na ni Ryza ang comment na iyon ng netizen, kasama ang humaba nang thread na nalikha niyon.

Gayunman, makikita sa comments section ng post na iyon ni Ryza na may mangilan-ngilan pa ring fans ng aktres ang nagtatanggol sa kanya at umaaway sa netizen.

facebook comment: netizens defend ryza cenon from bashers

Continue reading below ↓

facebook comment: netizens defend ryza cenon from bashers

facebook comment: netizens defend ryza cenon from bashers

Continue reading below ↓

facebook comment: netizens defend ryza cenon from bashers

facebook comment: netizens defend ryza cenon from bashers

Continue reading below ↓

Mayroon ding sumang-ayon sa puna ng netizen na “naiba” raw ang pagsasalita ni Ryza.

facebook comment: some netizens agree with the basher calling ryza cenon voice oa

Habang isa naman ang nag-akusang “dinadamay na sa vlog” ng aktres ang kanyang newborn son “Kasi Wala ng career.”

some netizens agree with the basher calling ryza cenon voice oa

Continue reading below ↓

Miyerkules ng gabi, nag-post si Ryza sa Instagram Story ng sagot niya sa natanggap na pamba-bash.

Ipinost niya ang isang selfie habang karga ang anak na si Night—pero kapansin-pansin ang talim ng pagkakairap ni Ryza.

All capital letters ang caption ng aktres: “REACTION KO KAPAG MAY ISSUE SILA SA BOSES KO!

“KUNG AYAW NYO DI WAG

“DI AKO MAG AADJUST PARA SA INYO!”

ryza cenon instagram story: reaction to bashers

Continue reading below ↓

October 31, 2020 nang isilang ni Ryza si Night, ang firstborn nila ng boyfriend niyang si Miguel Antonio Cruz, isang freelance cinematographer.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On February 4, 2021, Ryza Cenon posts on Instagram a selfie that shows “REACTION KO KAPAG MAY ISSUE SILA SA BOSES KO!"
PHOTO/S: @iamryzacenon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results