Jessy Mendiola says Alden Richards is "jojowain" kind of guy; Luis Manzano has good words for Alden

by Rachelle Siazon
Feb 5, 2021
Jessy Mendiola explains why she thinks Alden Richards (right) is boyfriend-material, "Pag nagka-girlfriend siya, kumbaga alam mong safe ka."
PHOTO/S: Jessy Mendiola Youtube / @aldenrichards02 Instagram

Hindi sila personal na magkakilala pero tingin ni Jessy Mendiola, 28, ay boyfriend-material ang Kapuso actor na si Alden Richards, 29.

Ito ang pahayag ni Jessy nang game silang maglaro ng fiancé na si Luis Manzano ng "jojowain o totropahin" challenge sa YouTube vlog ng aktres nitong February 4, Huwebes.

Si Luis, 39, ay longtime Kapamilya TV host-actor.

Si Jessy ay isa ring ABS-CBN star bago ito sandaling napanood sa isang lifestyle show sa TV5 noong last quarter of 2020.

"Hindi naman talaga kami close ni Alden. Siguro totropahin, tapos jojowain. Hahaha!" napangiting pag-amin ni Jessy.

Sabay paliwanag niya, "Kasi, di ba, siya yung tipong pag naging boyfriend mo, alam mong mabait siya talaga.

"Pag nagka-girlfriend siya, kumbaga alam mong safe ka."

Pabirong hirit ni Luis, "Mag-bodyguard ka na lang para alam mong safe ka!"

Dagdag naman ni Jessy, hindi pa niya nakilala si Alden nang personal kaya hindi siya makaisip ng iba pang magandang qualities ng Kapuso actor.

Continue reading below ↓

"Siguro kasi hindi ko siya kilala masyado so di ko rin masabi kung bakit jojowain."

Nang magseryoso si Luis, sinabi niyang mabait si Alden.

May "utang na loob" daw siya kay Alden dahil sinalo siya nito sa isang hosting stint niya.

Balik-tanaw ni Luis: "Totoo ito. Dahil si Alden, one time may hosting ako—kasama kita nun—nung nagkasakit ako.

"'Tapos last minute, nanginginig ako sa fever. 'Tapos last minute si Alden gumawa ng hosting."

Dagdag na mensahe ni Luis kay Alden, "Thank you brother sa ginawa mong iyon."

jessy ON ENCHONG and JAKE

Ang ilan pang local male celebrities na nabanggit sa vlog ni Jessy ay sina Enchong Dee at Jake Cuenca.

"Totropahin" daw ni Jessy si Enchong dahil magkaibigan ang turingan nila noon pa mang nagkakasama sila sa mga proyekto sa ABS-CBN.

"Mabait si Enchong, so totropahin," ani Jessy.

"Totropahin" din ni Jessy si Jake na dati niyang nakatambal sa 2013 prime-time series na Maria Mercedes.

Continue reading below ↓

Inamin ni Jessy na nanligaw sa kanya noon si Jake, pero lumalabas na hindi niya sinagot ang binata.

"Sincere" at hindi raw pretentious si Jake kaya ito raw iyong tipong magandang maging kaibigan.

LUIS ON BEA, BELA, AND ELLEN

Sa kabilang banda, tinanong din ni Jessy si Luis kung "totropahin o jojowain" niya ang mga Kapamilya actress na sina Bea Alonzo, Maja Salvador, at Bela Padilla.

"Totropahin" daw ni Luis sina Bea at Maja dahil sobrang kasundo at naka-bonding niya ang mga ito.

Nakatrabaho ni Luis si Bea sa movie na All About Love noong 2006, at si Maja sa Kapamilya weekly series na Your Song Presents: If We Fall In Love noong 2007.

"Totropahin" din daw ni Luis si Bela, pero hindi pa raw talaga niya ito personal na nakatsikahan o naka-bonding.

Sa "Level 2" ng vlog challenge ni Jessy, may nilaro silang "pagseselosan" o "dededmahin."

Ayon kay Jessy, hindi niya pagseselosan si Ellen Adarna dahil tingin niya ay hindi raw matitipuhan ni Ellen si Luis.

Continue reading below ↓

Natatawang hirit ni Luis, "Lahat na lang hindi ako type! Ano ako, pusit?!"

Nabanggit naman ni Luis na "high school" pa lang si Ellen nang makilala niya ito sa Cebu dahil may mga kabarkada raw si Luis doon.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola explains why she thinks Alden Richards (right) is boyfriend-material, "Pag nagka-girlfriend siya, kumbaga alam mong safe ka."
PHOTO/S: Jessy Mendiola Youtube / @aldenrichards02 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results