Neil Arce to fiancée Angel Locsin: “You’re still more beautiful in person”

by Arniel C. Serato
Feb 8, 2021
Angel Locsin Neil Arce FAMAS Digital 2020
Neil Arce to fiancée Angel Locsin about her portrait: "It's beautiful but you're still more beautiful in person."
PHOTO/S: Courtesy: @niel_arce / @therealangellocsin on Instagram

Para kay Neil Arce, mas maganda ang fiancée na si Angel Locsin sa personal kaysa sa anumang painting o portrait.

Sa kanyang Instagram noong Sabado, February 6, nagbahagi si Angel ng larawan ng kanyang portrait.

Ito ay galing sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) Digital 2020 para sa kanilang awardees.

Si Angel ay ginawaran ng FPJ Memorial Award noong nakaraang taon.

Kasama ng certificates ang paintings na ibinibigay sa awardees.

Nakasaad sa caption ng 35-year-old Kapamilya star, “Amazing portrait. Thank you for this @kristine_s_lim & @famas_digital

Nagkomento naman ang fiancé ni Angel na si Neil ukol sa nasabing portrait.

Aniya, “Its beautiful but youre still more beautiful In person [face throwing a kiss emoji]”

May kilig na sagot ni Angel, “@neil_arce asus (heart emoji)”

neil arce compliments fiancee angel locsin portrait

Continue reading below ↓

Sobrang nagandahan naman sina Vice Ganda, Bubbles Paraiso, at Pinky Amador sa portrait ni Angel.

vice ganda reacts on angel locsin portrait

pinky amador reacts on angel locsin portrait

Continue reading below ↓

bubbles paraiso reacts on angel locsin portrait

Tugon ni Angel kay Vice, “@praybeytbenjamin pagawa ka ati!"

angel locsin reacts to vice ganda comment

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman ang maylikha ng portrait kay Angel.

Puring-puri rin niya ang aktres dahil daw sa pagiging busilak ng puso nito.

Ayon sa kanya, "Thank you so much and congratulations, @therealangellocsin . A well deserved award!

"Though i must say that your beauty is no match with the portrait that i made. You are beautiful both inside and outside.

"You have a good heart and a truly inspiring and amazing woman. Such an honor to create this piece. May God continue to shine in and through you."

Tugon ni Angel, "@kristine_s_lim you’re really blessed with a talent of making people feel good, thru your art and your words. Thank you sooo much."

portrait maker thanks angel locsin; angel reacts

Continue reading below ↓

THE WEDDING

Ngayong taon inaasahan ng maraming tagahanga ni Angel gaganapin ang kasalan nila ni Neil.

Noong November 8, 2020 sana ito gaganapin ngunit naudlot dahil sa COVID-19 pandemic.

Hindi pa rin malinaw kung intimate wedding ito o isang engrandeng selebrasyon ang idadaos.

February 2018 nang opisyal na isinapubliko ni Angel na magkasintahan na sila ni Neil.

Makalipas ang isang taon at apat na buwan, nag-propose si Neil ng kasal kay Angel noong June 2019.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neil Arce to fiancée Angel Locsin about her portrait: "It's beautiful but you're still more beautiful in person."
PHOTO/S: Courtesy: @niel_arce / @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results