Toni Gonzaga scolds sister Alex over viral tweet: “Ang ganda ng wedding… tapos the next day, ‘putokan na’”

by Jet Hitosis
Feb 8, 2021
Toni Gonzaga, Mikee Morada, Alex Gonzaga
Singer-actress-TV host Toni Gonzaga (left) talks to her sister, actress Alex Gonzaga and Lipa City Councilor Mikee Morada (right) in her latest vlog uploaded on Sunday, February 7, 2021. Alex and Mikee got married in November 2020.
PHOTO/S: Screengrab from Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube, @cathygonzaga on Instagram

“Nagkainitan” ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga dahil sa viral na reply ni Alex sa isang parody Twitter account noong araw na ianunsiyong kasal na siya kay Mikee Morada.

Ibinunyag ito ni Toni, 37, sa kanyang vlog nitong Linggo, February 7, kung saan guests niya ang mag-asawang Alex, 33, at Mikee, 33.

Sa kalagitnaan ng pangungumusta ni Toni sa buhay may-asawa ng kanyang kapatid at bayaw, naungkat niya ang tungkol sa nag-viral na tweet ni Alex nitong January 17.

Umaga ng January 17 nang ianunsiyo ni Alex, sa pamamagitan ng isang vlog, na magdadalawang buwan na siyang kasal kay Mikee.

November 2020 nang ikinasal si Alex kay Mikee, incumbent councilor ng Lipa City, Batangas, sa bahay ng mga Gonzaga sa Tanay, Rizal.

Isa iyong intimate civil wedding ceremony na dinaluhan ng kani-kanilang immediate family members.

Continue reading below ↓

ALEX REPLIES TO “MAPUTOKAN” TWEET

Buong umagang usap-usapan sa social media ang happy news na iyon mula kina Alex at Mikee.

Pero pagsapit ng hapon, ang kuwelang reply ni Alex sa pilyong tweet ng parody account ng ina nilang si Mommy Pinty Gonzaga ang nag-viral sa Twitter.

Naka-tag si Alex sa tweet ng parody account, na may handle na @mommy_pinty (published as is): “Congratulations to my bunso! Pwede na maputokan [sneezing face emoji]”

Reply ni Alex: “Anong pwede na? Tapos na! [grinning face with sweat emoji]”

Continue reading below ↓

Kaagad na humakot ng libu-libong likes at retweets ang nakakatawang reply na iyon ni Alex.

Ibinalita naman iyon ng maraming lehitimong news outlets, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ALEX CALLS SISTER “CARDINAL TIN”

Sa vlog ni Toni nitong Linggo, nakakita ang singer-actress-TV host ng pagkakataon upang alamin ang reaksiyon ng brother-in-law niyang si Mikee tungkol sa nag-viral na reply ni Alex sa Twitter.

Pag-amin ni Toni, “nagkainitan” daw kasi silang magkapatid dahil sa ginawa ni Alex.

“Gusto kong i-discuss kay Mikee ito, e,” seryoso ang mukhang bumaling si Toni kay Mikee.

“Dapat ite-text ko si Mikee, pero isinumbong ko na lang sa Mommy na nagkainitan kami ni Catherine.”

Catherine ang tunay na pangalan ni Alex.

Tanong ni Toni kay Mikee: “Ano yung reaction mo nung nag-reply siya sa parody ng Mommy?

“Tapos pinikap ng lahat ng news—”

Pabirong pinutol ni Alex ang sasabihin ni Toni: “Na pinalaki mo…”

Continue reading below ↓

Isiningit ni Toni ang kanyang paliwanag: “Kasi pinikap ng news, sabi ko, napaka—”

Muli, pabirong pinutol ni Alex ang sinasabi ng nag-iisang kapatid.

“Na tinawag kitang Cardinal Tin kasi talagang you are after the sanctity of marriage,” pakuwelang kuwento ni Alex, na ikinatawa ni Toni.

Ang “Tin” na tinukoy ni Alex ay nickname ni Toni, na ang tunay na pangalan ay Celestine.

Ipinalit ni Alex ang palayaw ng kapatid sa pangalan ni Cardinal Sin, na tumutukoy sa namayapang Manila archbishop na si Jaime Cardinal Sin (1928-2005).

Si Cardinal Sin ang isa sa mga nanguna sa EDSA People Power Revolution, na nagpatalsik sa puwesto sa diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, noong February 25, 1986.

“ANG GANDA NG KANYANG WEDDING, TAPOS THE NEXT DAY…”

Pagkatapos, ginaya ni Alex ang galit daw na reaksiyon ni Toni nang kumprontahin siya nito dahil sa nabanggit na tweet.

“’Sinira mo at binastos mo ang wedding at ang institution of marriage!’” pasigaw at naggalit-galitang panggagaya ni Alex sa sinabi raw ni Toni sa kanya.

Continue reading below ↓

Natatawa lang na pinapanood ni Toni ang nakababatang kapatid.

Patuloy ni Alex: “Toni G as the preservation of the institution of marriage. Napaka-OA!”

Nagpaliwanag si Toni.

“Kasi ang ganda nung kanyang marriage, ang ganda ng wedding, ang solemn ng ceremony.

“Tapos the next day, ‘putokan na.’

“Sabi ko, ano kaya yung issue? Bakit ganito ang issue, putukan?

“Tapos nakita ko, ay, bakit niya nireplayan itong parody na ‘to?!”

TONI ASKS FOR MIKEE’S REACTION

Bago pa makasingit muli si Alex, tinanong ni Toni si Mikee kung nagalit ba ito sa pilyang reply ng misis sa parody account ni Mommy Pinty.

Ngumiti at napaisip si Mikee bago sumagot: “Hindi naman masyado.”

Ayon kay Mikee, mas ikinagalit niya ang ginawa ni Alex sa isang vlog kamakailan kung saan dinukot nito mula sa itaas na bahagi ng suot na blouse ang dalawang pandesal.

Sa ginawa kasing iyon ni Alex, muntik na siyang makitaan ng boobs.

Continue reading below ↓

Kinumpirma ni Toni ang reaksiyon ni Mikee sa nabanggit na vlog ni Alex: “Nagalit ka?”

“Oo, parang… ‘ano ba yan, ginagawa mo?’ Kasi private ano na yun, e," sagot ni Mikee.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress-TV host Toni Gonzaga (left) talks to her sister, actress Alex Gonzaga and Lipa City Councilor Mikee Morada (right) in her latest vlog uploaded on Sunday, February 7, 2021. Alex and Mikee got married in November 2020.
PHOTO/S: Screengrab from Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube, @cathygonzaga on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results