Ellen Adarna replies to “patron saint by day, patron tequila by night” comment

by Arniel C. Serato
Feb 9, 2021
Ellen Adarna saint tequila
Ellen Adarna to netizen telling her that she looks like a 'Patron saint by day, patron tequila by night': "Peste ka. Hahahahaha best of both worlds lol.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram

Saint Ellen?

Ito ang naisip ng ilang netizens kay Ellen Adarna matapos nitong mag-upload ng larawan sa kanyang Instagram account kahapon, February 9.

Mukha raw kasing santa si Ellen sa kanyang black-and-white picture.

Wala siyang caption na inilagay sa kanyang post.

View this post on Instagram

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

Komento ng isang netizen na tila kakilala ni Ellen: “Patron saint by day, patron tequila by night... ana! [ganyan!]”

Kilala kasing party girl si Ellen noong wala pa itong anak.

Tawang-tawa naman ang aktres sa sinabi ng kaibigan.

Tugon niya, “peste ka. Hahahahaha best of both worlds lol”

netizens call ellen adarna as patron tequilla, ellen reacts

Continue reading below ↓

Sabi naman ng isang netizen, “Mao najud ni ang pic kung ma santo naka [Ganito na talaga ang magiging pic kung magiging santo ka na]. Ellen Adarna patron saint of moving on and real talk, pray for us.”

Sumang-ayon naman ang isang netizen sa nasabing komento

Sabi nito, “korek.. pls pray for us! Patukod nya sa temple of leah ana na statue dai @maria.elena.adarna [Magpatayo ka na sa temple of lea ng ganitong istatwa dai]”

netizens call ellen adarna patron of moving on

Continue reading below ↓

Ang Temple of Leah ay isang dambana na naglalaman ng mga importanteng gamit at alaala ni Leah Albino-Adarna, ang namayapang asawa ng yumao na ring si Teodorico Soriano-Adarna. Sila ang grandparents ni Ellen.

Natatawang komento pa ng isang netizen, “Santa Elena, pray for us”

netizens calling ellen adarna as santa ellen

Wala nang sinagot pa si Ellen sa ibang komento.

Continue reading below ↓

ELLEN adarna IS BACK ON TV

Sa ngayon, abala si Ellen sa taping ng sitcom nila ni John Estrada na John En Ellen sa TV5.

Sa kanyang Instagram Stories, panay post si Ellen ng behind the scenes ng sitcom.

Nasangkot namang muli sa intriga si Ellen dahil nali-link ang pangalan niya sa aktor na si Derek Ramsay.

Naging kontrobersiyal ang inihandang dinner ni Derek para sa kanyang mga kaibigan sa showbiz at kapitbahay sa Ayala, Alabang, noong Enero.

Nahuli pa ng News5 si Ellen na nasa bahay ni Derek sa panayam ni MJ Marfori para sa promo ng sitcom.

Pero nanindigan ang dalawa na magkaibigan lang sila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna to netizen telling her that she looks like a 'Patron saint by day, patron tequila by night': "Peste ka. Hahahahaha best of both worlds lol.”
PHOTO/S: Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results