Star Magic head Laurenti Dyogi refrains from addressing issues raised by Johnny Manahan; Star Magic greets Mr. M on his birthday

by Rachelle Siazon
Feb 11, 2021
Star Magic head Laurenti Dyogi (left) begs off from answering PEP.ph's queries about issues related to Johnny Manahan's (right) dismay over "shadow talent center" in ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic YouTube

Tila ayaw nang palawigin pa ng ABS-CBN ang isyu ng sama ng loob ni Johnny Manahan nang umalis ito sa bakuran ng Kapamilya network.

Hindi naglabas ng official statement ang pamunuan ng ABS-CBN matapos ang pag-amin ni Manahan na nilisan niya ang network dahil sa diumano'y kawalan ng aksyon ng ABS-CBN higher management sa mga problemang kinaharap ng Star Magic.

Si Johnny, o mas kilala bilang Mr. M, ay co-founder ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Kilala rin siya bilang TV director ng sikat na sitcoms ng ABS-CBN, pati na ang longest-running musical-variety show na ASAP.

September 2020 nang maiulat na umalis na si Mr. M sa ABS-CBN.

Noong January 26, 2021, sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na mag-request ng panayam sa bagong Star Magic head na si Laurenti Dyogi.

Si Dyogi ay tumatayong TV Production Head ng ABS-CBN mula noong 2013.

Nais hingin ng PEP.ph ang panig ni Dyogi dahil nabanggit ang kanyang pangalan sa isyung isiniwalat ni Mr. M tungkol sa overlapping functions ng business units sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Pero tumanggi si Dyogi na maglabas ng pahayag hinggil dito.

Ipinarating niya lamang sa PEP.ph na malaki ang respeto niya kay Mr. M na dating long-time top man ng Star Magic.

"I don't like to make the issue bigger. I have much respect for Mr. M," simpleng saad ni Dyogi sa mensahe nito sa PEP.ph.

Ngayong February 11, Huwebes, ang ika-74 kaarawan ni Mr. M.

Sa official Instagram account ng Star Magic, naglabas ng art card na naglalaman ng pagkilala sa mga katangiang ipinamalas ni Mr. M sa loob ng 51 taon nito sa entertainment business.

Sabi rito, "Mr. M, yours has been a remarkable life and career, an inspiring story of vision, humility, and grace, written on tablets of hard-work and divine leading.

"May the many years ahead be even more blessed with divine grace, sound health, and prosperity.

"Happy birthday!"

Continue reading below ↓

Sa official Instagram account ni Dyogi, ni-repost niya ang art card ng Star Magic para kay Mr. M kalakip ng birthday greeting para rito.

Ipinahiwatig ni Dyogi ang pagkilala niya kay Mr. M bilang founder ng talent management arm ng ABS-CBN.

Aniya, "A blessed birthday to the man who built Starmagic. Happy birthday Sir!"

Continue reading below ↓

Walang nabanggit sa mga pinakawalang mainit na salita ni Mr. M tungkol sa mabigat na pasanin niya noong mga huling taon ng kanyang pamamalakad sa Star Magic.

HOT STORIES

MR. M ON "CONFLICT OF INTEREST" INVOLVING "SHADOW TALENT CENTER"

Noong January 19, 2021, eksklusibong nakapanayam ng editorial team ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. M.

Kasunod ito ng pagharap niya sa editors ng Summit Media para sa isang virtual "sandwich session" noon ding araw na iyon.

Sa PEP.ph, diretsahang sinabi ni Mr. M na naging malaking isyu ng Star Magic ang diumano'y "conflict of interest" dahil sa pagpapatakbo ng management ng "shadow talent center."

Paliwanag ni Mr. M, ang Star Magic ang may mandato na mag-discover at mag-manage ng pool of talents and stars ng network.

Pero lumalabas na may business units (BUs), na bukod sa pagprodyus ng entertainment shows ay tumatawid sa discovery at management ng talents.

Sa loob ng network, dalawang units ang gumagawa na nito: Ang unit ni Raymund Dizon na may hawak ng Pinoy Big Brother at Star Hunt; at ang unit ni Roldeo "Deo" Endrinal na Dreamscape, na namamahala sa careers ng piling stars, prinsipal na ng career ni Coco Martin.

Continue reading below ↓

Lahat ng BUs sa ABS-CBN, kasama na ang maraming BUs sa labas ng TV entertainment, ay nasa ilalim ni Cory Vidanes, and Chief Operating Officer ng network.

Lubha raw nabahala ang ibang Star Magic artists, na pakiramdam ay mas napapaboran ang talents mula sa "shadow talent center" kaysa sa kanilang mga nasa Star Magic.

Inakyat daw ni Mr. M ang problemang ito sa higher management.

Pero lumipas daw ang dalawa hanggang tatlong taon na wala raw aksyon ang higher management.

Na-miss daw ni Mr. M sina Charo Santos-Concio at Freddie M. Garcia—ang dating mga big boss ng ABS-CBN—na tingin niya ay hindi magpapalampas ng tinawag niyang "conflict of interest" sa overlapping functions ng BUs sa network.

Sina Freddie at Charo raw ang direktang nakakausap niya noon sa mga bagay na may kinalaman sa pamamalakad ng Star Magic.

Si Freddie ay president at chief executive officer ng ABS-CBN mula 1998 hanggang magretiro ito noong 2003. Siya rin ang co-founder ng Star Magic.

Continue reading below ↓

Si Charo ay president ng network mula 2003 hanggang 2016. Na-appoint siyang CEO mula 2013 hanggang sa nagretiro siya noong 2016.

Mula 2016 hanggang sa kasalukuyan, si Charo ang chief content officer ng ABS-CBN.

Sa kabuuan, aminado si Mr. M na maganda ang naging karanasan niya sa Kapamilya network sa loob ng "35 or 40 years" ng pagtatrabaho niya roon.

"ABS has been good to me," pagsusuma nito.

Malaki rin daw ang bilib ni Mr. M sa galing at talento ng mga tao ng ABS-CBN.

Gayunman, naging mitsa raw ng pagsuko niya ang unresolved issues sa Star Magic.

Tahasan din niyang sinabi na hindi na niya gusto ang pamamalakad ng kasalukuyang ABS-CBN management.

Prangkang sabi ni Mr. M. sa PEP.ph: "Ayoko na. I've had enough. Hindi ko na gusto pagpapatakbo dun, e.

"They didn't give us the respect anymore.

"Parang ina-undercut kami ng ginagawa nilang talent center. May mga talent sila. They will make us irrelevant.

Continue reading below ↓

"They didn't see that. I don't know why."

CHANGE OF GUARDS IN STAR MAGIC

Pinamunuan ni Mr. M ang Star Magic mula 1992 hanggang sa magretiro siya noong 2007.

Kahit retirado, nanatili siyang aktibo bilang chairman emeritus ng Star Magic mula 2007 hanggang sa naiulat ang pag-alis niya sa ABS-CBN noong September 2020.

Kaagapay ni Mr. M si Mariole Alberto, na siyang pinuno ng Star Magic mula 2007 hanggang sa magretiro ito noong December 2020.

Ilan sa Star Magic artists na sumikat nang husto sa showbiz ay sina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Angelica Panganiban, Liza Soberano, Enrique Gil, at Joshua Garcia.

Noong September 25, 2020, opisyal na in-appoint si Dyogi bilang bagong Star Magic head.

Una siyang nakilala bilang resident movie and TV director ng ABS-CBN.

Dati rin siyang business unit head ng ABS-CBN entertainment shows, kabilang na ang reality franchise show na Pinoy Big Brother.

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph kay Mr. M, binanggit niyang kakatwang nauwi ang pagpapatakbo ng Star Magic sa TV Production Head na si Dyogi.

Tingin ni Mr. M, hindi maiiwasan ang "conflict of interest" kung bahagi ng ABS-CBN management, o mismong TV production head, ang namamahala ng Star Magic.

Diretsong sabi niya: "There's Lauren Dyogi who took over the Star Magic. It's a bad thing.

"Because when management takes over Star Magic, who's gonna watch management?

"Management does a lot of bad things for the artist.

"Quis custodiet ipsos custodes? Naks, Latin yun, a! Who's gonna watch the watchers? Sila-sila yun, e."

Nabanggit ni Mr. M kung bakit dapat hiwalay ang ABS-CBN management at ABS-CBN talent-management arm.

Aniya, "Siyempre mauuna yung needs nila kaysa dun sa talent. You can see that when it comes to negotatiating talent fees. Kawawa yung talent, e. That's one of the reasons why."

Si Dyogi rin ang pinuno ng Star Hunt Academy, ang nagma-manage ng talents na nadidiskubre sa Star Hunt, ang audition caravan ng ABS-CBN na inilunsad noong 2018.

Continue reading below ↓

Layunin ng Star Hunt maging "one-stop shop" para sa auditionees na maaaring isabak sa iba't ibang reality shows ng network.

Taong 2020 nang maglunsad ang Star Hunt Academy ng idol groups tulad ng BINI at BGYO.

Ang ganitong sistema ng "shadow talent center" ang inalmahan ni Mr. M noong siya ay Star Magic top man.

Sabi ni Mr. M sa PEP.ph: "Pati Star Hunt ganun. And then, they're trying to put up a group or groups.

"We kept saying, 'That should have been ours.' That's right down our alley," tukoy ni Mr. M ukol sa hinaing niya at ng kanyang staff noon.

Iba raw ang kaso ng Rise Artists Studio, ang sariling pool of talents ng ABS-CBN Films.

Ang ABS-CBN Films ay film arm ng ABS-CBN na pinamumunuan ng managing director na si Olivia "Inang" Lamasan.

Ayon kay Mr. M, magkatuwang ang ABS-CBN Films at Star Magic sa pagbuo ng Rise Artists Studio.

Continue reading below ↓

Ang ABS-CBN Films ang bahala sa proyekto na maaaring gawin ng artists, habang ang Star Magic ang bahala sa pagdiskubre at pag-manage ng career ng Rise Artists.

LAURENTI DYOGI as STAR MAGIC HEAD

Sa kabilang banda, noong December 4, 2020, naganap ang pinakaunang contract signing ng mga bagong Star Magic talents sa ilalim ng pamumuno ni Dyogi.

Sa simula ng programa, mayroong short speech si Dyogi kunsaan kinilala niya ang legacy na iniwan nina Johnny Manahan at Mariole Alberto bilang longtime leaders ng Star Magic.

Ang kabuuang pahayag ni Dyogi:

"Thank you to Mr. M and Mariole.

"Star Magic is known to produce, to hone, and to manage the brightest and most talented stars in Philippine show business.

"And today we continue this legacy and tradition.

"As we welcome new artists to the Star Magic family, we also want to express our deepest gratitude to the Star Magic artists who chose to stay with us as we continue to rebuild and explore new opportunities."

Continue reading below ↓

Pinakilalang bagong Star Magic artists ang mga produkto ng training sa Star Hunt: ang P-pop girl group na BINI at ang all-male group na Star Hunt Academy Boys.

Nag-renew naman ng kontrata sa Star Magic sina Kim Chiu, Jane de Leon, Robi Domingo, at Joseph Marco.

Gayundin sina Enchong Dee, JM de Guzman, Kira Balinger, at Andrea Brillantes.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic head Laurenti Dyogi (left) begs off from answering PEP.ph's queries about issues related to Johnny Manahan's (right) dismay over "shadow talent center" in ABS-CBN.
PHOTO/S: Mark Atienza / Star Magic YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results