Angelica Panganiban, Vina Morales, Martin Nievera, other celebs post heartwarming messages for Mr. M

by Rachelle Siazon
Feb 12, 2021
Angelica Panganiban, Vina Morales, Martin Nievera, and other celebrities send good wishes for Mr. M on his 74th birthday, February 11.
PHOTO/S: @iamangelicap / @vina_morales / @martinnievera Instagram

Pansamantala mang nagpapahinga sa showbiz si Johnny Manahan, hindi nakaligtaan ng mga artistang nagmamahal sa kanya ang magpaabot ng kanilang birthday greetings.

Si Johnny ay mas kilala sa showbiz bilang Mr. M.

May 28 taon niyang pinamunuan ang Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

Siya ay nakilala ring direktor ng longest-running Sunday musical-variety show na ASAP, mula noong 1995 hanggang sa umalis siya ng ABS-CBN noong 2020.

ANGELICA PANGANIBAN

Kahapon, February 11, ipinagdiwang ni Mr. M ang kanyang ika-74 na kaarawan.

Isa sa mga bumati sa kanya ay si Angelica Panganiban, na nag-post sa Instagram ng throwback photo nila ni Mr. M.

Mahigpit ang yakap ni Angelica kay Mr. M, na itinuring niyang tatay-tatayan sa Star Magic.

"Happy Birthday Mr M," simpleng caption ni Angelica.

Angelica panganiban greets Mr. M

Continue reading below ↓

VINA MORALES

Madamdamin ang mensahe ni Vina Morales para kay Mr. M.

Pareho raw sila ng nakababatang kapatid na si Shaina Magdayao na sobra ang pasasalamat kay Mr. M.

Kalakip ng mensahe ni Vina ay litrato nila ni Mr. M na kuha sa Star Magic office sa ABS-CBN.

Sabi ni Vina sa kanyang Instagram post: "Sa aming Tatay ng @starmagicphils MR. M gusto ko po kayong batiin ng happy bday, forever thankful po kami ni @shaina_magdayao and ceana sa inyo for being there for us always [heart and smiley]

"Kahit san po ako may work now, forever grateful and thankful po ako sa inyo,

"Mahal po namin kayo Mr M [heart emoji] wishing you good health always #happybdayMRM."

MARTIN NIEVERA

Isang throwback picture din kasama si Mr. M ang ibinahagi ng Concert King na si Martin Nievera.

Bukod sa ASAP, nagkatrabaho sina Martin at Mr. M sa concerts at ibang big events.

Continue reading below ↓

Caption ni Martin, "Happy happy birthday Mr. M! #HBDJOHNNYMANAHAN."

Martin Nievera greets Johnny Manahan on 74th birthday

ERIK SANTOS

Nagbigay-pugay rin si Erik Santos kay Mr. M na matagal niyang nakatrabaho sa ASAP.

Nag-post si Erik ng candid shot ni Mr. M habang ito ay nanonood marahil ng dress rehearsal sa isang concert event.

Sabi ni Erik: "Today, we honor and celebrate you and the special place you have in our hearts.

Continue reading below ↓

"Blessed birthday to you Mr. M! ??
@starmagicphils

Erik Santos birthday greeting to Mr. M

KIM CHIU

Ni-repost naman ni Kim Chiu ang litrato ni Mr. M na ibinahagi sa official Instagram account ng Star Magic.

"Happy Birthday Mr. M!" saad sa caption ng Instagram Story ni Kim.

Kim Chiu greets Mr. M on 74th birthday

Continue reading below ↓

MAYMAY ENTRATA

Si Maymay ay nag-repost din ng picture ni Mr M. via Instagram Story.

Sa YouTube vlog ng Star Magic noong October 2020, naikuwento ni Maymay na hindi niya malilimutan ang unang beses na nakasama siya sa isang show abroad.

Kabadong-kabado raw sila ng ka-love team na si Edward Barbers dahil nauna sa kanilang sumalang ang singer na si KZ Tandingan.

Napansin daw ni Mr. M na ninenerbiyos sina Maymay Entrata kaya tinawag daw sila nito habang sila ay nasa backstage.

Noong una ay nahiya pa raw sina Maymay at Edward, pero inamin din nilang natatakot sila na baka masira ang show dahil sa kanila.

"Pero, eto lang tumatak sa isip ko. Sabi niya, 'Ano ba sa tingin mo kung bakit ka nasa Star Magic? Ano ba sa tingin mo bakit kayo nandito?'

"Sabi namin, 'Bakit po, Sir?' Tapos sabi niya, 'Because you have your own magic.' Yun lang sinabi niya."

Continue reading below ↓

Iyon daw ang nagpalakas ng loob nina Maymay at Edward.

"Napaisip kami ni Edward. Na-touch din kami sa sinabi ni Mr. M.

"Simula nun di ko na kinuwestiyon yung kakayahan namin.

"Kasi, just being you pala, accepted mo kung anong merong talento ka, yun ang magic mo."

HOT STORIES


Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban, Vina Morales, Martin Nievera, and other celebrities send good wishes for Mr. M on his 74th birthday, February 11.
PHOTO/S: @iamangelicap / @vina_morales / @martinnievera Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results