Dacera family reiterates they’re seeking justice for Christine, not her insurance benefits

by Arniel C. Serato
Feb 12, 2021
Christine Dacera death insurance
Dacera family, in their reply affidavit submitted to the court, strongly rejects autopsy report from Philippine National Police Crime Laboratory that Christine Dacera (in photo) died of natural causes.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram

Muling nanindigan ang pamilya Dacera na hindi sila naghahabol sa insurance benefits ni Christine Dacera kaya iginigiit nilang may krimen sa pagkamatay nito.

Hindi raw sapat ang dalawang milyong piso kapalit ng buhay ng namayapang flight attendant.

Sa isinumiteng reply affidavit ng Dacera family sa Makati City Prosecutor's Office kahapon, February 12, nakasaad ditong hindi nila tanggap ang resulta sa lumabas na autopsy mula sa Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory.

Lumabas sa second autopsy sa mga labi ni Christine na “natural causes” ang ikinamatay ng dalaga.

Kaya na-rule out ang foul play sa pagkamatay ni Christine noong January 1, 2021.

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas ng TV5 kahapon, February 11, sa susunod na linggo ay magpapasa ng rejoinder ang respondents sa korte. Magsisilbi itong huling pleadings para sa magkabilang kampo.

NO APPLICATION FOR BENEFITS

Sa naunang panayam ng ina ni Christine na si Sharon Dacera at ng abugado ng pamilya sa The Boy Abunda Interview Special, sinabi nilang walang katotohanan ang paratang ng netizens na ang habol nila ay ang insurance benefits ni Christine.

Continue reading below ↓

Pahayag ni Atty. Brix Reyes, “This insurance policy that they’re referring to has not been applied for by the Dacera’s for the simple reason that they dispute the certificate of death of Dr. Sarmiento.”

Ang medico-legal officer na si Police Major Michael Sarmiento ang doktor na tinutukoy ni Reyes dahil ito ang nag-embalsamo sa bangkay ni Christine.

Inamin din ni Sarmiento na walang pahintulot ng pamilya Dacera ang kanyang ginawa.

Dagdag pa ni Reyes, “In order to be able to apply for benefits, you have to submit a certificate of death to the insurance company.

“We did not have that certificate of death approved by the Civil Registry of Makati because we dispute the findings. Otherwise, we would have implied they have accepted the findings.

"So there’s no application for benefits. She has not received a single centavo from this alleged policy.”

Iginiit naman ni Sharon na hindi ang insurance ni Christine ang isyu.

Continue reading below ↓

Aniya, “Para sa akin, hindi insurance ang pinag-uusapan natin dito, yung hustisya para sa anak ko.

“Pwede siguro akong mangutang ng two million pesos, mabuhay pa kaya nila si Christine, yun ang tanong ko?”

Dahil sa kagustuhang matunton umano ang katotohanan, pati sa psychic ay sumangguni na si Sharon para makausap ang kaluluwa ng anak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dacera family, in their reply affidavit submitted to the court, strongly rejects autopsy report from Philippine National Police Crime Laboratory that Christine Dacera (in photo) died of natural causes.
PHOTO/S: Courtesy: @xtinedacera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results